Chapter 4

3 1 0
                                    

As days goes by, napapansin kong nagiging mabuti na ang kalagayan ni Miranda.

She's recovering. Hindi na sya masyadong maputla. Maayos na ang lahat sa kanya at talagang hinihintay nalang ang pag gising.

Three weeks na ko dito at three weeks ko na rin syang inaalagaan at binabantayan. Sa totoo lang mas madalas na ko dito sa kwarto nya kaysa sa kwartong nakalaan para sakin. Dito narin ako madalas nakakatulog dahil palagi ko syang kinukwentuhan ng kung ano ano hanggang sa di ko na namamalayan na ako na yung nakakatulog.

Her fiancé calls once in a while. Saglit lang sya kung tumawag. He's just asking if she already wakes up or not. Pagsagot ko nang hindi pa, ibababa na agad nya ang tawag. Weird.

Hindi ba dapat kamustahin nya naman? Parang hindi naman sya concerned. Parang palagi syang nagmamadali at walang pakialam.

Anong klaseng fiancé ba to? Tsk tsk. Puro yabang lang ata ang meron yun sa katawan. Nakakabadtrip. Sana hindi nalang sya tumawag.

Ayoko na syang pag usapan. Enough about that topic. Im currently here in the kitchen looking for something to eat. Nakakapagtakang hindi ko makita ang mga maid dito. Noon pakalat kalat lang sila pero ngayon, ni isa wala akong makita. Hindi ko alam kung nasaan. Ang weird talaga ng mga tao dito. Para akong mag isa sa mansyon nato.

I decided to cook for myself. It's kinda awkward kasi ang alam ko bawal ako dito. Kasi nga di raw to sakop ng trabaho ko at baka sitahin nila ko pag naabutan nila ko. Pero I have no choice. Nagugutom na ko.

Pagkatapos kong magluto, nilagay ko sa tray ang pagkain ko para sa kwarto nalang ako ni Miranda kumain. Yun na ang nakasanayan kong gawin para mas ma-monitor ko sya at makausap narin minsan...madalas pala. Baka kasi makatulong yun sa pagrecover nya. At isa pa, wala naman akong ibang pwedeng kausapin dito. Baka mabaliw lang ako.

Bubuksan ko na sana ang pinto nang makitang medyo bukas ito at my mga tao sa loob.

Hindi ko sila kilala. Dalawang lalaki at isang babae ang nag uusap usap sa loob. Sa tingin ko ay kaedad ng mga ito ang parents ko. They're her parents maybe? Who's the other man then? Maybe relative.

Aalis na sana ko to give them some privacy but I heard them talking something that will put Miranda's life in danger.

"Bakit kasi kailangan pa nating hintayin syang magising? Hayaan na nalang natin syang matuluyan...tapos ang problema natin! " The old lady said.

What? What's the problem is she talking about?

"Hindi natin pwedeng gawin yon! Still, she's my daughter! And once, we let her die, hindi natin malalaman kung nasan ang vault."

So, he's the father?! What the freaking f! Bakit nya sinasabi ang mga to! Sa harap pa mismo ni Miranda sila nag usap-usap! Didn't they know that she might hear them?

And what vault are they talking about? Does it more important than Miranda's life?

"And that vault will lead our transaction with Mr. Lee to success." The other man said.

"Pero dahil sa babaeng yan, our plans will fail. As long as she lives, our lives are still in danger. We can hire private investigators to find the vault and let her die! We don't need her!" Said by the lady.

I don't understand! All I know is that Miranda is in danger and I need to do something.

"No..even we found the vault, we still need her to open it. We need to wait for her to wake up, and when we already get what we want...then we can let her rest...for the rest of her life!" The other man said.

Let her rest for the rest of her life?! What?

"Is it okay with you Mr. Villaflor? Or...we will let my son to handle her?" The lady.

Son? Si James ba?

"It's up to your son then." The father said.

"I think your son James has better plans for her. He's smart. He knows what exactly he needs to do." He continued.

Sapat na ang narinig ko kaya umalis na ko sa tapat ng pinto at pumasok nalang sa kwarto ko.

I need to think. May masama silang plano kay Miranda... At si James, masama syang tao! Lahat sila.

Kailangan kong makaisip ng paraan kung paano maitakas si Miranda dito.

Alam kong labas na ko dito, kung ako lang, pwede na kong magresign nalang at umalis!

Pero hindi pwede! Kailangan nya ko,..kailangan ako ni Miranda.

Tiningnan ko ang monitor sa kwarto ko kung saan ko makikita si Miranda at nakita kong wala na don ang tatay nya at ang magulang ni James.

Sumilip ako sa bintana at nakita kong paalis na ang mga kotse nito.

Kumain ako habang nag iisip kung pano ko maiaalis si Miranda dito. Saan ko sya dadalin? Mukang maiimpluwensyang tao ang makakalaban ko.

Bumaba ako at nilagay sa lababo ang pinagkainan ko. Huhugasan ko na sana pero dumating ang isang maid at sinabing sya nalang daw ang gagawa non.

Hindi na ko nakipagtalo pa at pasimple kong pinag aralan ang pasikot sikot ng bahay.

Inaalam ko kung saan ang mga pwede kong daanan na hindi nila mahahalata pag dating ng araw na itatakas ko si Miranda dito.

Mukang mahirap to. Maraming CCTV cameras sa loob at labas ng bahay. At ang mahirap pa ay walang malay si Miranda. Mahirap pero gagawin ko ang lahat. Hindi ako basta basta makakapag sumbong sa mga pulis dahil hindi malabong may kapit sila sa batas. Wala akong dapat iba pang pagkatiwalaan dahil sariling ama at mapapang asawa nga ni Miranda ang sila pang magpapahamak sa kanya.

Kinuha ko ang ilang mga importanteng gamit ko at sinilid sa backpack ko. Konti lang muna ang kukunin ko para hindi sila makahalata.

Iniwan ko muna sa ilalim ng kama ang backpack ko at pumasok sa kwarto ni Miranda.
Naghanap ako ng mga bagay na kakailangin nya pagtakas namin. Inuna ko ang mga gamot at sinilid ko sa bulsa ko. Nag ikot ikot ako sa kwarto nya at binuksan ang cabinet at mga drawers na nandoon nagbabakasakaling may makita akong bagay na pwedeng dalin o magamit sa pagtakas namin. Saka na ang mga damit. Pwede namang bumili nalang. Hindi kami dapat magdala ng masyadong marami. Hindi masyadong importante ang mga gamit don kaya hinayaan ko nalang.

Ang nakuha ko lang ay ang mga identification cards, at ilang papeles. Inipit ko yung sa bandang likod ng pants ko at yung maliliit ay sa bulsa ko.

Lumapit ako kay Miranda at hinawakan ang kanyang kamay.

"Alam ko na Miranda, may balak na masama sayo ang papa mo, pati narin si James at kanyang pamilya. Wag kang mag alala, tutulungan kita, itatakas kita dito."

"Hindi kita pababayaan. That's a promise."

Wake UpWhere stories live. Discover now