Chapter 6

4 1 0
                                    

Two days after the call with my cousin Roger, he emailed me the investigation results. Ang galing nya. Bilib na talaga ko sa baliw na yon. Mabilis sya magtrabaho at malinis. Nice!

Napag alaman namin na si James Williams, the great fiancé ay ang tumatayong leader ng isang malaking mafia group. Nasa top 3 ang group nila na Black Scorpion ng pinaka malaking mafia sa buong asia. At top 6 naman sa buong mundo. Naging malaki at malakas ang Black Scorpion dahil pinagsama ang grupo ng ama ni Miranda na si Mr. Vladimir Villaflor at ang grupo ng ama ni James at dun nabuo ang Black Scorpion na sa ngayon ay si James ang namumuno.

They were supplying drugs and firearms illegally and they kill people too. They were aiming for more power that's why they tried to connect and transact with that Mr. Lee na wala pang nakakakita kahit sino. Hindi rin alam kung ano ang tunay na pangalan. Kung ano ang kinalaman ni Miranda dito ay hindi ko alam. Kung ano ang nasa vault ay hindi ko rin alam.

Ang importante ay makatakas na kami dito. At mamaya na namin yon isasagawa. Roger already hacked the security camera. Nakamonitor na sya sa mansion. Hinihintay nalang naming dumilim para mas madali at mas malinis ang pag alis namin dito.

Roger's team are already here too. He texted me na nasa paligid na ang team nya. Yung iba ay nasa labas ng mansion at yung iba naman ay gumawa na ng paraan para magpanggap bilang guards.

Kung paano nila nagawa yon ay hindi ko alam. Basta sinabi lang nila ang plano na sa oras na magshift ng guards ay ang team ni Roger na ang papalit at sila ang tutulong saming tumakas.

Kailangan nalang naming hintayin na makatulog ang mga maid at ilang mga tauhan tska namin ilalabas si Miranda.

Nandito ako sa kwarto ni Miranda at isa isang inaalis ang mga tubes na nakakabit sa kanya dahil ilang sandali nalang ay may kakatok na dito para tulungan akong ilabas sya dito. Ayos lang namang tanggalin ang ilang tubes dahil mabuti na rin naman ang kundisyon nya. Hindi narin nya kailangan ng ventilator.

Tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko at sinagot ang tawag ni Roger.

"Be ready bro, paakyat na dyan ang tauhan ko. Okay na ang lahat. Wala nang istorbo sa pagtatanan nyo" tss. Nagawa pang magbiro. Baliw talaga.

"Baliw ka talaga. Pero salamat bro."

"No prob."

Saktong pagbaba ko ng tawag ay may kumatok. Pinagbuksan ko yun ng pinto at pumasok naman sya.

"Sir, ilabas na natin sya. Kailangan nating magmadali" sabi ng tauhan ni Roger na sinang ayunan ko naman. Dalawa silang pumasok. Yung isa ay may bitbit na baril. Yung isa wala.

Lumapit kami kay Miranda.

"Ako na ang bubuhat sa kanya. Pakihawak nalang tong dextrose." Sabi ko sa walang hawak na baril. Yung isa ay ang magsisilbi naming bantay.

Maingat kong binuhat si Miranda habang nasa gilid ko ang lalaking may hawak sa dextrose. Nauuna naman yung lalaking may baril.

Mabilis kaming naglakad palabas ng kwarto at sinara ang pinto para hindi agad makahalata ang mga bantay at mga maids na nawawala kami ni Miranda.

We send a go signal sa bantay sa gate na tauhan din ni Roger. Ipinasok ko sa loob ng kotse si Miranda at pumasok na din ako. Naiwan ang mga tauhan ni Roger tulad ng napag usapan.

Tinawagan ko si Roger habang nagmamaneho. Isinet ko sa loudspeaker ang phone para makapagdrive ako ng maayos.

"Bro, nakalabas na kami ng mansion."

"Yep, nakita ko sa cam. Wag ka nang mag alala, ako nang bahala sa lahat. Wala kang maiiwang bakas don. Mag ingat kayo. Tumawag ka from time to time"

Yon lang at ibinaba na nya ang tawag.

Kahit papaano ay nakahinga na ko nang maluwag dahil sa wakas nakalabas na kami ng mansion. Mas safe na kami ngayon pero hindi pa ako dapat mapanatag.

"You're safe now Miranda."

Umaga na nang marating naming ang bahay ko sa Tagaytay. Mabuti nalang at wala akong kapitbahay dito at medyo tago din ang lugar. Gusto ko kasi ng tahimik kaya ko binili to dati. Akalain mong magagamit ko sa ganitong sitwasyon.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinanggal ang simcard at pinalitan ng bago. Kailangan yon para hindi nila ako macontact at matrace. Pagkatapos ay nagsend ako ng message kay Roger na ito na ang bago kong number. Ibinilin ko sa kanya ang pamilya ko at nangako naman syang hindi sila papabayaan.

Lumabas ako ng kotse at tinanggal ko muna ang dextrose kay Miranda para mas madali ko syang mabuhat at madala sa kwarto. Two storey ang bahay pero maliit lang. Saktong dalawa lang ang kwarto nito. Ipinasok ko sya sa master's bedroom at nilapag sa kama. Bumalik ako sa sasakyan at kinuha ang dextrose at muling ikinabit kay Miranda.

Bumaba ako ulit at kinuha ang mga gamit mula sa kotse at inakyat ang mga ito. Ang mga gamit ni Miranda ay dinala ko sa kwarto nya at inayos ang mga yon. Nilapitan ko si Miranda, hinalikan ko sya sa noo at pagkatapos ay dumiretso na ko sa kabilang kwarto.

Bumagsak agad ako sa kama sa sobrang pagod sa pagdadrive at sa ginawa naming pagtakas. Hindi ko na nakuhang magpalit man lang ng damit o kahit pagtanggal ng sapatos ay hindi ko nagawa at nakatulog na agad.

Nang magising ako ay hapon na. Pagbangon ko ay napansin kong nakahubad na ang sapatos ko at nakakumot pa ko. Wala naman akong maalalang kumuha ako ng kumot o kahit na pagtanggal ko ng sapatos. Malamang bumangon nanaman ako nang wala sa sarili. Parang sleep walking. Sabi ng parents ko ay madalas ko raw gawin yon pag pagod ako. Madalas nga akong tinatakot ng kapatid ko tungkol don. Kinukwentuhan nya ko ng mga bagay na ginagawa ko raw ng hindi ko alam at pinagtatawanan pa ko. Hindi ko alam kung totoo yung kinukwento nya tungkol sakin.

Kinwento nya na nung bata daw kami, magkasama kami sa kwarto noon. Ang sabi nya, isang gabi daw naalipungatan sya at nakita nya kong nakatayo at naglalakad palapit sa divider sa kwarto namin at tumayo raw ako sa tapat ng isang figurine na santo. Pilit ko daw yong inaabot at may mga ibinubulong bulong pa. Tinakot nya ako na baka daw may nakikita akong ibang nilalang don.

Minsan naman ay nagising nalang ako na nakahiga na ako sa tabi nya. Tinanong ko sya kung paano ako napunta don samantalang may sarili akong kama, ang sagot nya sakin ay "aba'y malay ko sayo. Ikaw tong bigla nalang tumabi sakin". Nakakatawa minsan ang nangyayari sakin. Ngayon naman eto.

Binalewala ko nalang yon at naligo na ako at nag ayos ng sarili. Pagkatapos ay inasikaso ko si Miranda. Kumuha ako ng face towel at palanggana na may tubig at hinaluan ko ng alcohol. Nilagay ko ang face towel at piniga pagkatapos ay pinunas ko sa kanya.

"When will you wake up? Ngayong naka alis na tayo sa inyo, hindi ko na alam ang gagawin."

Pinagpatuloy ko lang ang pagpunas habang kinakausap ko sya.

"I need you to tell me what I need to do. Please wake up real soon. We can't stay here forever. Baka hinahanap na nila tayo ngayon at natatakot akong mahanap nila tayo at kunin ka nila sakin."

I don't know why it bothers me so much. The thought that they will take her away from me is more fearing than the thought of they might kill me the moment they found out that I took her with me.

I take a deep breath and stood up to get clothes for her. This is a normal thing to do. Don't judge me. Im just doing what I just need to do. I never took advantage her and I never will.

I change her clothes at comb her hair. That's one of my favourite things to do. I love combing her long and soft hair. But what I love the most is starring at her. I want to memorize every inch and every detail of her face. And that's what Im doing right now.

"I need you to wake up. But I'm scared. I'm scared that once you did, you'll leave me...and that's what I don't understand. I don't know why I'm scared of loosing you."


Wake UpWhere stories live. Discover now