"Buti magaling kana. I missed you." Sabi ni Trigger.

"DAMN YOU! Bastos mo brad. Sasabihan mong nami-miss mo ang asawa ko sa harap ko? Naghahanap kaba ng sakit ng katawan!?" Nagbabantang tanong ni Lance.

Feeling ko mag-aaway na naman sila. Kaya mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Lance. Si Trigger naman cool pa ding nakatingin sa'min.

"Sa pagkakaalam ko, hindi mo pa sya asawa Abellano. Wag ka munang magpaka-kampante." Makahulugang sabi ni Trigger.

"FUCK YOU!!"

Susugurin sana ni Lance si Trigger. Buti nalang nakahawak ako ng mahigpit sa kanya. Mabilis akong pumagitna sa kanina. Yung mga mata nila parang may lazer beam na tinatamaan ang isa't isa.

"Babe please.." Sabi ko kay Lance. Baka mamaya may lumapit na sa'min na guard. Yung ibang dumadaan nga napapatingin na.

"Tandaan mo Abellano, hindi mo pag-aari si Yumiko." Sabi ni Trigger saka umalis na. Pero di pa man sya nakakalayo, nagsalita ulit sya.

"Gusto kitang makasama ulit next time Yumi. I already missed you. Specially your lips. I want to kiss you again for the third time."

He winked at me bago tuluyang umalis.

"Damn it! What does it mean Yumiko!? He missed your lips? Did you two kiss twice?"

Hala. Patay. Ang alam lang ni Lance ay yung dati sa bar na hinalikan ako ni Trigger dahil may kahalikan din sya nun. Hindi nya alam yung second time na hinalikan ako ni Trigger.

"Yumiko I'm talking to you." Ulit ni Lance. Kasi napatungo ako. Galit sya. Hindi nga babe yung tawag nya sa'kin.

"B-Babe.." Slow motion pa'kong tumingin sa kanya.

"WHAT!?"

Napapitlag ako. Makasigaw naman kasi 'tong si Lance. Hello! Nandito kami sa mall. Ilang tao na ang dumaan na kakaiba ang tingin sa'min.

"B-Babe kasi ano.."

"I'm asking if you two already kissed twice!? Yes or no." Yung boses ni Lance kakaiba na. Alam kong galit sya. Waaa. Bakit kasi kelangan pang sabihin ni Trigger yun.

"Ye--"

"FUCK!"

Ayun nag-walk-out si Lance. Mabilis akong naglakad para habulin sya. "Babe.."

Hindi nya ako pinapansin. Patuloy sya sa paglalakad. Ang lalaki ng hakbang nya. Kasi naman si Trigger. Psh. Mag-aaway na naman ba kami ni Lance?

"Babe!"

Halos nababangga na'ko ng nakakasaubong ko sa paghabol kay Lance. Di nya ako pinapansin. "Babe!" Patuloy kong sigaw.

Napatigil ako. Biglang kumirot yung binti ko. Magaling na'to pero nalimutan ko, sabi nga pala ng doctor bawal pa ding pwersahin sa paglalakad. In short, di dapat ako naglalakad ng mabilis o pa-takbong lakad.

Pero si Lance..

Hindi ko na matanaw. Wala na. Iniwan na nya ako. Shit. Nakakainis. I know it's my fault. Naiintindihan ko kung nagalit si Lance. Pero diko naman ginusto yung kiss na yun nung second time. Nabigla nalang nga ako non nung hinalikan ako ni Trigger.

Napaupo muna ako dito sa may gitna, sa mga bench. Nananakit talaga binti ko. Aish.

Nanggigilid ang luha ko sa inis. Tiningnan ko phone ko. No sign of Lance. Hay. Away-bati nalang kami palagi.

Dumaan na nga yung two weeks na hindi kami nag-away tapos ngayon, away na naman. Ang ayoko lang kay Lance kapag ganyang nagagalit sya, wala syang pakialam sa mararamdaman ko.

MY 2: The Vow (EDITING)Where stories live. Discover now