6. I'm Not Your Superman

166 64 22
                                    

**Drake's Point of View**

"Ano na? Wala pa ba? Nagugutom na ako!" Angal ni Camille, hindi ko inaalis ang tingin ko sa kalye sakali mang dumating na si Theo.

"Shh!! Ayan na! Come on." Maingat kong binuksan ang pinto ng kotse at nakayukong lumabas dito, ganoon din ang ginawa ni Camille na nakasunod lang sa likod ko.

Kasalukuyan kaming nasa may street kung saan kami dumaan ni Theo the other day, sa pagkakatanda ko ay malapit na dito ang bahay niya, marami-rami pang tao dito at sa may isang kanto nga ay may mga binata pang nag-iinuman. Nakakatakot ang lugar na 'to dahil wala man lang akong nakitang tanod o pulis sa tagal ng paghihintay namin.

Pero I need to take the risk, kumpyansa naman akong hindi rin makakatiis si Theo at maglalabas din 'yon ng super powers para tulungan kami sakaling malagay kami sa kapahamakan.

"Drake, natatakot ako.." Bulong ni Camille. Prenteng naglalakad si Theo sa pasilyo at para bang nahipan ang mukha nito dahil nakangiti siya. Yes! He's smiling stupidly in the thin air. Psh, baliw talaga.

"Camille, Alalayan mo nga ako, masakit pa ang paa ko!" I hissed, agad naman itong sumunod. Sinadya kong daanan namin ang grupo ng kalalakihang nag-iinuman, sa igsi ng suot namin ay imposibleng hindi nila kami pansinin.

"Oi! Tingnan mo nga naman, pinag-uusapan pa lang nating kumuha ng mga chikas, ay may dumating na kaagad!" Napapalakpak pa 'yung isang lalaking may malaking katawan.

"Whooo! Hulog ng langit 'to!" Tila nauulol na hiyaw nung isa pa. Habang ang dalawa pa nilang kainuman ay unti-unti nang tumayo para harangin kami.

"Kailangan n'yo ba ng tulong mga Miss?" Nakangising tanong ng isa pa.

"Drake... I-I'm scared," ramdam ko ang panginginig ni Camille and to be honest, unti-unti na rin akong kinakabahan. Hinanap ng paningin ko si Theo pero wala na s'ya doon sa pasilyo, shit! What if hindi n'ya kami napansin?

Napalunok ako nang ilang beses, sa sitwasyon namin ngayon ay wala kaming kalaban-laban kahit saang anggulo mo tingnan, kahit pa nakapag-aral ako ng self defense ay wala ring kwenta 'yon dahil ni hindi nga ako makapaglakad ng maayos.

"Hey, shot muna kayo dito. Sigurado maya-maya lang mawawala na 'yang sakit ng paa mo." Nagulat ako nang hawakan nung isang lalaki si Camille sa braso.

"Cams!"

"Drake!!" Sigaw nito. Naramdaman ko na lang ang dalawa pang lalaki na humawak sa magkabilang braso ko.

"Tulong!!" Wala kaming palag pareho ni Camille nang takpan nila ang bibig namin, I tried to kick anything I could reach pero napasigaw lang ako dahil sa sakit ng paa ko.

"Masarap-sarap na pulutan tooo!" Kinakapos na ako nang hininga dahil bukod sa sakop nang kamay n'ya ang ilong ko ay ang baho-baho pa n'ya! Pakshit! Gross!

Umiiyak na si Camille habang nagpupumigalas pa rin doon sa isang lalaki, may nakita akong babae sa di kalayuan na nakatingin sa amin pero nang makita n'ya ang eksena ay agad din itong nanakbo palayo. Damn! ano ba 'tong napasukan mo Drake! Argh! Bigla akong binuhat noong isang lalaki at ganoon rin ang ginawa nila kay Camille.

"Doon na lang sa eskinita!" Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa sobrang takot at galit sa sarili ko, mas lalong nadudurog ang puso ko sa kalagayan ni Camille. Fuck! Bakit ba kasi naisipan ko pa s'yang idamay sa mga kahibangan ko.

Lord please help us! Please help us! Alam kong marami akong kasalanan Lord pero kahit si Camille lang ho, please send someone to save her, please.

Patuloy sa pag-agos ang luha ko nang ilagpak nila kami sa mabaho at puro basurang kutson sa isang madilim na eskinita. Mabilis na lumapit sa akin si Camille at niyakap ako ng sobrang higpit, namamanhid na rin ang buong katawan ko, I can't even think properly.

The Fallen WizardWhere stories live. Discover now