4. A Visit to his House

195 76 70
                                    

**Drake's Point of View**

Ipinarada ko ang kotse sa may tapat ng apartment na tinutuluyan ni Theo, medyo creepy tong lugar, eh kasi naman tatlong blocks lang ang apartment na to at nasa gitna yung kanya, tapos yung dalawa eh mukhang abandonado na. Ni wala akong marinig na boses ng mga tao kasi masyadong malayo tong lugar nila, ngayon nga lang ako nakarating sa parteng to.

"Pasok na Drake April." Pinagbuksan nya ako ng pinto, tumango lang ako saka pumasok sa loob.

Ambango ng loob ng bahay nya in fairness, tapos yung mga bintana ay natatakluban ng emerald green na kurtina, pati couch, mga mantels, at carpets ay pawang kulay emerald green. "Sit" sabi nya sabay mwestra sa couch.

"N-nasaan ang parents mo?" Mahinang tanong ko, shit naman kasi kung gano katahimik sa labas eh mas doble pa yung katahimikan dito sa loob. And to be honest medyo kinakabahan na rin ako.

"Parents?" He smirked before sitting on the opposite couch, he kicked off his shoes and draw out his magic wand! Oh God! That magic wand! "Who told you I've been living with my parents?"

"Er.. So sinong kasama mo dito?" Taas kilay na tanong ko.

"Hmm.. Ikaw?" Nakangiting sagot niya. "Oo nga pala, tama na ang tanong miss Drake April, hindi ba naparito ka para ipagluto ako ng hapunan?"

Shit! Did I really agree to cook for him?! I don't even know how to cook! "Huh... Eh.. Pwedeng iba na lang.. Err.. Pwedeng umorder na lang tayo sa fast food?" Pilit tawang saad ko.

Biglang kumunot ang noo niya, damn ampogi parin nakakaasar! "Sa tingin mo dadalhin pa kita rito kung oorder lang naman pala ko ng pagkain kung saan?" Maang na tanong nya.

Ugh bakit bigla na lang akong nanlalamig, alam mo yung feeling na kapag tumingin ka sa isang tao then biglang sumeseryoso ang mukha nya, yung tipong nakaka-intimidate na ewan! This is the first time it ever happened to me, ni hindi ko pa naranasang ma-speechless sa harap ng ibang tao.

"Hello Earth to Drake April." Napatingin muli ako sa kanya.

"Eh kasi..."

Tsk! Ano ba Drake! Wag ka ngang papatakot sa ulupong na yan!

"F.Y.I Mr. Viens, hindi ako pinagluluto samin kaya sino ka naman sa tingin mo para utusan ako?" Pinandilatan ko pa sya ng mata.

"Pft... Hahhahahah!" Biglang tawa niya, argh! Bakit ba napakaabnormal nya?!

"Anong nakakatawa?" Singhal ko.

"Eh kasi pwede mo namang aminin na hindi ka marunong magluto Miss Drake April, hindi yung andami mo pang palusot." Nakangising saad niya.

Hindi ako nagpatinag sa pang-iinis nya. "Fine, hindi ako marunong magluto. So wala na kong gagawin dito diba? Pwede na ba kong umalis Mr. Viens?" Dinampot ko na ang bag ko at saka tumayo.

Naging seryoso na naman yung mukha niya, hindi ko magawang lumakad palabas kasi naman kung makatitig sya sakin eh parang nire-rape na nya ko sa isip nya! Damn it! Nanlaki ang mga mata ko nang itutok nya sakin yung magic wand at bigla na lang akong napaupo ulit sa couch.

"A-anong ginagawa mo?" Pinilit kong tumayo pero parang naka-glue na ang pwetan ko dito sa couch.

"You told me you'll do anything right?" Muli nanamang lumabas yung pangil nya, yun kasi ang laging nauuna kapag nangisi sya eh. Ang cute pa naman tingnan! Pero shit lang, feeling ko ngayon ay susungaban nya ko ano mang oras.

"I... Yeah... P-pero..." Natigilan ako nang biglang humagis yung bag ko papunta sa direksyon nya, tapos unti-unting natatanggal yung necktie ko hanggang sa pati yun ay lumipad na rin  papunta sa kanya. "What the hell are you doing?!" Sigaw ko.

The Fallen WizardWhere stories live. Discover now