2. Accio

236 85 69
                                    

**Drake's Point of View**

'You need to kiss me, Miss Drake April.' Mahinang sabi niya pero tila dumagundong iyon sa loob ng gymnasium.

Sandaling katahimikan.
Halos naaamoy ko na ang citrus flavored toothpaste niya dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Nakangisi pa ang gago.

Tinaasan ko sya ng kilay sabay.. "HAHAHAHHAHAHA! Are you fucking out of your mind?!" Singhal ko.

Bigla akong napahinto nang hawakan nya ko sa balikat, biglang naging seryoso ang mukha nya... Ewan ko ba pero bigla akong kinilabutan sa paraan ng pagtitig nya sakin. Then it happened, in just a blink of my eyes... Nakita ko!

Nagbago ang kulay ng mata nya! Shit! Naging green yung pupils nya at parang may green flames sa gitna. I froze as he lean closer until his lips landed to mine.

Parang biglang tumigil ang oras.. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Damn it! Ang sarap ng lips ng gago!

Ilang saglit pa ay naramdaman ko rin ang pag-alis ng labi niya sa labi ko. Halos idinikit lang naman nya yung lips nya pero halos yanigin non ang buong paligid ko.

Maraming tanong ang tumatakbo sa isip ko.. Hindi ko namalayan na tinanggal na pala nya ang tali sa mga kamay ko at pwede na kong tumakbo ngayon. But I sat still.. Muli ko syang tiningnan sa mga mata pero kulay brown na ulit ang mga yon..

Did I just imagined things? Ano bang nangyayari sakin?

"Your first kiss? I see..." Dinampot nya ang bagpack niya saka isinukbit sa balikat niya.

Hindi pa rin ako makapagsalita.. Hindi ko alam kung dapat ko bang itanong sa kanya kung talagang kaya nyang baguhin ang kulay ng mata niya or what.. O siguro dapat tumayo na ko dito at sugurin sya ng mag-asawang sampal dahil sa pagnakaw niya sa first kiss ko.

"Bat di ka magsalita Miss Villaruel? Did my kiss really leave you speechless.. I'm telling you it's just five percent.. Gusto mo ba makita kung pano yung 50 percent?" Dinampot nya na rin ang bag ko at inihagis sa akin. I caught it on my chest instantly.

"P-pano mo... Pano mo nagawa yon?" Finally I managed to say.

"Pure talent I guess.. Maraming nagsasabi na kakaiba raw akong humalik.." Kinindatan pa ko ng mokong.

"Hindi! Hindi yon! N-nakita ko.. Nagbago yung kulay ng mata mo.. I swear dahil tumatama sa mukha mo yung ilaw from the bulbs!!" Yon lang ang tanging gusto kong malaman...

Biglang naglaho ang ngiti sa mukha niya, kakaiba talaga tong lalaking to.. "I don't know what you're talking about Drake April, tumayo ka na dyan masyado nang madilim sa labas." Akmang aalis na siya nang tumakbo ako palapit sa kanya at hinigit ang braso nya.

"I saw it! Nagbago talaga yung kulay ng pupils mo! Tell me how did you do that?" Pasigaw kong tanong.. I'm dying in curiosity here.

"What? Anong gusto mong malaman? Na pusa ako at kaya kong baguhin ang kulay ng mata ko? Masasabi kong napakatanga mo para sa isang top notcher." Muli syang ngumiti ng nakakaloko.

Muli kong tinitigan ang mga mata niya saka binitiwan ang braso nya, "S-sorry." Damn! Did that word really came from me?! Nagsorry ba talaga ako sa abmormal na to?

"Yeah you did." Lalo akong naningas sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. As I recall Sorry lang naman ang sinabi ko and the rest ay sa isip ko na lang.

"I did what?! Teka nga binabasa mo ba ang iniisip ko?!" Fuck! This man is really confusing me now.

"So psychic naman ako ngayon? Great imagination Miss Drake April.. But I'm afraid I must go now.. Gutom na gutom na ko at kung ipagpapatuloy mo pa yang pagpigil mo sa akin..." Nanlaki ang mga mata ko nang ilapit niya ang labi niya sa may tenga ko. Shit! "I might have no choice but to eat you."

The Fallen WizardOnde histórias criam vida. Descubra agora