3. Sidekick or Nah?

188 77 71
                                    

**Drake's Point of View**

"Come on Kiano! Umalis na kayo baka dumating na sya!" Ipinagtulakan ko pa sila palabas ng gym.

"Fuck! Sigurado ka ba dyan sa gagawin mo ha Drake? Eh ipinapahamak mo na ang sarili mo ah." Singhal ni Justin sabay sukbit ng bag nya.




"Okay lang ako! Tsaka may tali naman eh tapos may kutson. Walang masamang mangyayari sakin." Maktol ko, pero pagtingin ko kay Kiano ay napakaseryoso ng mukha niya. Bihira ko syang makitang ganyan, sa tuwing may laban lang sila for Finals o kaya kapag tinatanong nya ko tungkol sa panliligaw nya.



"Kiano?" Masuyong tawag ko dito.


"I don't know what you're playing at Drake. Pero sana wag kang mapahamak dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sayo." Aniya sabay dampot na rin ng bag nya at nagpatiunang lumabas ng gym.


"Goodluck Drakey." Sabi ni Justin sabay takbo palabas.

"Don't call me Drakey! Asshole!" Tumakbo rin ako palapit sa pinto upang isara iyon.

Inayos ko na ang lahat bago umakyat sa may top box. Itinali ko na ang harness sa bewang ko at nag-antay.

Ilang saglit pa ay narinig ko na ang pag-click ng hawakan ng pinto, sobrang tahimik dito at paubos na rin ang mga estudyante sa labas. Unti-unting nagbukas ang pinto, napangiti ako sa sobrang excitement.. Ugh come on pumasok ka na!.


"Queen A--"

Bag!

"WTF CARLO!!" Tili ko sa pesteng si Carlo.

Tinanggal niya ang timbang nakasaklob sa ulo niya ay pinunasan ang mukha n'yang puno ng harina. "Anong ginagawa mo dito!?" Sigaw ko mula dito sa taas.

"S-sabi ho k-kasi ni Theo.. H-hinahanap nyo d-daw ako." Nanginginig na  saad nya. Sht! Napakautak talaga ng damuho.

"Ugh! Fine! Umalis ka na go!" Muli kong sigaw, kandadapa naman siyang lumabas ng gym.


Damn! Pano na to? Sira na ang plano, pano ba naman kasi nya nalaman na may binabalak kaming masama? Well hindi naman totally masama eh, kasi gusto ko lang namang makita ang gagawin nya.. You know, may suspetsa kasi akong wizard sya, yes I know it seems impossible at kabaliwan lang tong ginagawa ko. But as I said, kinakain talaga ako ng curiosity ko at hindi ako titigil hanggat di ko nalalaman ang totoo.

"Oy Drake April!"

Tumingin ako sa baba, doon ay nakatayo si Theo habang nakangisi na parang kakapanalo nya lang sa lotto! Shit I hate those smirk! Ugh!

"Ang sama mo naman kay Carlo, tingnan mo kulang nalang eh carrot muka na syang snowman." Pailing-iling pang sabi niya.

Ewan ko ba pero pakiramdam ko eh kumukulo na naman ang dugo ko dahil sa kayabangan ng lalaking to. Pero hindi pa tapos ang palabas! Kung akala nya ay titigil na lang ako basta-basta, pwes nagkakamali sya.

Tumapak ako doon sa bakal na terrace at isinampa ang isang paa ko, okay kaya ko to. May harness naman ako kaya hindi ako mapapahamak, titingnan ko lang kung may gagawin syang kakaiba para mailigtas ako.

"Tatalon ka ba dyan Drake April?!" Natatawang sigaw niya.


"Fuck you." Tiim bagang na sagot ko saka isinampa narin ang isa ko pang paa, nakaupo na ako sa bakal na terrace at isang kibo na lang ay malalaglag na ko sa taas na 20 ft.

"Do a backflip Drake April!!" Talagang ipinag-cheer pa nya ko. Arghh!!

"Hawak kang mabuti sa harness mo ah, oo nga pala baka mapigtal yan sa sobrang bigat mo!" Aniya sabay tawa ng malakas.

The Fallen WizardWhere stories live. Discover now