5. Another Mad Plan Drake?!

150 67 20
                                    

**Theo's Point of View**

I woke up the next day to find myself lying by my bed, alone. I can't help smiling, isa na yata sa mga pinakahindi ko malilimutang bagay ay ang pagmumukha ni Drake April kagabi. I threatened her in a way that a normal girl will be honored to. Pero s'ya, kulang na lang eh mahimatay na sa takot.

"Stupid girl." I mumbled before climbing out of the bed. Gamit ang aking magic wand ay inihanda ko na lahat ng kailangan ko.

Paglabas ko ng bahay ay naghanda na ko para mag-apparate, I hide in an empty pavement and about to apparate when I heard someone spoke behind me.

"Theo?"

"Er.. Kiano? Tama?", pasimple kong iniipit sa bulsa ko ang wand.

"Yep.", napangiwi ako nang itaas n'ya ang zipper ng pantalon niya. "Jumingle lang. Tara sabay ka na sa'kin." agad itong lumakad papalapit sa nakaparadang pulang kotse sa may tabi ng kalsada bago pa man ako makasagot.

"Er.. Fine." I sighed as I sat on the passenger seat of his car. Tsk, imbes na maaga ako makapasok eh, abala pa. Balak ko kasing pumunta sa library, kada-umaga kasi ay doon agad pumupunta si Hannah para mag-review. Ewan ko ba pero may kakaiba akong nararamdaman sa kanya.. Mahirap i-explain, mahirap intindihin.

"Ang lakas ng tama sa'yo ni Drake no?", aniya sabay singhal, I can sense the bitterness in his tone and knowing me, I really like those kind of reaction.

"Hmm? Oo nga eh, feeling ko nga patay na patay sa'kin 'yon." I smirked as I lean my back against my seat.

Bigla s'yang napa-ubo sabay kabig sa manebela dahil balak sana n'yang mag-overtake nang makitang may makakasalubong kaming jeepney. "Ibang klase rin pala ang tibay ng tiwala mo sa sarili mo no?"

Hindi ko alam kung mapapatawa ba ako sa hitsura n'ya dahil unti-unti nang namumula ang tenga n'ya. "Quite so, gusto mo pustahan pa tayo eh?" Bahagya ko pa s'ya siniko sa tagiliran, napataas naman ang kilay nito sa akin.

"Pustahan saan?"

"Kay Drake April." Preskong saad ko.

"What? Naririnig mo ba ang sarili mo?" Hindi makapaniwalang sagot niya.

"I never forget to clean my ear, thank you very much." Ngumisi ako sabay upo ng matuwid, hininaan ko ang boses ko na para bang bumubulong. "Listen, the game goes like this, kapag napasagot ko s'ya within one whole week, akin na lang 'tong kotse mo. At kapag hindi naman, papalitan ko ng Aston Martin etong kotse mo, deal?" Tuloy-tuloy na sabi ko.

"Are you fucking out of your fucking mind?!" I was surprised when he suddenly faced me, binitawan n'ya ang manebela! Shit! Hindi ba s'ya nakaka-intindi ng joke?!

"WATCH OUT!!" Hindi na ito nakakilos nang makita ang malaking truck na sasalpukan ng kotseng sinasakyan namin. "Damn!" Mabilis kong hinugot ang wand ko sa bag at kinontrol ko ang kotse gamit ito, mabilis na nag-drift patabi sa damuhan ang kotse, sumalpok pa ang tagiliran nito sa puno pero atleast hindi kami bumangga sa truck.

Napabaluktot si Kiano habang nakayakap pa sa braso ko, nanginginig pa ang buong katawan nito na parang tutang binabad sa ulanan. "Will you please get off me?" I scowled before shoving his hands off of me.

Inalalayan ko s'ya palabas ng kotse, konti lang naman ang damage ng sasakyan, basag na salamin at yuping tagiliran lang. Tila wala pa rin sa sarili si Kiano habang nakatitig sa akin, I ignored him and draw my wand and pointed it on the damaged part of the vehicle.

"Reparo." I whispered, kusa namang naayos ang kotse, kulang na lang ay malaglag ang panga ni Kiano habang tinititigan ang kusang naayos na piraso ng mga salamit na nabasag.

The Fallen WizardWhere stories live. Discover now