1. Detention

338 84 94
                                    

**Theo's Point of View**

"First day in muggle school! Yeah kaya mo yan Theo Ashvin! Just like those preschool times?!"

Oh sht! Preschool pa ko nung huling umattend sa isang muggle school so I really had no idea what the fck I have to face now. Isinilid ko sa bag ko ang pinaka-importanteng bagay na pag-aari ko, ang aking magic wand. Isinuot ko na ang puting polo at inayos ang maroon na necktie, nag-spray ako ng pabago sa buong katawan at saka tiningnan ang sarili ko sa salamin.

I smirked as my eyes gazed on my physique. Nag-concentrate akong mabuti hanggang sa mabago ko ang kulay ng buhok ko, from black ay naging bubblegum blue ito. O diba astig? Yes, I am a metamorphmagi. Isang espesyal na abilidad na bihira lang sa ilang wizard, nakakaya naming baguhin ang hitsura namin sa kahit na sinong gustuhin namin. And when I say kahit sino, I mean KAHIT SINO. If I wanna look like Harry Styles or Zayn Malik of course I can. But I won't.. Dahil mas gwapo ako sa kanila *grins*.

Isinukbit ko ang bag ko saka lumabas ng aking apartment, kung gugustuhin ko ay pwede naman akong mag-apparate papuntang school pero masyadong delikado kaya wag na lang.

The moment I stepped on the gate of the school, every eyes turned toward my direction. Napangiti ako saka diretsong pumasok sa loob.

"Transferee I guess.." Rinig kong sabi ng isang babae halos di maabot ang taas ng sapatos.

"He's damn hot!" Sabi pa nung kasama nyang kulang na lang ay maging green ang buhok kamuka na si Joker.

"Hell yeah! Yung buhok nya ang cool!"

Nagpasya akong lumapit sa isa sa kanila. "Hey, er.. Pwede magtanong?"

"Sure!" Muntik pa sumubsob yung babaeng nasa may harapan ko ng hawiin sya nung babaeng kamukha ni joker. "Im Blaire by the way!" Iniabot nya ang kamay nya sa akin.

Ngumiti ako saka tumango at kinamayan sya.. "Nice to meet you Blaire, can you tell me which floor should I go to find my class? Uhm 3-B according to this." Iniabot ko sa kanya ng kopya ko ng schedule.

"Freshman ka pa lang pala?.. Yes of course we know, samahan kana namin." Ibinalik niya ang papel sa akin. "Eto nga pala si Cristina.. Just Tina. And this is Jessy."

Nakipagkamay na rin ako sa dalawa pa nyang kaibigan. "Thanks!"

Nasa tabi ako ni Blaire habang tinatahak namin ang hagdan patungo sa second floor.. "What's your course by the way?" Tanong niya.

"BS Bio, kayo?"

"We're tourism students.. Ang cool ng buhok mo...err mukang nalimutan namin itanong ang pangalan mo." Bahagya pa siyang tumawa.

"Oh yes, I'm Theo Ashvin Viens.. Just Theo." Sagot ko.

"Well Theo, tell us who dyed your hair 'cause it's look so natural." Sabi ni Jessy.

"My mom... J-just my mom." Nakangiti kong sagot.

Muli silang nagtawanan saka may binulong si Blaire kay Tina na hindi ko naman narinig. Papunta na kami sa susunod na hagdan nang biglang..

"Stop!!" Sigaw ng isang boses mula sa aming likuran, napasinghal pa ako bago lingunin ang tumawag sa amin. Napangiti ako nang makita ko ang mukha nya, yung babaeng bumangga sakin sa bookstore, here she is at naguusok nanaman ang ilong at tenga.

"What do you think of this place?! A bloody cosplay venue?!" Lumapit sya samin kasama yung babaeng nakita kong kasama nya sa bookstore kahapon.

Pinaningkitan nya ako ng mata habang nakapatong ang mga kamay sa bewang niya, antipatika. "No, Alam ko kung anong klaseng lugar to at nandito ko para pumunta na sana sa klase ko which is malapit na kong ma-late. Great." Chineck ko ang wrist watch ko and yeah two minutes na lang ay magsisimula na ang klase. "And by the way, buti naman maayos ang uniform mo ngayon... Black polka dots really suit your skin tone tho."

The Fallen WizardOn viuen les histories. Descobreix ara