Five: Battle against The Gigantic Wolves

97 11 2
                                    

RIVA

Pagpasok namin sa loob ng Maze ay isang napakangingilabot na katahimikan ang bumungad sa amin. Tanging ang aming paghinga at mga yapak ang  maririnig. Nagsisitaasan rin ang mga puno. Hindi ko mapagtantong ganito pala ang magiging itsura ng Maze na ito, para itong masukal  na kagubatan. Marami ring makikitang vine plants. Makulimlim ang langit at malamig rin ang simoy ng hangin.

Ilang oras na kaming naglalakad sa loob ng Maze hanggang sa abutin na kami ng gabi. Wala ni isang bakas galing sa aming katunggaling grupo. Dala ng pagod ay naisipan naming huminto muna at magpahinga. Inutusan ni Tadashi ang sampo sa aming ka-miyembro upang maghanap ng maaaring makain at maiinom. Sobrang dilim ng paligid. Tanging ang ilaw ng buwan ang nagsisilbi naming lampara kaya't sigurado akong mahihirapan sa paghahanap ang aking mga ka-miyembro.

Isang oras mahigit na ang lumipas, ngunit,  wala parin ang sampo naming kasamahan.  Nagsimula na kaming mabahala.  May nangyari na kayang masama sa kanila?

Lahat kami'y nagpasyang hanapin sila. Naging alerto kami sa aming paligid sapagkat maaaring may mga mababangis na hayop sa maze na ito.

Isang malakas na sigaw ilang metro sa kinaroroonan namin ang siyang nagpatigil sa aming paglalakad. Kasunod nito ay isang makatindig-balahibong alulong.

Lobo...

Naunang tumakbo sila Tadashi  at Mia sa direksyon ng sigaw. At wala kaming nagawa kundi ang sundan sila.

Halos masuka ako sa nakita. Nadatnan namin ang Sampo naming  kasamahang wala ng buhay pa. Dila't ang kanilang mga mata habang naliligo sa sarili nilang mga dugo. Puno rin ng galos ang kanilang katawan. Ibig sabihin ay sinubukan nilang manlaban.

Hinawakan ni Tadashi ang isa sa mga bangkay.

"The body is still warm. Ibig sabihin ay kamamatay lamang niya. We need to get out of here immediately dahil posibleng hindi pa nakakalayo ang hayop na gumawa nito." Alintala ni Tadashi.

Speaking of the beast, I can see it crystal clear.  It's yellowish eyes stared right back at me. The others failed to notice it because they are too preoccupied.

"Guys, if I say run. You run." I said still staring at the beast.

Naguguluhan silang tumingin sa akin. The beast took that opportunity to get out of its hiding place.

"Run!" Sigaw ko kasabay ng malakas na alulong na nagmula sa lobo.

Tila natauhan ang mga kasamahan ko at dali-daling tumakbo papalayo. But it seems like Lady Luck is not with us.

HOLY MOTHER OF...

Napapalibutan kami ng napakaraming lobo. Twenty-five to be exact! Nakakapangilabot ang itsura nila. Their sizes were bigger than a normal wolf. They barred their sharp teeth to us and growled.

Napamura ng malakas si Tadashi pati na rin ang iba kong kasamahan. There's ninety of us while there's Twenty-five wolves. We could take them down easily but without weapons it would be futile. We only have a 50-50 chance of survival.

"We have to find a way out! And the only choice we have was to fight them." maikling wika ni Tadashi.

Nagpakawala ng malakas na alulong ang Alpha ng mga lobo at sabay-sabay na  umatake papunta sa kinatatayuan namin.

Hindi ko alam kung ilang beses akong nanalangin sa Maykapal. Ayoko ko pang mamatay!

Tumalon sa harapan ko ang isa sa mga lobo. Dahan-dahan itong lumapit patungo sa akin habang ako naman ay patuloy sa pag-atras.  Naalala ko tuloy yung Aptitude Test ko. Pero iba ngayon dahil totoo akong nasa bingit ng panganib.

Sinubukan kong maghanap ng maaaring gamiting armas laban sa lobo subalit wala akong makita maliban sa maliliit na bato.

I took a handful of pebbles.

"Stay there! Good doggy... sit... sit!" Para akong timang na pinakikiusapan ang mabangis na hayop sa harapan ko.

Nagpatuloy parin sa paglapit ang lobo kaya't pinagbabato ko ito. Ngunit iniilagan lamang nito ang aking mga tira.

I caught sight of something that was connected to the wolf's neck. A collar. Bakit naman magkakaroon ng collar ang isang lobong nakatira sa gubat?

Unless...

Tumalon na patungo sa akin ang lobo at handang lapain ako. Sinubukan kong umilag but it's claw made contact with my right arm. Napahiyaw ako sa sakit.

Umatake muli ang lobo. Nang nasa ere na ito, buong lakas kong sinalubong ang atake niya. I grabbed hold of its collar and with all the strength I have left, I pulled it off the wolf's neck.

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari.  Unti-unting naging abo ang lobong nasa harapan ko.

I knew it! Kaya pala parang tao sila mag-isip.  The collar controls them.

"Take off their collars! That's the only way to defeat them!" malakas kong sigaw.

Sinunod ng mga kasamahan ko ang aking sinabi. Sa huli'y wala ng ni isang bakas ng lobo ang makikita. We did it! We defeated them.

Ininda ko ang sakit ng aking natamong sugat at nagtungo sa aking mga kasamahan. Sugatan rin sila kagaya ko.

Ang dating 100 members ng Me'i ay naging 30 na lang.

Tadashi our leader was badly injured.

"We need to get out of here. Kailangan nating makahanap ng kweba kung saan maaari tayong magpalipas ng gabi dahil baka kung ano pang mababangis na hayop ang makasagupa natin dito." wika ni Mia.

Sinulyapan ko ang mga bangkay ng aming yumaong mga kasamahan. Unang araw pa lamang namin sa loob ng Maze pero ito agad ang sinapit namin. I loathe Mr. Bennett more for what happened to us. Alam kong siya ang kumokontrol sa mga lobo kanina.

Biglang umilaw ang paligid at may lumabas na projected image that contains a message from our school Director.

Congratulations!
You have passed obstacle number one.
Solve this code in order to find the location of your safe haven tonight.

O N E M I L E
N O R T H T
H E R E S A
C A V E X 

Seryoso lang kaming nakatingin sa projection. Kailangan naming masolve ang code na yan if we want to be safe tonight.

"It's a plaintext. It refers  to information that is represented in its "normal" form before any action is taken to conceal or compress the data. " wika ni Tadashi.

"Anong connect?" Tanong ko.

Hindi ko kasi magets.

"Tsk. Stupid! Nakalimutan kong kasing liit ng utak ng langgam ang utak mo." panlalait ni Tadashi.

Nagpanting ang tenga ko sa narinig kaya't lumapit ako sa kanya at sinipa sa injured niyang hita. Napahiyaw siya sa sakit.

"Don't ever underestimate me! Di porket genius ka pwede mo na akong laitlaitin. Sagutin mo na ang code na yan ng makaalis na tayo dito." mahinahon ngunit may halong pagbabanta kong sabi.

"It says ONE MILE NORTH THERE'S A CAVE." He said glaring at me.

"What are we waiting for? We have to find that cave. Come on." wika ni Mia at nauna nang maglakad patungo sa direksyon ng kweba.

Wala na kaming nagawa pa kundi sundan siya habang inaalalayan ang kasamahan naming nahihirapang maglakad dahil sa sugat na natamo.

******
Thank you for reading! Feel free to leave a comment or vote.

Special thanks to rjoycepacis SiKuLetzz LuciusGreene for the votes and comments!

Love,

M

Riversdale AcademyWhere stories live. Discover now