Chapter Twenty-one

Start from the beginning
                                    

"Nag-uusap ba talaga sila? Ba't ang tahimik ni Jemimah?" tanong ni Eunice na nakaupo sa backseat.

"Malamang nakikinig siya. Alangan namang maya't-maya siya magsalita. Eh di, hindi sila nagkaintindihan ng nanay niya," sarcastic na sagot naman ni Ariella.

"Grabe ka. Nagtatanong lang naman ako, eh," angal naman ni Eunice.

Napailing na lang ako. Paano ba ako nahila ng mga ito dito? Kung tutuusin hindi dapat ako nandito. Kailangan ni Jemimah ng privacy kasama ang nanay niya. Kaso itong dalawa mukhang makiki-chismis lang. Parang mga walang trabaho.

"Letsugas! Kanina pa may gumagapang na kung ano sa binti ko! Nilinis mo ba itong sasakyan mo, Elle?" reklamo ni Eunice.

"Last week. Bakit? May angal ka?"

"Meron. May daga! Ang laki!"

Nanlalaki ang mga matang nilingon namin si Eunice. At ganoon na lang ang gulat namin nang makita ang isang may kalakihang daga na may mahaba na buntot na prenteng nakaupo sa upuan. Sa takot namin ay mabilis kaming nagsilabasan sa sasakyan.

"Elle, bakit may daga sa loob?!"

"Hindi ko alam!"

Napahawak na lang ako sa dibdib ko saka ilang beses na huminga ng malalim. Jusko! Hindi biro ang laki ng daga na iyon. Halatang alaga sa pagkain. Pero saan kaya galing iyon?

"Pucha! Alaga ito ng estudyante ko!" sigaw ni Ariella habang hawak ang malaking daga. May collar pa iyon sa leeg, patunay na may nag-aalaga sa maliit na hayop. "That little brat! Talagang ibabagsak ko siya sa subject ko!"

Ang takot ko kani-kanina lang ay napalitan ng hindi matapos-tapos na tawa. Para kaming tanga dito sa totoo lang. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao dito.

"Richiel?"

Natigil ako sa pagtawa saka dahan-dahang nilingon ang pinanggalingan ng pamilyar na boses. Napangiwi ako nang makita si Jemimah at ang nanay niya sa likod ko. "Hi," nakangiwing bati ko sa kanila.

"What are you doing here? Bakit mo kasama ang dalawang sira-ulo na 'yan?" tanong sa akin ni Jemimah pagkatapos niya akong halikan sa pisngi.

"Eh, kinaladkad nila ako papunta dito. Makiki-chismis lang siguro," kibit ang balikat na sagot ko sa kanya.

Napailing naman siya. "Sana hindi ko na lang sinabi sa kanila."

Nilingon ko naman ang nanay niya. "Tapos na kayong mag-usap?" pabulong na tanong ko sa kanya.

"Yeah. Come," sabi niya saka hinawakan ako sa kamay. Lumapit kami sa kinatatayuan ng nanay niya. "Inay, si Richiel ho. Girlfriend ko," sabi niya sabay yakap sa balikat ko.

Nginitian ko naman ang ginang saka nagmano. "Magandang hapon po."

"Salamat sa pagkumbinsi kay Jemimah para kausapin ako. Malaking bagay ang naitulong mo para sa amin," naluluhang  sabi naman niya.

"Wala ho 'yon. Ginawa ko lang naman po ang dapat para magkaayos na kayo. Mahirap po kasi kung may hindi pagkakaunawaan sa isang pamilya."

"Salamat," sabi pa niya at niyakap ako. Maya-maya pa ay bumaling siya kay Jemimah. "Magaling kang pumili ng taong mamahalin, anak. Huwag mo siyang pakakawalan, ha? Mahirap nang hanapin ang isang tao na kaya kang unawain."

"Ako pa, 'Nay? Hindi ko sasayangin ang lahat ng effort na ginawa niya para sa akin. Kaya mahal ko siya, eh," nakangiting sabi ni Jemimah sa ina sabay kindat sa akin na ikinapula naman ng mukha ko. Grabe siya!

At least, okay na sila ng nanay niya. Kita naman kung paano sila mag-usap at magngitian sa isa't-isa. Masaya ako kasi masaya na ang babaeng mahal ko.

"Ikaw na bata ka. Ibabagsak na talaga kita sa klase ko! Ulitin mo pa itong kalokohan mo at sisiguruhin kong hindi ka makaka-graduate!"

Pare-pareho kaming napalingon kina Eunice nang marinig namin ang pasigaw na sabing iyon ni Ariella. Pigil-pigil siya ni Eunice habang hawak niya ang tenga ng isang babae.

"Aray! Aray! Tama na po, Miss Salvador! Di na po mauulit!" daing ng dalagita habang hawak ang kamay ni Ariella na nakahawak naman sa tenga niya.

"Elle, tama na 'yan. Violence against women na 'yang ginagawa mo," pagitna ni Jemimah sa dalawa kaya nabitawan ni Ariella ang tenga ng dalagita.

"Nakakainis na kasi. Pang-apat na beses na niya akong pinagti-trip-an. Ano ba talaga ang gusto mo sa akin, ha Alex?" inis na sabi naman ni Ariella.

"Hayaan mo na po kasi akong ligawan ka, Ma'am. Pakipot ka pa kasi."

Silence...

Mahabang katahimikan ang pumalibot sa amin pagkatapos iyong sabihin ng dalagita. Tama ba ang pagkakarinig ko? Si Ariella gustong ligawan ng estudyante niya? Ako lang ba o talagang baligtad na ang mundo?

Teacher-student relationship? That's odd.

* * *

Sino may gustong magka-love story si Ariella? Kaway kayo dali! Ha-ha!

Few more chaps to go and we'll say bye-bye to Jemimah and Richiel...

Iyon lang! ^___^

–Jamie ^^

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now