Chapter 1 // Winston Academy

14.2K 470 94
                                    

Wag po magexpect masyado. Okay? :)) di po ako ganung kagaling.

Sana po magvote kayo kung nagustuhan niyo. Edited version na po ito kaya sana po magustuhan niyo. T^T Kahit isang vote lang po sa pinaka pinaka gusto niyong chapter. 

One vote can change everything. Chos. Kung wala kayong nagustuhan, okay lang po. Maraming salamat na lang sa pagbabasa. Malaking bagay na rin po iyon.

At about naman po doon sa mga itsura ng mga characters ko na pwede niyong pagpantasyahan. Joke! Just click the external link. (Nasan?-- Hanapin niyo. :)) Nasa may gilid lang din po.

--------------------------------------------------------------

Chapter 1

Winston Academy

*** 

"Oh anak, tapos mo na ba ayusin ang mga gamit mo? Luluwas na tayo mamaya. Baka may makalimutan ka ah. Icheck mo ng mabuti. Mahirap kapag may makakalimutan ka. Naku! Wala kang maaasahan doon kundi ang sarili mo. Wala kami doon ng tatay mo para asikasuhin ka. Aalagaan mo ng mabuti ang sarili mo. AT. Magaaral ng mabuti ah. Wag muna magboboyfriend. Inuulit ko, baka may makalimutan ka. Kilala kita." Ang paninigurado ni Nanay.

Ang dami niyang sinabi no? Well, ganyan talaga siya. Kaya nga mahal na mahal ko eh. Alam kong makakalimutin ako pero sigurado akong wala na kong nakakalimutan dahil inilista ko pa ang mga dapat kong dalhin. Kanina ko pa ngang nailagay sa mga bagahe eh.

"Oh, yung handbook nga pala? Nabasa mo na? Basahin mo muna. Importante yun." ang dagdag pa niya bago muling nagpatuloy ng pagluluto. Nagpunta naman ako ng sala at kinuha ang handbook para masimulan ko ng basahin.

Kung bakit ba naman kasi kailangan kong lumipat sa school na yun. Maayos naman ang buhay ko dito sa probinsya ah. Oo, taga probinsya kami pero hindi naman kami tulad nung mga probinsyanang manang na napapanuod niyo sa mga teleserye no. Ang probinsya namin ay hindi rin tulad ng mga naiimagine niyong maraming kalabaw at maraming taniman ng palay. Sa katunayan nga, umuunlad na ngayon ang probinsya namin. Maayos ang mga kalsada at dumadami na rin ang mga itinatayong malalaking gusali.

Ako naman ay isang ordinaryong babae na nagaaral para sa aking kinabukasan. Di kami ubod ng yaman at di rin kami ubod ng hirap. May kaya naman ang mga magulang ko para pagaralin kami ng kapatid ko sa isang maganda at pribadong eskwelahan dito samin. Dagdag pa na scholar ako dahil sa angkin kong katalinuhan. Wagas ako makapagtagalog no? Favorite subject ko kasi ang Filipino at pati na rin ang Mathematics.

Sinimulan kong buksan ang handbook ng Winston Academy na parang may dalawang pulgada ang kapal. Sa pabalat pa lang ng libro ay mukhang pangmayaman na. Dahil gusto kong mapanatili ang pagiging scholar ko, hinahanap ko agad ang pahina kung saan nakalagay ang grading system.

IV. Grading System:

                      20%  Assignments, Exercises, Quizzes and Projects

                      55% Exams

                      10% Clubs

                      15% Popularity

         TOTAL: 100%

Halos pareho lang pala. Pero biglang lumaki ang mata ko nung makita ko ang "15% Popularity". Sa totoo ngangayon lang ako nakakita ng ganitong sistema. Akalain mong may ganito palang klaseng ewkwelahan. Paanong nakaligtas ito sa CHED? Joke.

Dali dali akong tumakbo sa kusina para kausapin si Nanay. Kapag nakita niya to. Siguradong hindi na niya ako papatuluyin sa maynila.

"Nay! Mukhang nagkamali kayo na pagaralin ako sa Winston Academy?" ang nangingiti kong sabi. Sa totoo, tuwang tuwa ako dahil mukhang hindi na ako aalis.

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon