Chapter 25 // Hoy! Boy

5.6K 198 54
                                    

Chapter 25

Hoy! Boy

 

***

Bakit ba ganun si Mark? Bakit gusto niya laging may nasasaktan? Paano kung ako na? Sasaktan rin ba niya ako?

*Erase Erase

Ano ba itong pinagiisip ko. Subukan lang niya!! Kakalbuhin ko siya eh!!! Imposibleng masaktan niya ako ng ganun na lang. Kayang kaya ko ang kamao niya!!! Kayang kaya ko nga itong batok batukan ngayon eh.

Nandito kami ngayon sa rooftop, nakatambay. ANG BORING NGA EH! Gusto daw niyang matulog tapos isinama niya pa ko. Ano ko alarm clock? Tagagising niya? Tss.

Kinuha ko yung cellphone ko at itinapat sa mukha niya, gusto ko siyang picturan. Hindi dahil ang cute niya matulog pero dahil PWEDENG PWEDE ITONG SCANDAL! Hahaha. Teka hanapin muna natin ang pangit niyang side? Eto kaya? Hmm.. Aha! Eto eto!

Pipindutin ko na sana ang capture pero bigla niyang hinarang ang kamay niya sa tapat ng camera ng phone ko. Gising na agad siya? Wala pang 10 minutes ah.

"Anong ginagawa mo?" ang tanong niya habang nakatingin sa kin.

"Ah Eh, naghahanap lang ako ng signal. Baka kasi sa ilong mo meron." ang palusot ko pero syempre alam kong hindi siya maniniwala. Parang gusto ko lang siyang asarin.

"Tss."

Ibinalik ko na ulit ang phone ko sa aking bulsa. Sayang! Makukuhana ko na sana siya ng scandal. Pero okay na din. 5 minutes na lang naman at magtitime na. Makakapunta na rin ako sa klasrum! 

*Ring!

Narinig ko na ang ring ng bell kaya tumayo na agad ako at ipinagpag ang palda ko. Pupunta na ko room ko at pupunta na rin si Mark sa room niya. Sana hindi na kami magkasabay umuwi mamaya.

Nang makapasok na ko sa classroom, palapit pa lang ako sa upuan ko. Napansin ko na agad na parang wala na yung bag ko sa upuan ko.

"Hindi ko naman inalis yun dito ah."

Nagikot ikot ako sa classroom para lang makita ang bag ko. Hinalikwat ko pa ang cabinet at mga locker pero di ko pa rin nakita. At maya maya, nung mapalingon ako sa may basurahan, parang may kakaibang bagay akong nakita. Yung bag ko!!

Tatakbo akong lumapit sa basurahan at iniangat ang bag ko. Buti na lang at kakatapon lang ng basura at kakapalit lang ng plastic.

"Sinong naglagay nito dito?" ang paiyak kong tanong sa mga kaklse ko. Lumingon sila sa may pinto at itinuro ang isang lalaking nakatalikod. At siya pala ang may sala! LAGOT SIYA SAKIN!!

Nilapitan ko agad ang lalaki at kinulbit ng malakas. Alam kong parang ang sama ko naman pero kailangan kong masermonan ang isang to dahil mali ang ginawa niya. Itapon ba naman ang bag ko sa basurahan. Kahit grade 1 ay di yun gagawin no!

"HOY! BOY! BAKIT MO NAMAN ITINAPON ANG BAG KO HA! NASISIRAAN KA NA BA NG ULO?!" ang galit na galit kong tanong sa kanya. Dahan dahan namang lumingon ang lalaki. Hindi ko siya kilala. Sa katotohanan nga, parang ngangayon ko lang siya nakita dito sa school eh.

"HOY! MISS! Bakit ka ba sumisigaw? Inilagay ko lang naman ang bag mo sa dapat niyang kalagyan ah." Ano daw? Kalagyan? Eh kung siya kaya itong ishoot ko sa kalagyan na sinasabi niya!

In a Relationship with My KaribalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon