'Just like a Gang huh?'

Sa mga nabasa ko ay para silang isang Gang base sa pamamalakad ng mga leader nito. Ngunit malaki rin ang pinagkaiba nila sa mga gangster. Kahit na magagaling din sila sa pakikipaglaban ay hindi sila sumasali sa mga away sa kalye o yung tinatawag nilang Frat Riot. Marami din silang charity foundation na sinusuportahan. Subalit ang hindi alam ng marami ay galing sa illegal ang mga dino-donate nilang pera.

'They must die!'

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at binuksan ko ang member link. Matagal bago ito tuluyang bumukas. ''Bullsh*t!'' I cursed dahil sa tindi ng inis na naramdaman ko.

Lahat ng nakalista sa member list ay nasa lower rank. It says that all the members know about the identity of the four leader, but they all kept that as a BIG BIG secret. Kung sino man daw ang kakanta tungkol sa pagkatao nila ay pinapatay na agad nila.

'Kaya siguro pinatay nyo ang kapatid ko dahil nakita niya ang mga hayop ninyong pagmumukha!'

I print all the member's list and their information. A sly smile formed into my lips when i scanned all their names. Now this is the DEAD LIST.

The demon is coming into you.

------

San Andress

Miles Condominium Building

10:27 in the evening when Andy reach into his condo unit. Galing siya sa party event ng kanilang society na ginanap sa Hills Hotel sa Makati. Isa na namang Charity Foundation para sa may mga batang may leukemia ang itinatag ng EXUDOS sa araw na ito. Pagkatapos ng event ay nagkayayaan sila na mag inuman sa kanilang hide out. Marami na syang nainum ngunit hindi pa naman siya tuluyang nalalasing.

"Good evening sir Andy." Pa-cute na bati sa kanya ng receptionist ng Condominium.

"Hi babe!" Aniya na mas lalo pa nitong ikinakilig.

"Kyaaahh!! OMG he called me babe! i think im gonna die na!" Ani ng babae sa kasama nito sa desk.

"Tanga! sa'kin kaya sya nakatingin. Masyado kang nag iilusyon girl! gising na!" Pang aasar naman ng baklang kasamahan nila.

Napailing na nagtuloy sa paglalakad si Andy hanggang sa makarating ito sa elevator. Bago pa man ito sumara ay may kamay na humarang dito. Pumasok ang naka itim na babae at puti ang buhok nito. Kakaiba ang ayos nito. Lalong nagtaka si Andy dahil hindi nya maaninag ang mukha nito. Ngayon lamang nya nakasabay sa elevator ang babae kaya naisip nya na baka bago lamang ito sa building o may bibisitahin. Walang pinindot na button ang babae kung saan ito bababa, kaya nasisiguro nya na kaparehong floor lang sila.

"Hi!" Andy greated and smile to the white haired girl."Im Andy. What's yours?" He asked but the girl just silently look at him. Nangunot ang noo ni Andy nang makaharap nya ito. Hindi nya mapagmasdan ng mabuti ang mukha nito dahil bahagyang natatabunan ito ng itim na cap. Andy just shrug his shoulders and nevermind his companion on the elevator.

Bumukas ang pinto ng floor kung nasaan ang unit nya kaya balewalang lumabas na sya ng elevator. He knows that the girl is at his back silently following him.

Narating nya ang unit subalit nanatiling nakasunod parin ang babae sa kanya. Ngayon ay nakayuko na ito. Walang pakialam na pumasok na sya sa loob ng unit na hindi siniguro na nakasara na ang pinto, kaya hindi nya namalayan na nakapasok na pala ang White haired girl sa loob ng unit nya.

Shock is all over his handsome face when he saw the girl sitting pretty on his dark red couch."Hey what are you doing here? How did you get in here?" Bakas sa kanyang mukha ang pagkalito.

She's Back With Vengeance(Completed on DREAME APP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon