Chapter 18: A Puzzle Piece

Start from the beginning
                                    

Noong una nga naming team-up, nagmistula kaming sina Takishima at Hikari-San sandali ng Special A kasi palagi siya ang nauunang nakakaalam sa pangyayari at palaging ako lang ang pangalawa. 

Maya-maya'y nagreply na rin siya. 

From Min:

I'm a Detective, Boo.

Tsk, tama nga ako. Hindi ko na lang siya nireplayan at nakatulog na ako ng mahimbing. 

6:00 am nang nagising ako sa pag-alog sa akin ni Pia. 

"Miss Selene. Your Dad said that you will play something with your brother and him." wika nito. 

Kaya nandito ako ngayon sa sala katabi si Kuya sa sofa habang hinihintay si Papa. 

"Ano bang lalaruin natin Kuya?" sambit ko sa kapatid na nakatutok sa phone.

Nah, I guess he is playing Mobile Legends. Akalain mo yun pati siya naaaddict sa ML. Tsk.

Napahinto naman siya sa pagtutok sa phone at lumingon sa akin. 

"Paunahan na makarating sa exit ng maze." sambit nito at muling naglaro sa phone nito. 

Agad namang may gumuhit na excitement sa aking mukha. Magandang gising ito. Wew!

Hindi na ako muling nakapagsalita pa dahil dumating na si papa. Tumingin ito sa akin. 

"Alam mo na ang laro, hindi ba Charity?" wika nito.

Napatango naman ako at tumango rin ito at nagpatuloy sa paglalakad palapit sa amin. 

"So sa start line ng maze, pipiringan tayo at kapag nasa magkaibang direksiyon na tayo, tatanggalan na tayo ng panyo sa mata. The first one who will reach the end will receive a gift from me." salaysay nito.

Hindi rin masama. 

"But you know the directions of the maze." sambit ko.

Ngumiti si Papa. 

"That will be a challenge for the both of you." sagot nito at niyaya na kami sa labas. 

Pagkarating namin sa labas, nakatayo na si Pia at ang dalawang maid na kasama niya. Maybe they will be the one to put us the handkerchief in our eyes.

Pumunta na ako sa direksiyon ni Pia nang biglang naunahan ako ni Kuya. Tsk. 

Kaya lumapit na lang ako sa kaliwang banda ni Pia, bale na sa gitna sina Pia at Kuya. 

"Okay, the time will starts now!" singhal ng aking ama kaya nararamdaman ko ng may nakatakip ng panyo sa aking mata at unti-unti na akong pinalalakad at inalalayan ng katulong. 

Maya maya'y nakikita ko na ang paligid at agad ng nawala ang babaeng umalalay sa akin. 

Hindi ko na rin nakikita sina papa at kuya dahil na rin sa lampas ulo ang halaman na triniman para maging maze. 

Nagsimula na akong maglakad.

Maya-maya'y napabaling ang tingin ko sa kanan.

Doon ako pumasok at nagpatuloy lang sa paglalakad. Tumingin ako sa kaliwa nitong dinadaanan ko at doon naman pumasok. Kaliwa't kanan lang palagi kong direksiyon at minsan nama'y diretso lang kapag walang nakaharang na halaman. Paano? Eh ang laki naman pala nitong maze na inaakala kong maliit. Sa malayo lang pala nagmukhang maliit pero kapag nasa loob ka na ay nagmistulang duwende ang tulad ko. 

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Where stories live. Discover now