Once Mine, Always mine -- Finale

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumayo ako. Nagkamali na naman ako nang tingin. Sariwa pa din sa isip ko ang mga ngiting binigay niya sa akin.

"Mommy."

"Huwag muna ngayon, Sean." Nagsimula na akong maglakad. Kailangan kong magpahinga ngayon, lalo na't lumalaki na din itong tyan ko.

"Mommy pansinin niyo naman po ako. Nasa harap niyo na si Sean bakit si Shana pa din ang hinahap niyo."

Oo nga, bakit nga ba si Shana, anak? Marami naman nagmamahal sayo, kay Shana ngayon ay wala kaya nararapat na bigyan ko siya nang pagmamahal hanggat hindi pa siya nahahanap. Ako na lang sa pamilya ang umaasang mahahanap siya.

Tumungo na lang ako sa kwarto at nahiga. Hindi pa naman ako nagugutom o anu man. Dito ko malayang naiiyak ang damdamin na ayaw makita ni Denzel.

Naiinis ako dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari sa anak namin. 'Yun ba ang sinasabi niyang hunahanap niya si Shana kung hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

Burong-buro na ako dito, kakaisip. Naiinis na ako sa kanila kung makabantay parang preso. Ayaw man lang din sabihin sa akin kung saan kami na-aksidente.

Naramdaman ko na lang na may nakayakap sa likod ko, kaya napadilat agad ako.

"MeLoves, ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

Isa pa itong si Denzel alam na ganito ang nararamdaman ko ay magtatanong pa.

"Hindi. Nasisikipan ako."

"Pag ba tinanggal ko ang pagkakayakap ko sayo magiging ayos ka na?"

"Hindi. Ibalik mo sa akin si Shana magiging okay ako."

Bigla naman nawala ang mga braso niya sa katawan ko.

"Hanggang kailan, Rebecca?"

"Hangga't mahanap niyo si Shana."

"Dalawang buwan na ang nakalipas Rebecca hanggang ngayon pa ba umaasa ka pa din na babalik si Shana?"

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya, kaya napa-upo agad ako sa kama at humarap sa kanya.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon