Once Mine, Always Mine -- Chapter 26

86.9K 745 37
                                    

Chapter 26

(Flashback pa din siya pero pag-nakita niyo ang sign na 'to *** ay nasa present na.. Thank you.)

Denzel's POV

"Ano ba to! Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ganito dapat ang design na gagawin niyo. Ilang beses ko ng ipinaliwanag sa inyo 'to pero bakit ganito pa din ang kinalabasan?"

Hindi ko maialis sa boses ko ang pag-kainis. Sino bang hindi maainis kung kanina ka ba binubulabog ng mga ka-team mo. Kanina ko pa pinaliwanag ang dapat nilang gawin pero hindi nila makuha ang gusto kong mangyari. Ganoon ba kahirap ang pinapagawa ko?

Urgh! Pati trabaho ko naaapektuhan na sa sobrang pag-iisip kung sino bang lalaki ang kasama ni Rebecca buong gabi. Hindi ko ata mapapatawad ang sarili ko pag may iba siyang mahal bukod sa akin.

"Hmm Sir, ginawa na po namin ang gusto niyo. Ang mga design na gusto niyong mangyari ay nakalagay na din." Sabi sa akin ng isa kong ka-team.

"Sa tingin mo ba magsasalita ako ng ganito kung gusto ko ang mga design na ginawa niyo?" Inilapag ko na ang hawak kong construction paper na hawak ko sa mesa. Hinilot ko ang sentido ko bago pa ako mairita ulit.

"S-sorry Sir." Sabi niya sabay kuha ng construction paper sa table ko.

"Si Maverick at Floyd nga pala na saan?" Tanong ko bago siya makalabas ng pintuan. Kanina ko pa sila nakikita kahit presensiya man lang nila ay hindi ko pa nararamdaman.

Natapos ang lunch na kahit anong bulto nila ay hindi lumitaw dito sa opisina ko.

"Sir, pagkakaalam ko po ay nasa field sila. Sa may Makati po." Sagot niya sa akin.

"Sige. Salamat." At pagsabi ko 'nun ay umabas na siya ng opisina ko.

Oo nga pala sa field sila naka-assign. Bakit ko nga ba nakalimutan 'yun. Ako nga pala ang nagsabi sa kanila na sa field sila at ako dito sa office.


Ilang oras ang nakakaipas ng tumunog ang cellphone ko. Wala akong panahon para tignan kung sino man ang tumatawag sa akin. Nang dahil sa cellphone na 'to nagkanda-leche ang sistema ko ngayon. Imposible naman na tatawagan ako ni Rebecca kung busy naman siya sa iba!!

"Hello!" Sagot ko sa tumawag. Nakatingin lang ako sa folder na nakapatong sa mesa ko.

"Denzel!" Tss. Si Maverick lang pala.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon