Once Mine, Always Mine -- Chapter 19

92K 819 29
                                    

Chapter 19

Nakatungo lang ako ngayon sa table ko habang nasa swivel chair. Ang sakit talaga ng ulo ko isama mo pa ang traydor na puso ko.

Ang lakas pa din ng tibok. Ilang minuto na ang nakakaraan ganito pa din ang sistema ko. Pero ang tagal niya. Sabi niya saglit lang siya sa pag-aayos pero bakit hanggang ngayon wala pa din.

Sinabunutan ko ang sarili ko. Ano na naman ba 'tong naiisip ko. Lalayuan ko siya di ba? Bakit sumunod ako sa sinabi niya. Dapat sinigawan ko siya kanina. Dapat pinaalis ko na siya dito sa Shop.

Naramdaman ko na lang na may humilot ng sentido ko.

"Anong nararamdaman mo? May masakit ba sayo?" Si Denzel. Nakarating na pala siya nang hindi ko napapansin. Pero paano ko nga ba mapapansin kung nakatuon lang ang isip ko sa bumabagabag sa akin.

"hhhmmm puso ko." Wala sa sarili kong sagot. Nasasarapan ako sa hilot niya para bang buong sakit ng ulo ko nahahatak niya sa paghihilot sa akin. 

"Huh?" 

"Anong huh?" Balik kong tanong. Nakapikit pa din ako at nakatungo sa table, pero kita ang kanang mukha ko.

"Tinatanong ko kung anong nararamdaman mo, hindi ko naman narinig ang sagot mo. Ano ulit yun?" Pamimilt niya sa akin.

Umiling na lang ako nang ma-realize ko ang isinagot ko sa kanya. Pero yun naman talaga ang masakit ngayon, ang puso ko.

"Tara." Sabi niya sa akin. 

Bumaling ako sa kaliwa ko kung saan siya nakatayo, inalis niya na din pala ang paghihilot sa sentido ko.

"Saan tayo pupunta." Mapungay-pungay ang mga mata ko nang titigan ko siya.

Nilahad niya naman ang kamay niya sa akin at nakangiti. Woooh! Ngayon ko lang ulit nakitang ngumiti siya sa akin ng ganyang kalapit, kahit na lagi siyang nakangiti tuwing nandito sa Shop, iba ang ngiti niya ngayon. Parang sinasabing 'magtiwala ka' at 'mahal na mahal kita'.

Pinatong ko naman ang kamay ko sa kamay niya at marahang itinayo ako sa upuan. Inalalayan niya ako sa bewang. Napatigil ako ng dahil doon. May milyong milyong boltahe na naman na kuryente ang dumadaloy sa akin ngayon.

"Bakit?" Pag-aalalang tanong niya. umiling lang ako at nagpatuloy kami sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.

Nasa tapat kami ng couch ngayon. "Anong gagawin natin dito?" Sa hindi ko malamang dahilan kinakabahan na naman ako. Bkait ganito lagi na lang akong kinakabahan pagdating sa kanya.

Binuhat niya ako at hiniga sa couch. Muntikan pa akong mapasigaw sa ginawa niya. Inayos niya ang pagkakahiga ko at umupo sa tapat ng ulo ko. Nang masigurado niyang ayos na, inangat niya ang ulo ko at dinala sa hita niya.

Hinaplos-haplos niya ang kanyang kamay sa buhok ko. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at nakatingin lang din siya sa akin. Ako ang unang umiwas ng tingin sa kanya at humilig ako ng konti para hindi niya makita masyado ang umiinit na pisngi ko ngayon.

Once Mine, Always MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon