CHAPTER 18 - YOU'VE GOT NO JAMS

2 0 0
                                    


Nakapagtataka kasi naka-upo lang si Kaito sa bench nila. Nakapatong lang yung jacket niya sa mga balikat niya. Maglalaro ba talaga siya o hindi? Hmmm...

Binigyan kami ng referee ng 45 minutes na laro para sa soccer at may half break sa gitna. Malapit nang magtapos ang 1st half pero hindi man lang naglaro si Kaito.

"Baka naman mascot lang siya." Nagbibirong sabi ni Hero. Habang tumatakbo kami papunta sa goal.

"Focus ka nga!!" Sigaw ko sakanya na kulang nalang magluyab ang bawat salita na sinasabi ko.

Kung tutuusin lahat ng mga soccer players galing sa Claire High ay nagtataka kung bakit naroon si Kaito at hindi naglalaro.

"GOAAALLL!!!"

Nakapuntos nanaman ang Clair High. In total, 3-7 na ang puntos. Syempre, Claire High ang 7 at Joseph High School naman ang 3.

Pumito na rin ang referee pagsesenyales sa pangalawang half ng game.

Kanya-kanya naman kaming pumunta sa sari-sarili naming benches.

"Maki." Tinapik ako ni Kris na pawisan. Ngumiti siya saakin. "Maghanda kayo, magsisimula na ang tunay na laro."

"Huh?" Tanong ko.

Nakangiti pa rin si Kris. Tumingin siya kay Kaito. "Maglalaro na siya."

"WOW!! So parang reserve, special player niyo siya?" Sarcastic ang pagtatanong ko.

"You've got that right." Proud na sabi ni Kris at pumunta na siya sa sarili nilang bench.

TSSKK!!! As if!!

Nagkumpol-kumpol kami, at sinabi ko ang warning na binigay saakin ni Kris kanina.

"Secret player ha." Natatawang sabi ni Hero. "Biro mo nga naman, ang mga palusot ng mga talunan."

"Kaya nga!!" Sigaw ko. "Hindi tayo matatalo."

"Un." Sagot ni Gin.

Nagsalita ang isa naming manlalaro. "Buti nalang nandito kayong tatlo. Halos kayo na ang pumupuntos para sa team."

"Oo nga. Mighty Maki talaga kasama ang Yin at Yang."

Awwww... Masyado na ba nila akong pinupuri? |( ̄3 ̄)|

Pero please drop the 'Mighty', para talagang bareta o sabon eh. Hehe.

Nagsimula na nga ang second half, at naglaro na si Kaito.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero parang bumaliktad ang flow ng game. Dire-diretsyong pumuntos ang Joseph High School dahil kay Kaito.

(◐ o ◑ )

Masyado siyang mabilis at talagang coordinated bawat galaw niya. Parang defying the laws of gravity yung mga paraan niya kung paano maka-goal.

Hindi kaya...

Siya ay isang missing member ng Generation of Miracles in soccer version? (°o°;)

No. Way.

"Nagtataka ka ba?" Tinanong saakin ni Kris matapos ang isa nanamang goal ni Kaito.

Napatingin ako kay Kris.

"Nire-recruit siya ng iba't-ibang international schools para maglaro ng soccer. Actually, pro siya dito. Ang gameplay niya ay pang international. Cool right?" Paliwanag ni Kris.

And Then...Onde histórias criam vida. Descubra agora