CHAPTER 1 - THE EPIC CONFESSION

15 0 0
                                    


"Oh bakit leader? May problema ba? Pinataas mo pa ako sa rooftop ng school natin." Nagbuntong hininga si Ran. Mukha siyang pagod at nagmadaling papunta dito. Yung shirt niya pa eh bakat na bakat sa muscles niya. Hehehehe, ang pervert ko talaga. (^་།^)

Pero... Oh my gaashh!!! Andito na siya!!! Prepared na ba talaga ako? Kaya ko ba to? Super kabado ako dito sa gagawin ko.

"Ermmm... Kasi Ran... Ahh... Ehh...." Hindi ko na alam. Nasaan na yung tapang ko for the past few days? Pinag-isipan ko pa talaga na magtapat ngayun ng nararamdaman ko sakanya kaso magiging epic fail ata.

"Leader?" Sabi ulit ni Ran. "Oh, bakit namumutla ka ata? May sakit ka ba?"

Lumapit siya saakin ng dahan-dahan tapos hinawakan ang aking noo. Lalo tuloy akong kinabahan sa sasabihin ko sakanya.

"Oh, medyo mainit ka pa ata. Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Mukha tuloy worried na worried si Ran. Ang sweet niya talaga, kaya ako na inlove dito eh.

Baaahhhh!!!! Bahala na. Here it goes!!!

"Ahh.. Kasi Ran... Ermmm... Matagal na kasi akong may gusto saiyo eh... Hindi lang sub-leader o ka-miyembro sa gang natin ang tingin ko saiyo, more than that pa. I like you." Grabe, feeling ko sasabog na ako sa sinasabi ko. First time kong mag-confess sa lalaking kinagugustuhan ko since Grade 8 pa ako. That's four years you know!!

Hinihintay ko ang sagot ni Ran. Oh no, natatakot na tuloy ako sa sasabihin niya.

"Leader, ah hindi, Maki, kuwan... kasi... sorry... hindi ko kayang maibalik yung nararandaman mo saakin... pasensya na..."

At yun, parang gumuho ang mundo ko. Hindi ko akalaing hindi pala mutual ang feelings namin. Tanga? Oo tanga siguro ako. Masyado akong assuming eh. Tumawa nalang ako pero pumatak parin luha ko. "Le-leader?" Sabi niya uli.

Tinapat ko daliri ko sa labi niya. "Wag ka nang masalita. Sige na, umalis ka na sa harapan ko." Heto nanaman eh, imposing nanaman ako ng posisyon, syempre, mga miyembro lang sila ng gang na Streetz at ako ang leader nila. Oo, mahilig akong makipaglaban kahit na babae ako. Magtaka pa kayo kasi ako ang leader nila. Kakaiba no? Or baka weird lang talaga ako.

Parang naging malungkot tuloy yung mukha ni Ran. Hindi ko naman sinasadya, gusto ko lang na sabihin sakanya yung nararandaman ko, kaso dapat ata itinimpi ko nalang yung feelings ko. Baka mamaya hindi na maibabalik yung dati naming samahan. Delikado, siya pa naman ang sub-leader ko.

Tinignan ko nalang siya at nagbigay ng isang ngiti kahit na umiiyak na ako. "Thanks Ran, at least nasabi ko nararandaman ko saiyo. Pwede ka nang umalis."

Tahimik lang si Ran, mukhang alam niya na talaga ata akong nasaktan sa sagot niya. Umalis nalang siya sa rooftop nang hindi tumitingin pabalik.

And Then...Where stories live. Discover now