CHAPTER 7 - I MET HIM

1 0 0
                                    


Tskkk... Masakit siya. Buti nalang at daplis lang. Hindi talagang tumama yung gunshot sa tagiliran ko.

"Hoy!! Scaredy Sh**tt!! That's unfair!!"

"Haahhh... Heeehhh... Waahhh... HHHuhhhh...." Naguguluhan yung itsura ni Chard. Parang mawawala na ata siya sa sarili. Nanginginig niyang hinahawakan yung baril at tinitignan ito.

"Leader!!!" Sabay-sabay naman na sigaw saakin ng mga ka-member ko.

"Anung ginagawa mo??!! Obvious na tatamaan niya yung kasama niya!! Bakit mo pa tinulak at ikaw yung natamaan!!" Sumisigaw si Hero sa tabi ko. Galit na galit ang expression niya. Mula sa pagiging mircrophone ang boses, parang naglevel up ata sa naging wang-wang ng firetruck ang boses niya.

Ngumiti lang ako Hero. "Daplis lang. Huwag kang mag-alala."

"Ayos ka lang ba?" Tinanong ko sa taga-CARDS na tinulak ko kani-kanina lang. Mukha atang shock to the bones itong lalake. Muntikan na siyang tamaan ng baril. Buti nalang at tinulak ko siya. Bukod sa mga sugat sa pakikipagbugbugan, wala naman iba pang malalim na sugat sakanya. Psshhh... At inintindi ko pa talaga ang kabilang gang ha. Good Samaritan na pala ako ngayun. Heehh..

Dahan-dahan akong tumayo. Tinulugan naman ako ni Gin na tumayo, samantala si Hero naman ay nakatingin pa rin saakin. Hindi makapanilawa sa ginawa ko.

"Umalis na kayo dito." Wika ko sa mga CARDS.

Parang bumalik naman sila sa katinuan at nagsimula silang tumakbo palayo.

Tumalikod at ngumiti ako sa mga members ko. Worried faces ang tingin nila saakin. Awwhhh.. How sweet. (^v^)

Hinayaan akong tumayo ng tuwid ni Gin. Malaki talaga ang pasasalamat ko sakanya. Hindi ko na kailangan magsalita para malaman ni Gin ang mga gusto kong mangyari.

"Okay guys le.."

**WHEEEWOOOO WHEEEEWOOO**

Shoot!! Paparating ang mga pulis.

"Takbo!!" Sigaw ko kaagad.

Tumango lahat sila saakin at nagsipagtakbuhan.

Tatakbo na rin sana ako nang may nakita akong lalake dun sa gilid ng pinangyarihan ng gulo. Ang nakapag-tataka, bakit parang relax na relax pa ang mukha niya. At aba? Naka-cross lang ang arms? Ano 'to walk in the park? Baliw na rin ata itong lalakeng ito at mukhang cool na cool lang samantalang naka-witness siya ng isang madugong laban. Mukha pa naman siyang estudyante. O baka naman hindi siya makagalaw sa gulat niya sa mga nangyari sa paligid niya?

Tumakbo ako papalapit sakanya. "Halika na!! Baka madamay ka pa dito!!"

Hinila ko ang kamay niya at tumakbo.

And Then...Where stories live. Discover now