Chapter 1 No Mercy

91.9K 1.7K 337
                                    

"There is only one happiness in life. To love and be loved."


Laurent (Law-ran) POV


"Ma'am, wala pa daw siyang pambayad sa nautang niya sayo."

Nasa opisina ako nun at prenteng naka-cross legs sa likod ng lamesa ko na may mga nagkalat na papeles na pinipirmahan ko ng pumasok si Damian, isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan ko slash bodyguard.

Magkasalubong ang kilay na natigilan ako sa pagpipirma at nag-angat ng tingin sa lalakeng nasa harapan ko.

"What?" I uttered in a stern voice. "Tapos na ang kanyang palugit."

"Ano ho ang plano niyo kay Mr. Fortes, ma'am?" Kilala na ako ni Damian, may limang taon na siyang nagtatrabaho sa akin.

"Kunin mo lahat ng ari-arian niyang pwede pakinabangan." Walang kagatol-gatol na sabi ko saka ibinalik na ang atensyon ko sa mga papeles.

"Sige ho, ma'am." Yun lang at tahimik na siyang lumabas ng opisina ko.

Simple lang naman, madali akong kausap. If you need money, then I can lend you some. But don't expect me to be nice sa araw ng singilan. Ang utang ay dapat lang na bayaran sa nakatakdang palugit. At kung di ka tumupad sa usapan, wag mong asahang magbibigay pa ako ng dagdag na palugit. Hindi mo ako madadala sa anumang pakiusap o paawa, kukunin ko ang anumang nararapat na sa akin sa kahit anumang paraan.

Isa akong abogado, alam ko ang ginagawa ko. They can't sue me. They can't file a case against me. Dahil may sapat akong ebidensya laban sa kanila.

Sumandal ako sa kinauupuan kong swivel chair saka hinilot yung sentido kong kanina pa sumasakit. I need some release. Tumayo ako at kinuha ko na yung bag ko saka lumabas ng opisina.

"Mary, cancel all my appointments for the rest of the day." Di man lang lumingon sa secretary ko ng dumaan ako sa harap ng table niya.

"Ma'am, paano po yung meeting niyo kay Mr. Yamato?" Tukoy niya sa Japanese na prospective investor.

"Tell him, I will just meet him tomorrow morning." Nagpunta na ako sa may elevator.

"Po?" Sinundan pala niya ako.

Masungit ang mukhang hinarap ko siya. "Just do as I say, Mary."

She nervously adjusted her eyeglasses. "Y-yes, ma'am."

Walang salitang pumasok ako sa loob ng elevator and punch the ground floor. Lumabas na ako ng Montefalco building at tinungo ang parking lot. Pagkapasok ko sa loob ng kotse ko ay idinial ko yung number ni Blaire. My closest friend and my bed-mate, if you know what I mean.

Sinenyasan ko yung dalawang bodyguards na nakasakay sa itim na kotse na wag na ako sundan. Agad naman silang sumunod sa utos ko. I put on my dark sunglasses.

"What do you want?" Di man lang nag-abalang nag-hello si Blaire ng sinagot yung tawag ko.

I put her on speaker since nagda-drive na ako sa hi-way. "Where are you?"

"Sa office. Why?"

"I'm coming over." Sagot ko habang tinatahak ko ang kalsada papunta sa Arevalo Group of Companies building na pag-aari nila Blaire.

"Laurent, I'm busy right now –"

"I don't care." Putol ko sa sinasabi niya.

"Laurent ---"

"I'm already here, darling." I smirked as I parked my car at the parking lot.

"What?!" Gulat na bulalas niya. "Urrghh! You'll take no for an answer, won't you?"

Royal Blood Series - HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon