Chapter 48: Difficult Choice

54.9K 1.5K 290
                                    

Kheana Zaila's POV.

Walang text. Walang tawag si Drake ngayong araw na ito. Saan na naman kaya nagpunta yung lalaking yun. Palinga-linga lang ako ng makita ko si Khrysthelle. Nilapitan ko siya, nakita ko ang aura nito. Bakit parang namumutla siya.

"Khrysthelle, Ok ka lang ba? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ko sa kanya sabay upo sa tabi nito. Sinapo ko ang noo nito, hindi naman siya mainit.

"Medyo masama lang pakiramdam ko" sagot nito sakin.

"Ihahatid na kita sa bahay niyo" Sabi ko sa kanya. Napatingin ito sakin.

"Hindi na. Kaya ko na to" Wika niya, tumayo ito at naglakad pero wala pang tatlong hakbang ay bahagya itong huminto kaya agad ko siyang nilapitan.

"Your not ok. Ihahatid na kita sa bahay niyo. Nandun ba si Papa?" Tanong ko sa kanya ngunit umiling ito.

"It's ok. Halika na" Sabi ko at inalalayan ko siya.

"Bakit namumutla ka? Khrysthelle, may masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya. Napahawak ito sa ulo niya.

"Masakit lang talaga ang ulo ko" sagot niya sakin. Hindi na ako nagtanong hanggang makarating kami sa bahay nila.

"Bahay mo ba ito?" Tanong ko sa kanya, iba kasi yung bahay na pinuntahan namin nung isang araw.

"Oo. Ito ang bahay ko" wika nito bago pumasok sa loob ng bahay. Nagulat ako ng may dumamba sa kanyang bata.

"Mhiee!" Natutuwang wika nung bata bago yumakap sa kanya. Napalunok ako ng ilang beses sa sinabi nung bata.

"Mhie?" Nagtatakang tanong ko, napangiti si Khrysthelle, tumingin sakin yung bata at nagulat ako ng makita ko siya.

"You??!" Nanlaki ang mata nung bata mg makita ako, napakunot-noo ako.

Parang nakita ko na tong batang to. Dun sa park? Tama.

"Sino siya?" Nagtatakang tanong ko sa kanya habang nakatingin sa bata.

"Anak ko" literal akong natigilan sa sinabi nung bata.

"A—anak mo?" Tanong ko ulit, tumango ulit siya bago ngumiti.

"I met her once, Mhie. Sa park. Kasama ko pa nga si Daddy nun eh" sabi nung bata.

"She's my sister, Anak" Nakangiting wika ni Khrysthelle sa bata. Ngumiti yung bata bago lumapit sakin.

"Nice to meet you, Tita. Kaya pala magkamukha kayo ni Mommy kasi sister pala kayo" natutuwang wika nung bago niya ako niyakap. Nakaramdam ako ng saya sa puso ko ng yakapin ako nung Bata. Nginitian ko nalang siya.

"What's your name?" Tanong niya sakin.

"Just call me Tita Kheazy. Naku! Ang gwapo ng anak mo, Sis" nakangiting sabi ko sabay pisil sa mapupulang pisngi ni Zhyrus. Natigil lang ako ng makita ko ang side ni Drake sa kanya. Hindi ko nalang iyon pinansin.

"Siguro mana siya sa Daddy niya noh?" Tanong ko.  Biglang nag-iba ang aura ni Khrysthelle.

"Siya nga pala, Nasaan yung Daddy niya?" Tanong ko. Napahugot siya ng malalim na hininga.

"Anak" sabi ni Khrysthelle, tumalikod si Zhyrus at nagtungo sa kwarto.

"Iniwan ko ang daddy niya noon, hindi ko naman alam na buntis pala ako. Kasalanan ko din naman lahat eh, kung hindi ko sana siya iniwan naging masaya sana kami. Binalikan ko siya pero—may mahal na siyang iba" Paliwanag niya sakin.

Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon