Chapter 26: Give Me One More Chance

96.3K 2.9K 778
                                    



Kheana Zaila's POV.

Ilang araw na ang nakakalipas simula nung nag-usap kami ni Drake sa Hidden Place. Sobrang sakit para sakin ang nangyari pero ito ang tama. Laking pasalamat ko dahil laging nasa tabi ko si Blake na nagpapalakas ng loob ko. Sana nga tama yung desisyon ko. Alam kong matutunan ko din siyang mahalin.

"Girlfriend, gutom ka na ba?" tanong nito. Nandito kami ngayon sa Cottage kasama ang mga kaibigan ko.

"Siya lang ba ang tatanungin mo?" Pagmamaktol ng mga kaibigan ko. Natawa si Blake sa inasal nila.

"Let's eat" pagyaya ni Blake, kinuha nito ang gamit ko sa table ng cottage at siya mismo ang nagbuhat ng mga iyon.

"Ang swerte mo talaga kay Blake" tukso ng mga kaibigan ko sakin. Napangiti lang ako.

Oo. swerte nga ako, Sobra. Hindi siya kagaya ng pinsan niya. Duwag pagdating sa pag-ibig.

Speaking of his Cousin. Ilang araw ko na din siyang hindi nakikita simula nung nag-usap kami. Mabuti na din iyon para makaiwas ako sa kanya.

"Ay, Blake. Pwede bang ikaw nalang ang partner ni Kheazy sa Acquiantance Ball ha" nakangiting wika ni Yuri, agad akong pinamulahan sa sinabi niya. Pinandilatan lang niya ako.

Langya! Kahit kailan talaga napakadaldal ng babaeng to.

"Girlfriend, bakit hindi mo sinasabi ito sakin?" Wika ni Blake.

"Ah kasi an—nahihiya siya" sabat naman ni Pam. Pinanlakihan ko ito ng mata, nakangiti silang pare-pareho samantalang ako nahihiya na kay Blake.

"Girlfriend, diba sabi ko sayo, sabihin mo lang kung ano ang gusto mo. Gagawin ko naman iyon eh kahit ano" sambit naman ni Blake bago niya hinawakan ang kamay ko. kinilig naman ang dalawa sa tabi ko.

Enebe!

"Sorry" iyon lang ang naisatinig ko. Tahimik akong kumakain samantalang yung dalawa panay ang bungguan nila sa papa ko.

"Kinikilig ka no!" Bulong sakin ni Pam, inirapan ko ito.

Paano kung sabihin kong oo. Anong magagawa nila, dapat lang na maramdaman ko ito.

Bumalik na kami s Room namin samantalang si Blake naman humiwalay ito sa amin dahil may pupuntahan pa daw siya kasama nito ang mga bandmate niya.

"Aminin mo! Namimiss mo si Dr—" bago pa niya banggitin ang pangalan niya ay tinakpan ko na ang bibig ni Yuri.

"Ano ba! Nagmo-move on na nga yung tao kung anu-ano pa sinasabi mo" inis na wika ni Dave kay Yuri. Binelatan lng siya ni Yuri.

Nakapangalumbaba ako sa mesa ko, parang may kulang padin, hinahanap-hanap ko parin ang presensiya niya.

No. Erase. Erase. Hindi ko na siya iniisip.

Pagkatapos ng klase namin ay umuwi na kaagad ako. hindi ko kasabay ngayon si Kuya dahil may pinuntahan siya, hindi ko alam kung saan. Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si Mama, nakabihis ito.

"Ma, saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Samahan mo ako, nak" wika nito.

"Saan naman tayo pupunta Ma?" Muling tanong ko sa kanya, nitong nagdaang araw kasi parang iba ang kinikilos ni Mama at maging si Kuya. May tinatago ba sila sakin? Palagi silang wala sa bahay. Si kuya naman minsan nalang umaattend sa klase kaya nalulungkot na si Pam.

"Basta anak, Magbihis ka na" wika nito kaya umakyat na ako sa taas upang magbihis.

———

"Ma, saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko ulit sa kanya habang nagda-drive ito.

Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon