Chapter 4: His Scent

117K 3.4K 321
                                    



Pilit kong iwinaksi sa isip ko yung lalaking iyon pero hindi ko magawa, kahit nakapikit na ako ay imahe parin niya na naka-hood ang nakikita ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil may kung anong kabog ang naramdaman ko habang inaalala ito. Bakit ganito? Bakit ang saya ng pakiramdam ko ng niyakap niya ako pabalik? Hating gabi na ngunit hindi pa ako dinadalaw ng antok kaya nanood muna ako ng movie ngunit kalaunan nakaramdam na din ako ng antok, dumungaw ako bintana at nakita ko doon yung lalaki ngunit bigla din naglaho.




Kinaumagahan.



"Ma' pasok na po ako" paalam ko kay mama.


"Sige! Mag-ingat ka" paalala sakin ni mama, lumabas na ako sa bahay.


Maglalakad na sana ako ng makita ko sa di kalayuan yung lalaking nakahood. Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko, huminga nalang ako ng malalim bago pumara ng sasakyan.




Pagkarating ko sa school ay sinalubong agad ako ng masasamang tingin. Maya-maya pa ay dumating na ang mga kaibigan namin.




"Kheazy! Kheazy!" Tawag sakin ni Yuri kasama ni Dave at Pam.





"Oh bakit?" nagtatakang tanong ko.




"You need to watch this" wika nila sabay hila sakin, nakarating kami sa court.





Nagulat ako ng makita ko ang video, yung nangyari kagabi pero iba yung scene.




"Well' your haters began to moved kheazy" wika ni Dave sakin, may pagkasilais kasi si Dave kaya sa amin siya laging sumasama.



Nagbulong-bulungan ang mga estudyante ng makita ako.




She's a slut


napakalandi niya talaga.



Napatingin sakin ang mga kaibigan ko na halatang naghihintay ng sagot galing sakin.


"Oo. Inaakin ko nangyari yan kagabi pero hindi naman yung hinawakan yung—" madiin na wika ko dahil ang nakikita ko ngayon sa video ay nahawakan nung lalaking humabol sakin ang private part ko.



"Alam mo namang uso ang video editor" bulong sakin ni Pam.





Oo. Iyon na nga siguro ang nangyari, inedit nila ang video pero hindi ko parin matanggap dahil nagmukha akong malandi sa video na yan.



"Ang landi mo talagang babae ka" mataray na wika ni Irish sakin.


"Hindi totoo yang video na yan!" Galit na wika ko sa kanila.



"Talaga? Ang sabihin mo malandi ka talaga, kung saan-saan ka pa nagpapahawak ng ano mo, Yaks!" He rolled her eyes.


"Hindi totoo yan sabi e" sigaw ko, hinawakan ako ni Pam upang huwag sugurin si Irish.


"Ikaw siguro ang may kagagawan yan noh?" tanong ko sa kanya, tinignan lang niya ako ng masama.



"Ano naman ang mapapala ko sa pang'i-stalk ko sayo" saad niya.


Bahagya silang natigilan ng dumating si Blake.



"What the hell is happening here?" Tanong niya, napatingin ito sa big screen pagkatapos nun ay pinukol niya ang tingin sakin.




"Is that true?" Tanong niya.



"No" agad na sagot ko sabay iling dahil hindi naman talaga iyon totoo. Hindi ko alam kung paano nila ginawa yun.




Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon