Chapter 11: Jealous

113K 3.4K 407
                                    


KINGINA!

Ayoko na. Naiinlove na talaga ako mga pinagsasabi ng lalaking to.



"Let's go, My Queen" nakangiting wika niya sabay lahad sakin yung palad niya.



Ngumiti ng parang nang-aasar ang mga kaibigan ko.





Napakagat labi ako nang dumantay ang kamay niya sa balikat ko at marahang pinipisil-pisil ang braso ko.




Oxygen please!




Napapahugot ako ng malalim na hininga dahil pakiramdam ko lumaki yung puso ko. Mas lalo akong kinabahan nang bumaba ang kamay niya papuntang bewang ko.




Wtf! Tigilan mo na ito Drake Alexander Montebello. Nahihibang na ako. Myghad! Kung ano man tong pinaplano mo sakin itigil mo na.





"Alisin mo nga yang kamay mo sa bewang ko" bulong ko sa kanya, nginitian lang niya ako. Mas hinigpitan pa nito ang pagkakahapit sa bewang ko.



Pesteng lalaking to. Sabing bitaw e.




"Ayoko. Gusto kong malaman nilang lahat na akin ka" pinamulahan kaagad ako ng pisngi sa sinabi niya.





Kaayyyyyaaaaa!




"Ano nga pala ang dahilan kaya tayo nagpapanggap?" Tanong ko sa kanya.




"Wala na akong dahilan" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.





"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya pero hindi na niya ako sinagot. Bumitaw na ito mula sa pagkakahapit sa bewang ko at nauna ng naglakad.





Naiwan akong may question marked sa ulo. Myghad!





Habang nagka-klase kami ay palinga-linga ako. Hinahanap si Kuya Andy, tinext ko na siya kanina pero hindi siya nagrereply.




Dahil ba nalaman niyang may relasyon kami ni Drake. Hays! Kung alam niya lang.



Biglang nag'ring yung cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha baka sakaling si Kuya pero hindi.





"Hello nay" masayang wika ko, si Nay Aileen. Yung dating kapitbahay namin noon.





"Zaila! Kamusta ka na, sana dumalaw ka naman dito minsan" wika ni Nay, napangiti ako.




Namimiss ko na din sila, ilang buwan na kasing hindi ako dumadalaw sa kanila e.




"Sige po. Pupunta po ako ngayon" nakangiting wika ko bago binaba yung cellphone ko at nagtungo sa labas ng gate.





Nagulat ako ng may pumaradang kotse sa harapan ko.





"Where are you going My Queen, tatakasan mo na naman ba ako?" seryosong wika nito habang nakasandal ang kamay nito sa bintana ng sasakyan niya at hawak ang shade nito.





Ang gwapong nilalang!





"Anong tatakasan? Hindi naman po ako kasing yaman mo na may sariling sasakyan!" tinaasan ko siya ng kilay sabay irap. Kalerki!.





"We have our own car, My queen" nakangiting wika niya bago bumaba sa sasakyan nito at lumapit sakin.






"Own car ka diyan!" Sabi ko at tumalikod sa kanya.





Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon