Chapter 5: Dream Kiss

117K 3.4K 429
                                    




"Aaahhhhh!" Sigaw ko ng makita ang lalaking walang damit sa harapan ko.




"What the hell are you doing here in my room?" galit na wika nito sakin, dali-dali siyang kumuha ng damit nito sa closet niya at sinuot.





"What's happening here?" nag-aalalang wika ni Tita Dana palipat-lipat ang tingin nito samin ni Drake.





"Mom! Anong ginagawa ng babaeng ito dito sa kwarto ko?" nagtatakang tanong ni Drake habang nakapamewang sa harapan namin, napakamot sa ulo si Tita Dana.





"Pasensiya na hindi ko naman sinasadya na dito ko pala nadala si Kheazy kagabi ang akala ko dun sa guest room, nahihilo na kasi ako kagabi e" paliwanag ni Tita Dana sa anak nito, napahilamos ng mukha si Drake bago napatingin sakin na nakaupo parin sa kama niya, pakiramdam ko hihimatayan ako nangyayari ngayon. Putek! Ang dami kong pwedeng makatabi itong kumag pa na ito.






"Nak, anong nangyari dito?" Tanong ni mama na kararating lang, halatang kagigising lang nito lumapit kaagad sakin si mama.






"Pasensiya na Khrys, ang buong akala ko kasi sa gueat room ko siya nadala kagabi" naramdaman ko naman ang sincerity ni Tita Dana napatingin sakin si mama.






"Birhen ka pa naman?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Mama pati si Drake nagulat din.





"Of course!" Sabay kaming sumagot ni Drake sa tanong ni Mama. Nagkatinginan ulit kami, halatang galit si Drake sakin dah sa itsura nito, pero wala naman akong kasalanan eh. Sa totoo lang ayoko din naman siyang katabi.




Napabuntong hininga nalang ang dalawang ginang sa harapan namin. Lumabas na si Drake sa kwarto niya, napatingin ulit sakin si Tita Dana at Mama, napayuko nalang ako.







Tangina! Hindi ko talaga maimagine na kasama ko siya buong gabi. Kikiligin sana ako kaso yung mukha niya kanina mukhang pinagsisihan niyang natulog siya sa sarili niyang kwarto.





"Iha, i'm so sorry" wika ni Tita Dana sakin.





"It's ok tita, hindi niyo naman po sinasadya yung nangyari eh, tsaka wala naman pong nangyari kaya walang panangutan yung anak niyo sakin" sabi ko.








"Oh siya sige. Dito na kayo kumain" pagyaya ni Tita Dana samin ni mama bago niya ako hinila papuntang dining table nila nakahanda na ang pagkain doon.






Tinawag ni Tita Dana yung isang maid nila at may binulong dito, tumango si Ate at nagtungo sa taas.






"Ang bait niyo po talaga" nakangiting wika ko kay Tita Dana "hindi katulad nung anak niyo" bulong ko, siniko ako ni mama pinanlakihan ako nito ng mata.






Susubo na sana ako ng makita ko si Drake na pababa sa hagdan nila, kinabahan ako ng mapatingin siya sakin. Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko, para kasing may kumikiliti sa katawan ko ng makita siya.




Tinuon ko nalang ang aking pansin sa kinakain ko para malauwi na kami ni Mama, nararamdaman ko kasi ng gusto na akong paalisin nitong lalaking to eh. Ang sama ng tingin sakin. Ramdam ko talaga. Nagulat ako ng may sumipa sa paa ko kaya napakagat labi ako sa sakit sabay tingin sa kanya. Masama ang tingin niya sakin. Inirapan ko nalang ito.




"Kilala niyo na pala ang isa't-isa" panimula ni Tita dana.





"Sino naman po ang hindi makakakilala sa mayabang na yan' kulang nalang paalisin na ako sa School" diretsong wika ko, nagulat si tita dana sa sinabi ko, tumingin ito ng masama kay Drake.







Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon