Chapter 6 - The ST Bosses

217 13 33
                                    

Chapter 6 - The ST Bosses

Point of View: Limea Seay Meadow

"You need to concentrate."

Nilibot ko ang tingin ko dahil sa pagtataka pero wala naman akong nakitang nagsasalita. Lahat sila ay nakatingin lang sa 'kin at hinihintay lang ang sunod kong gagawin. Teka, sino ba iyon? Guni-guni ko lang ba yun o may lalaki talagang bumubulong sa 'kin?

"Everything that you see in the air are just puppets. But watch them carefully, they fly according to specific orders," aniya. Hindi ko talaga alam kung sino ang naririnig ko pero ginawa ko pa rin ang sinasabi niya.

Pinanood ko ang mga uwak na lumilipad sa itaas. Pinanood ko ang isa sa kanila at may pattern siya na sinusundan. Ganoon din ang iba pang ibon nang pagmasdan ko sila. Nawala lang ako sa konsenstrasyon nang marinig ko ang naiinip na boses ng mga nanonood.

Nang makabisado ko ang bawat galaw ng mga uwak ay nagplano ako agad kung saan ko patatamain ang mga patalim. Sabay kong inihagis ang dalawang pares ng daggers at hinintay ang pagkakataon para patamain ang natitira kong daggers sa dalawa.

Nang makita kong malapit nang magdikit ang pares ng daggers sa itaas ay mabilis at malakas kong inihagis ang isa pang dagger at pinatama sa dalawa. Sabay-sabay bumalik sa kamay ko ang mga daggers kasabay nang pagkawala ng mga uwak sa itaas. Para silang mga bubog na nalaglag sa amin na nakaligha ng kumikinang na mga bagay.

"Waa! Ang galing."
"Mga Rank C lang ba talaga sila?"
"Sino ba sila? Kilala niyo ba?"

Nakahinga ako nang malalim nang matapos iyon. Ang buong akala ko kasi ay hindi ko magagawa. Maraming salamat sa lalaking nagbigay sa akin ng impormasyon. Napadilat ako nang maalala ko ang mga tinig na iyon.

Muli kong tinignan ang paligid para hanapin iyon. Kinakausap ako nina Eunice pero hindi ko magawang magfocus sa sinasabi nila. Nahihilo na ako pero hindi ko pa rin mahanap ang gusto kong makita.

Nang dahil siguro sa pagod ay nanghihina akong napaupo sa sahig. Sa tingin ko ay mawawalan na naman ako ng malay. Sobrang inantok ako na gusto ko ng matulog. Pero bago ko ipikit ang mga mata ko, nakita ko siya. Nakatingin lang siya sa 'kin bago tumakbo palayo.

Who are you?

Point of View: Third Person

"Pinatatawag ka po sa ST Headquarters, sir Floyd," ani isang tauhan. Nakasuot ito ng armor na may logo ng Technology group na tatlong bilog na nakaikot sa isa't isa. Ang ST ay acronym ng Science and Technology, sila ang namamahala sa mga training rooms at equipments ng mga estudyante.

Isa sa mga guro ni Sebastian Floyd ang namumuno ngayon sa ST Group. Naging malaki na rin ang parte niya sa grupong ito lalo na at isa siya sa ipinadadala upang puksain ang mga masasamang Marcollds.

Muling sinulyapan ni Sebastian ang walang malay na si Limea bago lumabas sa clinic. Nagtataka kasi siya sa inasta nito bago ito mawalan ng malay. Para itong may hinahanap sa kung saan pero hindi niya alam kung sino.

Marami ang bumabati sa kaniya habang naglalakad siya sa hallway ng ST Building. Kilala na kasi siya nang halos lahat sa ST lalo na at ang grupo nila ang kauna-unahang elite team na galing sa ST group. Mataas ang tingin sa kanila ginagalang sila.

Nang makarating siya sa harap ng ST HQ ay agad siyang pumasok. Doon niya nakita ang maraming mga monitors kung saan kita ang mga CCTV sa buong paaralan at labas ng kingdom. Ang tanging wala lang silang access ay ang loob ng kaharian kung nasaan ang hari at reyna.

Sa kanang bahagi ng kwarto ay nakaupo ang kaniyang guro na si Mike. Nasa gitnang bahagi naman ang isang pang pinuno ng ST na si Richardo at sa kaliwa naman si Josiah. Lahat sila ay nakatingin sa mga monitors sa kanilang harapan ngunit napatingin sa kaniya nang pumasok siya.

Limea MeadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon