Chapter 4 - Witches and Wizards

254 21 84
                                    

Chapter 4 – Witches and Wizards

Point of View: Limea Seay Meadow

"Dito na tayo maghihiwa-hiwalay. Tuwing break lang tayo pwedeng magkita kaya dapat sabay-sabay tayo. Siguro naman ay hindi niyo na kami kakailanganin sa loob dahil may guide naman kayo," ani Nicy. Kinindatan niya kami ni Alton matapos niya iyang sabihin.

"Oo naman. Hindi naman pwedeng lagi na lang kaming aasa sa inyo ni Jian. Kaya na namin dito sa loob," ani Alton.

"Sige. Pasok na rin kami sa training rooms namin," ani Jian.

Isang archer si Nicy at healer naman si Jian. Napili ni Alton ang swords at ako naman ay sa witchcrafts. Interesado kasi ako sa kung ano ang ituturo nito sa 'kin kaya ito ang napili ko. I already know how to use archer pero hindi ko naman iyon interes.

Sa tingin ko, makatutulong sa akin ang mga matututunan ko rito sa tuwing nag-shi-shift ako. Ang tagal na rin pala noong huli akong nakapag-shift. Tiyak na masakit na naman sa katawan iyon kung nagkataon. Para tuloy ayoko nang isipin pa.

Pagpasok ko sa training room na may nakasulat na Witches and Wizards, malawak na field ang unang bumungad sa akin. Isa siyang open field kaya kita ko ang malinaw na kalangitan. Walang nagbabadyang ulan pero hindi rin naman tirik ang araw.

Sa dulo ng field ay natatanaw ko ang mga estudyanteng nakapila. Mga nakaberdeng uniporme ang ilan tanda na mga rank C pa lang sila. Ganoon din ang suot ko ngayon na binili pa namin nina Nicy dahil hindi raw iyon libre.

Nakahalo sa kanila ang mga nakakulay asul (Rank B) at kulay itim (Rank A) na uniporme. Mas marami sila kaysa nakakulay berde. Sa katunayan nga ay parang lima lang kaming mga bago rito. Ibig sabihin ay halos malalakas na ang mga nag-eensayo rito sa room na ito. Kinabahan tuloy ako, at the same time, na-excite.

Pumila rin ako sa kung nasaan ang apat na nakakulay berde. Panay ang tingin ng iba sa aming lima. Hindi naman weird ang tingin nila pero kahit papaano ay nakaka-intimidate pa rin. Para kasing may gagawin silang hindi namin magugustuhan kung may gawin man kaming hindi maganda.

"Good morning, students!" bati ng isang lalaking nakasuot ng kulay silver na damit. May linings na kulay gold ang sleeves niya at may kakaibang hat siya na suot na parang ga-graduate. Iyon nga lang ay kulay silver din iyon na may linings ng gold. Sila ang Rank S. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Waa! Ang gwapo ni Sebastian!"

"Nakita ko ulit siya. Nakaka-miss silang makasama sa training!"

"Team Scorpion, we love you!"

Ilan lang ito sa sigaw ng mga nakakulay asul at nakakulay itim na mga estudyante. Itong mga kasama ko ay hindi rin maitago ang pagkamangha sa taong nasa harapan namin. Iyon nga lang, hindi ko sila kilala. Dapat bang kilalanin ang mga rank S sa lugar na ito?

"Dahil naka-off duty kami ngayong umaga ay naatasan kami para turuan kayo," ani ng tinutukoy nilang Sebastian. Siya ang kapitan ng grupo nila ayon sa kulay pulang tela sa braso niya.

Kailangan kong itanong kina Nicy ang tungkol sa mga grupong ito dahil ngayon ko lang nalaman na sila ang magtuturo sa amin. Hindi ko alam kung magandang bagay ba ito o kailangan kong matakot.

"Ako si Sebastian Floyd, ang kapitan ng Team Scorpion. This is Chase, our Vice Captain, Samantha, Jake, Rafael and Hiro of Team Scorpion. We are assigned to teach you different magic that you can use. If you have any question, don't hesitate to ask me or my team members," aniya.

Nagtaas ako ng kamay. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko na kasing magtanong. Siguro naman ay ito na ang tamang oras para magtanong ako.

"Yes, Miss?"

Limea MeadowWhere stories live. Discover now