"Hoy bubwit." Hinabol ni James si Fancy. Si Lance akala ko susunod din, ni-lock lang pala nya yung pinto. Kaming dalawa nalang naiwan.

"How's your day?" Tanong ko.

Humiga sya sa tabi ko dito sa kama. Parang may something sa kanya. Parang wala sa mood na ewan.

"Babe." Agaw-atensyon ko sa kanya.

Tumingin lang sya sa'kin. "I'm tired. I need some rest." Sagot nya. Seryoso pa yan. What happened? May nangyari kaya?

Teka..

Mas lumapit ako kay Lance. Inamoy ko sya. "Amoy alak ka Lance. Nag-inom ka?"

No response.

"Lance 'di ba sa kompanya ka galing? Ba't amoy alak ka? Is there somethi--"

"FUCK!"

"Babe."

"Can't you see? Nagpapahinga ako! I told you I'm tired! Stop asking random questions!" Iritadong sabi nya saka tumagilid na. So nakatalikod sya sakin.

Diko alam pero parang nasaktan ako. Bakit ganito sya? Bakit nya ako sinigawan? Kakabati lang namin tapos ganito?

Huminga ako ng malalim. Nanggigilid kasi luha ko. Ewan ko ba, ang sakit talaga dito eh sa bandang puso ko. May nangyari ba? Bakit amoy alak si Lance. Naguguluhan ako.

Krrrinnnggg..

I looked at my phone.

Trigger calling..

I answered his call. "Yes?"

[Andito ako sa labas ng mansyon. I want to see you.]

I sigh. Matatanggihan ko ba 'to? Malaki pa din utang na loob ko sa kanya. Niligtas nya ako. I can't say no to him. "Okay."

Teka, paano pala ako sasakay ng wheel chair? Damn. Ang hirap talaga ng ganito. Nakakainis!

Sinubukan kong umupo. Then inabot ko yung wheel chair sa gilid. Kaya ko naman iapak yung isa kong paa kaya--aaaawww!

Shit. Ang sakit. Aish! Pero at least nakalipat ako dito sa wheel chair. Kainis lang. Maling galaw, masakit talaga.

Lumabas na'ko ng kwarto sakay ng wheel chair. Di naman nagising si Lance. Isa pa, badtrip sya sa di'ko malamang dahilan.

Andito na'ko sa may hagdan. Paano pala ako bababa? Waaa. 'Pag si Lance kasi kasama ko, binubuhat nya ako pababa ng hagdan tapos binubuhat ng katulong yung wheen chair pababa. Hays.

"Where are you going?"

I'm dead. Si Lance. Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko.

Yung mukha ni lance halatang galit. "Bababa lang sana ako."

"And why?'

"Nasa labas si Trigge--"

"DAMN IT!" Sigaw ni Lance saka lumapit sa'kin at itinulak ang wheel chair ko pabalik dito sa kwarto ko.

"What are you doing?" Tanong ko.

"Desidido ka talagang makipagkita sa lalaking yon? Ha? At sinong may sabi na pwede pa syang tumuntong dito?" Galit na tanong ni Lance.

"He's my friend. Sak--"

"I don't care! He likes you Yumiko! He's my rival! Don't act stupid! Don't act as if you don't know!"

Aray ha. Kanina pa'tong si Lance eh. "Ano bang problema mo ha? Kanina? Ang cold mo, ang sungit mo then I'm asking you what's wrong pero anong ginawa mo? You shouted at me!!" Naiinis na'ko. Sobra.

MY 2: The Vow (EDITING)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu