Chapter 2.

15.4K 259 1
                                    

First Published: November 12, 2016
Re-Published: February 18, 2017
Final Re-Published: July 20, 2019

AIKO

Nandito pa rin kami sa labas ng clinic ni Mica habang sinasamahan ang mga high school students dahil baka targetin sila ng mga nangbu-bully sa kanila kanina.

Umupo muna kami sa upuan at nag-aalala din ako dahil na-fractured ang mukha niya at delikado din 'yon.

"Magiging okay lang kaya siya? Nag-aalala talaga ako sa kaniya." Komento ko at napatingin si Mica sa 'kin.

"Ako din eh. Ang sakit kaya ng gano'n. Hula ko ay ino-operahan na siya sa loob o kaya sina-suggest na sa kaniya na kailangan niyang ipa-opera ang mukha niya." Sagot naman ni Mica.

"Gano'n din ang nasa isip ko, sa totoo lang. Nakakatakot at mukhang delikado din." Napabuntong hininga ako.

"Wala namang nasaktan sa inyo, 'di ba?" Tanong ko doon sa mga high school students na kasama naming ngayon.

"Hindi naman po kami masyadong nasaktan, mga ate. Naitulak lang naman kami eh." Sagot ng isa sa kanila at napatango kami.

"Buti naman at walang nasaktan sa inyo." Komento ko at tumayo nang may nakita akong nagtitinda ng empanada sa bandang gilid ng daanan.

Lumapit ako sa nagtitinda at bumili ng lima para sa 'ming lahat habang naghihintay. Medyo nagugutom na kasi ako kaya alam kong nagugutom na din sila ngayon.

"Magkano po sa lima, kuya?" Tanong ko sa kaniya.

"50 pesos lang, miss. Anong flavor ang gusto mo?" Sagot niya.

"Limang Ham and Cheese po. Hiwa-hiwalay po ah. Salamat." Sagot ko at kumuha na siya ng empanada at nilagay na 'yon paisa-isa sa isang maliit na paper bag.

Pagkabigay niya sa 'kin ng empanada ay agad ko siyang binayaran at bumalik na sa pwesto namin kanina.

"Ito oh. Para hindi tayo magutom habang hinihintay natin ang kaibigan niyo." Sabi ko at inabot sa kanila ang mga empanada.

"Bakit hindi pa po kayo umalis, ate? Hindi naman sa pinapa-alis na po namin kayo pero ayaw po namin na maistorbo pa po kayo nang dahil sa 'min." Komento ng isang estudyante.

"Kasi gusto namin kayong samahan na muna dahil baka hanapin kayo ng mga lalaking 'yon." Sagot ni Mica at kumagat na.

"Thank you po talaga, mga ate." Sagot nila ng sabay-sabay at kumain na kami ng tahimik habang hinihintay ang kaibigan nila.

•*•*•*

Pagkalabas no'ng isang high school student ay umalis na kami ni Mica at nag-ikot na ulit sa buong campus.

"Bakit nga pala dito ka nag-enroll kung kailan ga-graduate ka na?" Tanong ni Mica sa 'kin habang naglalakad sa gitna ng hallway.

"Lumipat kasi kami eh. Kaya pinalipat ako ng school." Sagot ko naman sa kaniya. Habang tumitingin sa paligid ay mine-memorize ko na rin lahat para hindi ako maligaw sa susunod.

"Ikaw? New student ka lang din ba?" Tanong ko naman sa kaniya at tumango siya sa 'kin. Napatawa siya ng mahina at napakamot sa ulo niya.

"Nabu-bully kasi ako sa dati kong school kaya ako lumipat dito." Sagot niya sa 'kin at napabuntong hininga.

"Bakit naman? Ano 'yong sinasabi nila?"

"Nabu-bully ako dahil sa kami ang pangalawang pamilya ni mommy. Nakipaghiwalay kasi siya sa dati niyang asawa at hindi ko alam kung ano ang dahilan. Ayaw niyang sabihin eh." Napatango ako.

Hindi na lang ako nagtanong pa dahil mukhang komplikado ang tungkol sa pamilya niya dahil sa nakaraan nito. Pero sana ay maging okay din siya at kung may problema man ay sana kausapin niya ko bilang kaibigan.

"'Yong tungkol nga pala sa sinasabi mo kanina, 'yong tungkol sa grupo ng kalalakihan. Anong meron pala do'n?" Tanong ko nang naalala ko na 'yong gusto niyang i-kwento sa 'kin kanina bago magsimula ang klase.

"Oo, tama! 'Yon nga. Narinig ko kasi kaninang umaga na may grupo daw ng kalalakihan dito na nangbu-bully kapag may humarang sa dinaraanan nila kahit na dito lang sa hallway." Pagku-kwento niya at agad ko siyang hinila sa tabi dahil sa may mababangga siyang lalaki.

"Aah! Anong meron, Silence?" Tanong ko at tinuro ko sa kaniya 'yong grupo ng kalalakihan. Agad naman siyang yumuko at humingi ng pasensya.

"And the group that you were talking about is already in front of you." Malamig na saad ng lalaking nasa harapan namin.

Napayakap naman ako kay Mica dahil sa sobrang kaba. Mahal ko pa buhay ko at ayokong mamatay. Naramdaman ko naman na nanginig bigla si Mica dahil sa takot.

Napatingin ako do'n sa isang lalaki na nasa harapan ng mga kasama niya dahil sa pamilyar siya sa 'kin. Saan ko nga ba ulit siya nakita? Mukhang nakita ko na siya dati pero hindi ko maalala kung saan o kailan.

"What are you looking at?" Tanong niya sa 'kin nang nahuli niya kong nakatitig sa kaniya. Iniwas ko agad 'yong tingin ko dahil sa nakakatakot siya.

"S-sorry. Alis na kami." Sabi ni Mica at hinila na niya ako. Lalagpas na sana kami nang bigla akong hinawakan nung lalaki sa braso.

Napatingin ako sa kaniya at pilit kong tinanggal 'yong kamay niyang nakahawak sa braso ko pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak do'n.

"We're not done yet." Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Ayoko talaga ng gulo. Please lang, paalisin niyo na ako dito. Parang awa niyo na.

"K-kailangan ko ng umuwi sa 'min. Kaya bitiwan mo na ako." Sabi ko at sapilitan kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

No'ng natanggal ko na 'yong kamay niya ay susugurin na sana niya ko nang agad siyang napigilan ng isa sa mga kaibigan niya.

"Dude, don't. She's only a girl, okay? Calm down. Umalis na kayong dalawa. Ako na ang bahala sa kaniya." Sabi ng kaibigan niya sa 'min.

"S-salamat." Sabi ko at naglakad na kami paalis mula sa lugar na 'yun.

THIRD PERSON

Nang naka-alis na sila Aiko ay agad na tinulak no'ng lalaki 'yong pumigil sa kaniya. Agad naman pinigilan pa ng tatlong lalaki 'yong isa bago pa silang mag-away.

"Pain, don't ever dare hurt a girl." Sabi ng lalaking pumigil. Sinamaan siya ng tingin ni Pain at hindi na pinansin pa.

"That girl. I swear that I'm going to get even with her." 'Yon na lang ang sinabi ni Pain at naglakad na siya paalis mula sa lugar na 'yon.

Napatingin silang lahat sa isa't isa. Napabuntong hininga naman ang isa sa kanila at napa-iling na lang.

"Anong plano mo sa kapatid mong 'yon, Chain?" Tanong ng isa sa kanila. Napangisi na lang si Chain at napa-iling.

"I think; he needs to learn a lesson. I'll be playing from the shadows as their destiny itself." Nakangising saad ni Chain at naglakad na siya paalis.

Napatingin 'yong tatlo sa isa't isa at walang naintindihan sa magkapatid.

••••• END OF CHAPTER 2. •••••

His Own Possession (HOP Series #1)Where stories live. Discover now