"Paano ka nakapasok dito sa bahay ni Jem, Danica? Sagutin mo ako ng maayos kung ayaw mong paduguin ko 'yang nguso mo."

Hinila ko si Ariella palayo kay Danica na umiiyak na. Baka kasi totohanin ni Ariella ang banta niya kung hindi ko siya ilalayo.

"Kumalma ka nga. Lalo siyang hindi magsasalita kung tatakutin mo pa siya," awat ko sa kanya. "Kapatid mo pa rin siya."

"Oo, kapatid ko siya. Pero hindi ibig sabihin n'on kukunsintihin ko siya sa mga pinaggagagawa niya. Ang girlfriend mo ang naiipit dito kaya gagawin ko ang tama kahit magkasakitan kami. Wala na sa lugar ang obsession niya sa 'yo at kailangan na iyong matigil."

"Elle..."

"I need to do what I have to do. Kahit pa na ipasok ko siya sa mental institution."

"Iniisip mo bang baliw ang kapatid mo?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

"Bakit? Hindi pa ba kabaliwan itong ginagawa niya? Pumasok siya sa pamamahay mo ng walang paabiso man lang. Hindi gawain ng matinong tao 'yon."

Napakamot na lang ako sa ulo saka sumusukong itinaas ang dalawang kamay. "Okay. Sige. Pero wag mo na lang siyang takutin."

Naiiling na lang si Ariella nang bumalik siya sa sala. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano ba itong gulong pinasok ko?

Napalingon ako sa hagdan nang mapansin kong pababa doon si Richiel. Ligo at bihis na siya suot ang uniform niya.

"Ihatid na kita?" tanong ko sa kanya pagbaba niya ng hagdan.

"Hindi na. May mga dapat pa kayong pag-usapan. Tsaka maaga pa naman. Hindi ako male-late," nakangiting sabi niya.

"Kumain ka muna ng breakfast."

"Ayos lang ako. Sa Metro na lang ako kakain."

"Hindi. Gagastos ka lang. Dalhin mo na lang ang niluto ko at iyon ang kainin mo."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at hinila ko siya papuntang kusina. Tahimik na sina Eunice, Ariella at Danica sa sala. Mukhang tapos na ang usapan nila. Tinapos ko na muna ang paghahanda ng baon ni Richiel saka hinatid siya sa pinto.

"Ako na ang maghahatid sa kanya. Kung okay lang sa 'yo," suggest ni Eunice.

"Ayos lang sa akin. Sa 'yo ba, Rich? Okay lang?" tanong ko naman kay Richiel.

"Oo. Ayos lang."

Nginitian ko lang siya saka hinalikan siya sa labi. "Mag-ingat kayo."

Hinatid ko na lang sila ng tingin sakay ng sasakyan ni Eunice hanggang sa mawala na sila sa paningin ko.

"Jemimah."

Nilingon ko si Ariella na nasa likod ko na pala. Tinuro niya si Danica na nakatingin sa akin. Tumango na lang ako at pamasok na sa loob. Ang daming bagay na dapat nang linawin.

Sana matapos na ito. Ayaw ko na nagkakagulo kami.

* * *

"G-gusto kita. G-gustong-gusto na kita noon pa man. K-kaya nagbabakasakali pa rin ako kahit alam kong m-masasaktan lang ako. P-pasensya na."

Napakamot na lang ako sa ulo ko pagkatapos mag-confess ni Danica sa amin ni Ariella. Hindi ko alam kung ano ang iisipin o gagawin sa totoo lang.

"Hindi ito ang unang beses na nanggulo ka kina Jemimah, Danica. Masaya ka ba pag nakikita mong nag-aaway sila dahil sa 'yo?" nagpipigil na tanong ni Ariella.

Bigla namang ngumisi si Danica. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi."

Hindi makapaniwalang napailing ako. Wala na talaga sa lugar ang pag-iisip ni Danica. Ano ba ang nagawa ko at naging ganito ang taong itinuring kong kapatid?

"Tinutulak mo talaga ako sa sukdulan, ikaw na babae ka!" At tuluyan nang naputol ang pisi ni Ariella. Kung hindi pa ako humarang sa harap niya malamang ilang katakot-takot na sampal ang aabutin ni Danica. Alam ko kung paano magalit si Ariella. Kahit papaano naman may pakialam ako sa kanila.

"Huwag na. Wala ka nang pinagkaiba sa kanya kapag pinatulan mo pa siya," bulong ko sa kanya.

"Fuck that! I will teach her a lesson and you can't stop me!" sigaw niya habang pumipiglas.

Wala na akong nagawa nang makaalis siya sa kapit ko at walang pakundangang sinampal si Danica. Sakto namang dumating si Eunice kaya pareho naming napigil ang dalawa.

"Tama na, Elle! Walang naitutulong ang pagwawala at pananakit mo kay Danica. None of us wanted this so stop acting like bullshit!" sigaw ko na sa kanya. Nawala na rin ang tinitimpi kong pasensya.

"She needs to pay for this! Pati tayo nagkakaaway na dahil sa kanya! I knew I shouldn't have let her in when she arrived at our doorstep! Gulo lang ang idinulot niya sa atin!"

"Gulo na ginagatungan mo pa! Sa tingin mo ba maaayos natin ito kung nagsisigawan tayo at nagpapataasan ng pride?! Walang kuwenta ang Ph.D. degree at pagiging university professor mo kung ganyan ka naman pala!"

Doon na siya natigilan saka mataman akong tinitigan sa mga mata. Kapagkuwan ay umiling-iling siya saka napasabunot sa sarili.

Wala nang ingay sa buong kabahayan bukod sa paghikbi ni Danica habang patuloy naman si Eunice sa pag-alo sa kanya. May ilang beses pang nagpabalik-balik si Ariella habang kagat-kagat ang kanyang kuko sa hintuturo. Usual mannerism na niya iyon kapag malalim siyang nag-iisip.

"Isa na lang ang naiisip kong solusyon," maya-maya ay sabi ni Ariella pagkaharap niya sa amin.

Kinabahan ako. Parang alam ko na kung saan hahantong ang usapang ito.

"I'm taking Danica into a mental institution. And that's final."
* * * 

Nakakabaliw pala talaga ang pag-ibig, 'no?

A's answer: "Nako! Sinabi mo pa! Kaya nga baliw na baliw ako sa 'yo, eh!"

Pashnea ka A! Ha-ha! Kung di lang kita... Nako ka!!! Hi-hi!! XD

Ang inyong parang tanga kung kiligin na otor...

-Jamie ^^

See You Again (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now