Chapter 1.

8.6K 118 0
                                    

Date Published: February 6, 2017
Final Re-Published: July 20, 2019

CHAPTER 1.

AIKO'S POV

~ WEDNESDAY, 6 PM. ~

Halos tatlong araw na ang nakakalipas simula nang nakarating kami dito sa Canada. Next month na sana ang graduation namin pero hindi kami makaka-attend dahil sa nangyari.

Kinausap ko si Mike tungkol doon at sabi niya ay ipapadala na lang daw ng school dito sa'min ang mga diploma namin at kung may awards man ay ipapadala na lang din nila ang mga medal namin dito.

Nandito ako sala ng bahay at nagbabasa ng libro habang hinihintay si Mike na umuwi mula trabaho. Ala-sais pa lang naman ng gabi kaya maaga pa.

Tumayo na ako hinimas ang ulo ni Shaky - siya ang alaga naming husky. Pagkarating namin dito ay agad bumili ng aso si Mike para daw hindi ako masyadong malungkot dito habang nasa trabaho pa siya.

Tumakbo naman palapit sa'kin sila Uno, Dos, Tres at Hasty. Limang husky nga pala ang binili ni Mike para magbantay sa'kin. Lahat sila ay nagkumpulan sa pwesto ko.

"Haha! Tama na. Sige na. Yayakapin ko na kayong lahat." Saad ko naman sa kanilang lahat pero nagkukumpulan pa rin sila.

"What the hell?!" Napatingin ako sa direksyon ng nagsalita at nakita ko si Mike at may kasama siyang babae. Ngayon ko lang nakita 'yong babae. Sino kaya siya? Kliyente kaya siya ni Mike?

Tumakbo palapit sa kaniya 'yong mga aso at sinunggaban siya ng yakap. Halos ma out of balance si Mike at natawa ako. Narinig kong tumawa din ng malakas ang kasama niyang babae,

Tumayo na ko mula sa sahig at pinagpag ang sarili ko. Lumapit ako sa kanila at tinignan ako ng babae at nginitian niya ako.

"Hello. Ako si Aldea Soultrei Aldous Arcana. Pinsan ko si Mike." Nakangiting saad ng babae. Nakipagkamay ako sa kaniya at ngumiti pabalik.

"Hello din. Ako si Silendence Aiko De Asis." Saad ko naman. "Mas maganda ka pala sa personal. Nakita ko kasi 'yong picture mo sa-" Agad namang tinakpan ni Mike ang bibig niya.

"Saan ako may picture?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung ano ang sasabihin niya. "Just, let me live okay?" Saad ni Mike at tinanggal na niya 'yong kamay niya mula sa bibig ni Aldea.

Pumasok na sila sa loob at sinara na ni Mike ang pintuan. Umupo sila sa sofa at agad akong pumunta sa kitchen para kumuha ng maiinom.

"Love, you don't need to do that. Stay here. We're fine." Rinig kong saad niya. "Pero kakarating niyo lang at baka nauuhaw kayo." Kumuha na ako ng tubig at binigay sa kanila 'yon.

Hinawakan ni Mike ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya at pina-upo sa kadungan niya. "M-Mike, ano ba?! 'Wag dito sa harap ng pinsan mo!" Nakita kong napa-iling si Aldea.

"Mike, hindi ko siya aagawin sa'yo, okay? Nandito lang ako kasi gusto ko siyang makilala para naman may maikwento ako sa kanila." Saad ni Aldea.

"I am doing this for you to go now. You're disturbing us." Sagot ni Mike. "A-ahmm... P-pagpasensyahan mo na lang. Ganiyan talaga siya eh." Nahihiya kong saad.

"Don't worry, Aiko. It's okay. I understand. To be honest, gusto ko rin makita ang reaksyon niya eh para naman maikwento ko rin sa iba pa naming kamag -anak." Nakangiting sagot niya.

"To be honest? Ito 'yong unang pagkakataon na nakita kong ganito siya sa isang babae." Nakangiti niya pang saad. "Thank you for making him human again."

"Wala 'yon." 'Yon na lang ang nasabi ko. "I want you for my cousin. Ang gusto lang naman namin ay maging masaya siya at makasama niya ang taong gusto niya." Nakangiting sagot niya.

"Paki-alagaan 'yang lalaking 'yan. Kahit na medyo basagulero at masungit 'yan ay mabati 'yan at aalagaan ka." Tumayo na siya.

"Ako na ang bahala sa kaniya. 'Wag ka nang mag-alala pa." Sagot ko naman. "Una na ko at baka hinahanap na ko nila Alfonsé." Naglakad na siya paalis.

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin mula sa likod. "Mike, kain na tayo." Bulong ko sa kaniya.

"Later. For now, let me spoil you." Bulong niya ay hinalikan ako sa leeg. Natawa naman ako ng mahina dahil sa nakiliti ako sa ginawa niya.

"Kamusta na kaya sila sa Pilipinas?" Tanong ko. "They're fine, for now. But..."

"But...?"

"There are rumors that there are people who want him to put out form the prison." Napatingin ako sa kaniya. "Bakit naman?"

"They want him, of course. He has a lot of activities from the underground without us knowing." Sagot niya. "Underground?"

"Black market. He's selling a lot of drugs, prostitutes and body organs. He has a lot of connections there and because of that his subordinates want him out." Paliwang niya.

"Alam ba nila mommy ang tungkol do'n?" Umiling siya. "What do you expect from a user and a criminal? Of course, he's not going to tell them." Sagot niya.

"Part ka ng mafia diba? Nagbe-benta ka rin ba ng mga gano'n?" Umiling ulit siya. "Only weapons." Sagot niya.

"Mike, pwede bang itigil mo na 'yan 'pag ayos na ang lahat? Ayokong mapahamak ka. Ayokong may mangyari sa'yong masama." Sabi ko.

"I understand, love. Don't worry. I'll stop this once and for all if this is all over." Hinalikan niya ko sa labi. Tumayo na ako at hinila na siya patayo.

"Tara na. Kain na tayo." Pag-aaya ko at pumunta na kami sa kitchen.

THIRD PERSON'S POV

Nakauwi na si Aldea sa bahay nila at agad siyang sinalubong ng isang lalaki na naka uniform ng pang dentista.

"Welcome home. Saan ka galing?" Saad nito. "Kay Mike. Ang ganda ng fiancé niya at ang bait pa." Sagot ni Aldea.

"Si Mike? May fiancé? Himala, nagseryoso siya ngayon." Saad naman ng lalaki. "Son, daughter, let's eat." Saad naman ng tatay nilang dalawa.

"Yes! And I have a lot of stories to tell you, dad." Pumunta na sila sa hapag kainan at kinuwento na ni Aldea ang mga nangyari sa araw na 'yon.

=== END OF CHAPTER 1. ===

His Own Possession 2: Still Loving You (HOP Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon