6: The Wrong Idea

2.9K 94 5
                                    

CHAPTER SIX

|Sofia|

Ramdam ko pa rin ang mainit na hininga niya sa leeg ko. Kung paano niya ito dilaan, halikan. Napahawak ako sa parteng iyon. Biglang nag-init ang pakiramdam ko. Naman! Bakit ba hindi ko maalis ang nangyaring iyon!

Sinabunutan ko ang sarili ko at napahiga sa kama ko. Oh well, good thing dahil sabado ngayon at wala akong trabaho. Paano na lang kaya kung meron? Parang kahapon lang yung mga pangyayaring iyon. Good thing nga ay nagawa ko pang makasurvive nitong mga nakalipas na araw. Tsk.

"Yah! Sabi kung ako na eh!"

"Pero baka makakasama sa iyo at sa--"

"I'm not a kid anymore!"

"I know!"

Napabangon naman ako sa kama ko ng wala sa oras. Kelan ba tatahimik ang pamamahay na ito? Halos araw araw na lang eh palaging maingay. Kapag gabi lang ang tahimik. Literally. Bumaba ako papunta sa kusina para tignan ang dalawa. Yung kaibigan kung si Ella at si James. Baka kasi nagpapatayan na yung dalawa ngayon pa't dito ko na pinatira si James. Oh yeah, kailangan rin naman ng alaga ng kaibigan ko noh. Ang laki naman ng bahay na 'to for us. And also, alam na ng parents nila ang tungkol sa kanila at wala na rin daw silang magagawa dahil andoon na! Oh see! Kahit parents go na go. Lalo na sa magiging baby nila! Ahahaa.. I'm so excited! Magkakapamangkin na ako!

Nakarating ako doon at nakita kung nakaupo si Ella sa isang maliit na upuan at nasa harapan nito ang isang palanggana habang si James eh nasa tabi niya na para bang gustong pigilan si Ella kaso hindi niya magawa. Oh, ano naman ang trip ng buntis na to.

"Anong ginagawa mo diyan Ella?"

Sabay silang napalingon sa akin kaya nilapitan ko sila. Laking gulat ko na may hawak itong mga damit.

"Are you washing your clothes?" I asked.

"What do you think?" Ibinalik niya ang sarili niya sa paglalaba. Nilapitan ko siya at hinila patayo.

"G*ga! Makakasama yan sa bata!"

"Duh! Three months pa lang naman to eh!" Sabay kuha niya ng kamay sa akin. Babalik sana siya sa pagkakaupo niya ng sinenyasan ko si James na unahan siya. And good thing, mabilis ang mga lalaki.

"Hoy James! Umalis ka diyang kung ayaw mong mapalayas kita dito!"

Hindi siya pinansin ni James at itinuloy ang paglalaba.

"James! That's my own clothes! I can wash them with my own hands!" Singhal nito habang itinulak-tulak pa niya si James. Ito namang si James eh hindi nagpapatalo.

"James ano ba!"

Napasapo na lang ako sa noo ko. Mga isip bata. Kinuha ko ang kamay ni Ella at hinila siya paalis ng kusina. May washing machine naman. Ano ba ang trip ng dalawa bakit kailangan pang i-handwash?

"Ano ba?" Palag niya.

Ng tuluyan na kaming nakarating ng sala ay hinarap ko ito.

"Alam mo parang di ka buntis sa mga kilos mo eh!" Panenermon ko.

"So ganun? Pag buntis hindi na pwedeng magtrabaho?"

"Oo! Mas maganda na yung nag-iingat"

"Eh ano naman ang gagawin ko aber?"

"Ugh!" Hindi ko na nakayanan ang inis ko kay Ella. Naku! Itong babaeng 'to.

"Oh 'di tara! Mag-mall tayo" umalis ako sa harapan niya at nagsimulang maglakad. Baka kasi hindi ako makapagtimpi at matulak ko siya. 'Di joke lang. Ganun na ba ang mga buntis? Palaging umiinit ang ulo?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Boss Kong BampiraWhere stories live. Discover now