2. The Plan

4.1K 130 11
                                    

Chapter Two: The Plan

|Sofia|

"Oh? How's your first day?" biglaang tanong ni Ella pagkarating na pagkarating ko sa condo.

"Nakakasurvive naman kahit papano" kaagad kung itinapon ang sarili ko sa sofa na inuupuan niya. Grabe, nakakapagod. Hindi ko inaasahan 'to.

"Ba't naman kasi napili mong maging private secretary? Pwede ka namang maging empleyado lang.."

"Ba't naman kasi napili mong maging empleyado? Pwede ka namang maging Chef.." balik tanong ko.

Bigla akong nakaramdam ng palo sa braso ko. "Aray naman!" napatingin ako sa kanya na kasalukuyang nakatingin sa akin ng masama. Ang laking isyu talaga nito sa aming dalawa. Napabangon ako sa pagkakahiga ko sa sofa at sinamahan siyang manuod ng TV.

"So ano na? How's your day? Kwento ka dali." bigla niya akong hinarap at tiningan na para bang sabik na sabik sa kwento. Nakayakap siya sa isang unan at itinuon lang ang atensiyon sa akin. Napabuntong hininga naman ako doon. Bigla naman akong namula. Tae! Bakit ba nagkakaroon nang dahilan para maalala ko iyon! Napakagat labi ako.

"Uy! Bakit namumula ka!" tanong niya.

"'W-wala." sh-t naman oh.

"Dali! Kwento na!" excited na sabi nito. Napabuntong hininga ako. Hindi niya talaga ako titigilan nito. Bahala na.

Inumpisahan kong ikwento sa kanya ang mga nangyari kanina. Mula sa umpisa hanggang sa makalabas ako nang opisina nito.

"KYAAAAAAHHHH!!!! OMYGOSH SOF!!" kinikilig na sigaw niya. Pinaghahampas niya ako nang hawak niyang unan. Naku, ito na.

"ANO BA! PARANG HINDI MASAKIT EH!" singhal ko. Pero parang wala itong narinig. Mabuti naman at tumigil siya sa paghahampas sa akin ng unan pero hindi niya naman ako tinantanan nang tanong.

"Omygosh Sof! So, ano ang nakita mo? C'mmon. Share it!" excited na tanong nito.

"Ano bang klaseng tanong 'yan Ella." nahihiyang sabi ko. Gosh! Sana pala hindi ko na sinabi sa kanya. Kasi naman eh, hindi naman po niya ako titigilan kapag hindi ko sasabihin. Kilalang-kilala niya ako.

"What? May masama ba? Dali na kasi." pamimilit niya. "Ano, malaki ba? Mahaba? Estimate mo kung gaano kahaba. Magaling ka naman sa math. Anong kulay? Dali! Ishare mo na!"

"ELLA NAMAN EH!" parang ako ang nahihiya sa pinagsasabi niya. Ikaw kaya tanungin nang ganoon. Mabuti na lang pala ay dalawa lang kami dito sa bahay. Naikagat ko na lang nang mariin ang labi ko.

"Bakit ba? Natural lang naman 'yan eh!"

"Ewan ko sa iyo! Ba't ba interesadong-interesado ka?" tanong ko.

"Duh! Si sir Ian iyon! And to think na isa pa siyang Mayordragon---na nakikisabay ngayon sa mga sikat na bilyonaryo sa industriya. Idagdag mo pa na isa siyang sikat na businessman in the country and Eurasia. Kaya maswerte ka dahil ikaw ang naging sekretarya niya! no! Scratch that, private secretary! Naku Girl! I'm so proud of you.. Ang to think na nakita mo pa siyang hubad at nakipagkantu---"

Wala sa oras na itinakip ko ang kamay ko sa bibig niya. "SH-t ka Ella. Bibig mo! Parang hindi ka babae!"

Malakas niyang inalis ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig niya. "Bakit ba? May masama ba sa sinabi ko? Sofia naman, nasa 21st century na tayo! Natural na ang salitang iyon."

"Ewan ko sa iyo." hinayaan ko na lang siya.

"So ano nga? Nakita mo ba?"

Pvtang-na. Hindi ba siya titigil? Ako na nga ang nahihiya sa nakita ko.

Ang Boss Kong BampiraWhere stories live. Discover now