4: The Arrogant

3.3K 104 2
                                    

CHAPTER FOUR

Sofia



Bampira...

Sila yun mga nilalang na umiinom ng dugo ng mga tao. Sila yung mga nilalang na sinasabing walang kamatayan, panghabang-buhay na kabataan, takot sa sikat ng araw, at kung ano-ano pa.

Mahigit dalawang buwan na rin ang nakakalipas ng malaman ko ang sekreto ni Mr. Mayordragon. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay ni isang mga kahinaan niya ay wala pa rin akong nalalaman. Hindi ko naman siya matanggihang hindi niya ako gawing sekretarya niya---or I should say na isa na akong Vampire secretary---dahil na rin sa ginawa niya kaming hostage ng kaibigan ko. Paano na lang siya kung ipapatalsik niya talaga kami diba? Kung sa akin ay okay lang dahil may babalikan pa ako pero papano naman ang kaibigan ko?

Nagpatuloy nalang ako sa ginagawa ko. Kinuha ko yung schedule planner ko at chineck kung may namiss ba ako.

"Uy! Sofia, pinapatawag ka ni Boss"

Napatingin naman ako kay Grace. Nakagesture siya sa bandang opisina ni Sir dahilan para mapatingin ako doon.

"Ah sige salamat" tumayo na ako sa kinauupuan ko at dinala ang schedule planner ko. Baka kasi magtanong mahirap na. Hindi ko naman alam kung anong kailangan niya sa akin. Kani-kanina ay chineck niya rin ang schedule niya sa akin.

Hindi pa rin ako nakakaalis sa department na kinaroroonan ko dahil sa pansamantalang kagustuhan ni sir Ian. Sus, maniwala ako, ang ibig sabihin niya, para hindi siya maistorbo sa mga kababalaghang ginagawa niya sa mga babae niya!

Nasa harapan ng opisina sir kaya agad akong nagsalita sa intercom. Nang marinig ko siyang nagsalitang 'pasok' ay pumasok na ako kaagad.

"Sir, pinapatawag niyo raw po ako?"

Nakita ko siyang nakatalikod at tila may tinitignan sa sulok ng mga dingding. Kaagad niya rin naman akong hinarap at tinignan ako. Nakaramdam na naman ako ng kakaiba na tila sinusuri niya ang pagkatao ko.

"Naghahanap ka ba nang mga kahinaan ko?"

Tanong nito dahilan para magtaka ako. Kahinaan? Ano namang ibig sabihin niya doon? May kinuha siyang mga libro sa desk niya na ngayon ko lang napansin. Ipinakita niya ito sa akin. Kahit na malayo ako doon ay tila pamilyar ang mga iyon. Saan ko nga ba nakita iyon?

"Try to look at it" sambit nito with matching gesture pa na lumapit ako. Kaya lumapit rin naman ako sa kinaroroonan niya at napatingin sa mga librong nasa desk niya. 'Vampires', 'The Immortals'. Bigla kong kinuha ang mga iyon na tila itinatago pa sa kanya. Kaya pala pamilyar eh ito yung mga libro na hiniram ko pa sa library. Paano naman napunta ito dito?

Napatingin ako sa boss ko ng dahil doon. Doon ko siya nakita na nakatingin rin siya sa akin.

"Do you have a plan to escape?" Tanong nito. "No.." kaagad kung sagot. "Tinanggap ko ho ang alok niyong maging sekretarya niyo kaya ginagawa ko ho lang ang dapat kung gawin. Ayoko ho na may mali akong magawa sa trabaho ko kaya naghahanap na ako ng mga dapat at di dapat sa isang katulad mo Sir."

Tinignan niya lang ako ng ilang segundo at tinalikuran ako tapos hinarap ulit. Bale parang umikot lang siya gamit ang swivel chair niya. "Well, do what you want to do." Sambit nito at inihinto ang sarili sa ginagawa niya. Nakadekwatro ito at nakapatong ang isang kamay sa upuan while ang isa ay nasa bandang baba niya.

"Even how many times you'll read it, its no use" sambit nito habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nakatingin siya ng mata sa mata sa akin. Tila ba may hinuhukay siya sa katauhan ko. Napaiwas naman ako ng tingin habang yakap yakap ng maigi ang mga librong nasa braso ko. Pakiramdam ko eh namumula ako ngayon.

Ang Boss Kong BampiraWhere stories live. Discover now