5: The Delicacy

3.2K 109 16
                                    






CHAPTER FIVE

|Sofia| (Continuation)

"Sofia?"

Napaangat ako ng tingin ng wala sa oras. Bigla akong napatayo ng makita ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko.

"Sir Mike?" Masaya kung bati.

"Nandito ba si Ian?"

Ah? Yung malanding lalake? Bakit mo siya hinahanap? Napailing naman ako kaagad sa katanungan niya.

"Wala po eh.. Kakababa niya lang po kasi"

"Saan papunta?" tanong nito.

"Hinatid yung babae niya" pabulong kung sagot. "Ano? Di ko marinig?" Napatingin naman ako kay sir Mike at ngumiti. "Ang sabi ko po, hinatid niya po yung bisita niya"

Tumango-tango naman ito. Napabuntong hininga ako, mabuti na lang at hindi niya narinig iyon.

Bigla itong tumalikod sa akin at lumabas ng department. Sinundan ko siya nang tingin at mukhang papunta siya sa opisina ni sir Ian. Kaagad akong umalis sa cubicle ko at sinundan si sir Mike.

Mukhang nagulat naman ito nang makita ako. Pero kaagad naman siyang nakarecover.

"Nakakasanayan mo na ba ang ugali ng kapatid ko?" tanong nito sa akin habang hinihintay naming bumukas ang elevator.

Si Sir Ian? Hmm. Hindi.

"Uhm.. Medyo po" kahit naman na hindi. Iyong lalaking iyon makakasanayan ko? Pumuti na siguro ang uwak maniniwala pa ako. Napansin ko namang napatango ito at napangiti. Napangiti rin ako ng wala sa oras.

Nakarating kami kaagad sa 34th floor at kagaad na pumasok sa opisina ni sir. Dumiretso ako kaagad sa kusina at kumuha nang tubig. Bumalik ako sa opisina ni sir Ian at nakita ko si sir Mike na nakasilip mula sa nakatakip na glass wall nang opisina ni sir Ian.

"Sir Mike tubig.." napalingon siya sa akin at ngumiti.

Siya si Sir Mike. Ang nakakatandang kapatid ni Sir Ian. Hindi katulad ni Sir Ian---arogante, babaero o anumang bad traits na nasa kanya---ibang iba si sir Mike. Kabaliktaran ng paguugali ni sir Ian si sir Mike. Mabait, caring, basta, lahat ng good traits eh napunta sa kanya. Minsan nagtataka nga ako na magkapatid ba talaga sila dahil sobrang layo ng pag-uugali nila. At isa pa, bampira si sir Ian---biglang nabuo ang katanungan sa isip ko. Posible kayang bampira rin si sir Mike? Pero sa pagkakaalam ko, mukhang hindi bampira ang tatay nila, pati na rin siya. Kasi nga hindi rin sila allergic sa araw. Pero, ano naman ang koneksiyon nila sa mga bampira? Bakit sila magkapatid kung bampira si sir Ian at si Mike ay hindi?

"Sofia?"

Napabalik ako sa wisyo ko ng mapansin kung sobrang lapit na ng pagmumukha ni sir Mike sa pagmumukha ko. Kaagad naman akong napaatras ng wala sa oras at napaupo sa lamesang nasa likuran ko.

"Ah.. Sorry, nagulat ba kita?" tanong niya. Napailing ako ng wala sa oras. "A-ah? Hindi naman po" nakangti ko pang sagot. Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng wala sa oras.

"May sakit ka ba?" Tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Po?"

Lumapit ito sa kinaroroonan ko dahilan para mapaatras ako ng kaunti. Anong gagawin niya? Bigla niyang inangat ang kamay niya at ipinatong sa noo ko. "Namumula ka eh?"

Kaagad kung kinuha ang kamay niya sa noo ko. "Ahehe..don't mind me sir Mike. Okay lang po ako"

"Sigurado ka?"

"Opo! Opo!" mabilis kung sagot. Halatang hindi siya kumbinsido kaya tumango na lang siya. Ngumiti ito at pinagmasdan ako. My gosh! Pinagmasdan talaga?

Ang Boss Kong BampiraWhere stories live. Discover now