Kapitulo I - Panaginip

15.6K 290 20
                                    

Unti-unti na ang paglubog ng araw, kasabay nito ang walang tigil na pagpatak ng kanyang pawis. Malayo na rin pala ang kanilang narating. Tila malapit na sila sa gitna ng masukal na kagubatang ito. Hindi niya alam kung bakit siya sumama, ngunit alam niyang dapat siyang magtiwala sa kanyang mga kaibigan. Hindi naman siguro nila magagawang ipahamak siya di ba?

Ilang oras na ang nakakalipas nang mapansin niyang tila naliligaw na sila. Napatunayan niyang tama nga ang kanyang hinala nang sumang-ayon ang isa sa kanyang mga kasama. Kaya naman sinubukan nilang bumalik sa kanilang pinanggalingan. Muli silang naglakad patungo sa isang daang puno ng mga makahiyang muling tumiklop ang mga dahon dahil sa kanilang pagdaan.

"Nasaan na ba tayo?" tanong niya sa kanyang mga kasama ngunit tila wala silang naririnig. Pawang kakaibang ngiti ang itinugon nila sa kanyang tanong kaya agad siyang kinabahan sa kanyang napansin. Kabang tila wawasak sa kanyang dibdib.

"'Di na tayo babalik?" biglang sabi ng isa sa kanyang mga kasama.

"Ha?" Nagulat siya sa kanyang narinig. Ano ba'ng nangyayari? Bakit hindi na sila babalik sa kanilang camp site? "Hahanapin tayo ni Mrs. Carmona...." giit niya.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niyang pinalibutan siya ng kanyang mga kasama.

"'Di kami pwedeng umuwi hanggang 'di namin nagagawa ang dapat naming gawin..." sabi ng pa ng isa sa kanila, na mistulang lider ng kanilang grupo.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?" naguguluhang niyang tanong.

Hindi na muling sumagot ang kanyang mga kaharap. Bagkus ay agad siyang sinipa sa tiyan ng isa sa kanila kaya marahas siyang bumagsak sa lupa. Ilang beses naman siyang sinuntok ng kanilang lider kaya walang siyang nagawa kundi tiisin ang sakit na dulot ng mga iyon.

"Tama na! Tama na!" sigaw niya, "Ano ba'ng nagawa ko sa inyo?"Duguan na ang kanyang ilong at bibig. Pati na rin ang kanyang tuhod dahil sa pagtama nito sa mga bato sa kanyang paligid.

"Tulong!"Sinubukan niyang muling sumigaw sa pagbabasakaling may makarinig sa kanya.

"Walang makakarinig sa'yo!"

"Tama na...Tama na!"Kahit anong pagmamakaawa niya sa mga ito ay hindi pa rin nila tinitigilan ang pambubugbog sa kanya. Saan kaya nagmumula ang matinding galit na nag-uudyok sa kanila para gawin iyon sa kanya? Ano ba'ng nagawa niyang mali?

Hindi sila tumigil hanggang hindi natitiyak na wala na siyang malay. Basta na lamang siyang iniwang nakadapa sa damuhan nang masiguro nilang hindi na siya gumagalaw pa.

Madilim na ang paligid nang siya ay magkamalay. Sa sobrang sakit ng kanyang buong katawan ay hindi na niya nagawang tumayo pa. Kaya gumapang na lamang siya upang makaalis sa gubat na iyon. Makauwi sa kanyang Lola Manay---ngunit hindi na niya nagawa pa...

"AAAHHHH!"

BAKIT kaya tinatawag niya ang pangalan ko?

Sino ba siya?

Bakit ako ang hinihingan niya ng tulong?

Puro katanungan pa rin ang naglalaro sa isipan ni Janina hanggang sa makapasok siya sa kanilang unibersidad. Kahapon, June 29, 2007 ay malungkot niyang sinalubong ang kanyang 20th birthday dahil sa masamang panaginip na dalawang gabi ng gumagambala sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip niya ang mga nakita niya roon.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now