Kapitulo IV - Premonisyon

5.7K 164 9
                                    

Natulala si Luna nang mapanood niya sa balita ang nangyari kay Monique. Hindi siya makapaniwalang napatay ng boyfriend nito ang kanyang amo. Alam niyang mahal na mahal nila ang isa't-isa kaya para sa kanya ay malabong mangyari iyon.

Habang nanonood ay awang-awa siya sa hitsura ni Monique.

"Sorry Monique. Sorry 'di ko sinasadya..."Napatulo na lang ang kanyang mga luha sa sobrang pagsisisi. Napatigil lang siya nang biglang dumating ang kanyang boardmate na si Kristina.

"Luna, may naghahanap sa'yo sa labas." anito na ring lumabas sa kanilang kwarto.

Agad siyang bumaba para puntahan ang kanyang bisita sa labas ng gate. Ngunit nagtaka siya nang wala siyang makitang taong naghihintay doon. Tanging isang puting sobre lang ang nakita niyang nakaipit sa hawakan ng kanilang gate.

"Kanino kaya 'to?" Kasabay ng pagdampot niya ng nasabingsobre ang pagdating ng isang text message.

Its ur payment. Tnx 4 ur heLp...

Nanginginig niyang binuksan ang nasabing sobre na sa kanya pala nakapangalan. Hindi na siya nakapagsalita pa nang makita ang laman nito. Isang kumpol ng pera na nagkakahalaga ng sampung libong piso. Tila alam na niya kung para saan ba iyon. Ang kabayaran sa isang bagay na ginawa niya na may kinalaman kay Monique Enriquez.

"Patawarin mo 'ko Monique..."

Muli na naman siyang napaiyak nang maalala niya kung paano siya napasok sa sitwasyong ito. Ilang araw na rin siyang nakakatanggap ng text messages mula sa taong nanggugulo kina Monique at Enrique. Pinagbantaan siya nito na papatayin kung hindi niya ibibigay ang mga bagong cellphone number ni Monique. Napilitan siyang sundin ang nais nito dahil natakot siyang mapahamak. Isa pa, ilang beses na niya napatunayang sinusubaybayan sila nito. Anumang pagsuway niya sa kagustuhan nito ay siguradong ikapapahamak niya agad.

Sa loob ng halos isang taon niyang pagiging alalay ni Monique ay naranasan niya ang labis na pang-aapi nito. Napilitan siyang tiisin iyon upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Minsan ay gusto na rin niyang ipagtanggol ang kanyang sarili ngunit hindi niya magawa dahil malaki rin ang naitutulong ng perang ibinigay ni Monique sa kanyang pamilya.

"Sana mabigyan ng hustisya ang pagkamatay mo..."

Hindi niya ginusto ang nangyari kay Monique kaya hinding-hindi niya tatanggapin ang kabayarang ibinigay ng taong iyon. Ibibigay na lang niya ang perang iyon sa simbahan upang kahit paano ay mabawasan ang kanyang mga kasalanan.

"BAKIT mo nagawa 'yun sa girlfriend mo?!"

"Pinatay mo si Monique, Riq!"

"Pinatay mo ang anak ko!"

Ang mga katagang ito ang tila nagsisilbing patalim na sumusugat sa buong pagkatao ni Enrique. Siya ang itinuturong suspek sa pagpatay sa kanyang pinakamamahal? Napakasakit tanggapin noon, hindi ba?

Gusto sana niyang makita at mayakap si Monique kahit sa huling pagkakataon, ngunit pinagtabuyan siya ng mga magulang nito sa burol. Buo ang paniniwala nilang kaya niyang patayin ang kanilang kaisa-isang anak.

Mahal na mahal niya si Monique kaya hinding-hindi niya kayang saktan ito. Isa pa tulog siya nang mga panahong iyon dahil sa sobrang kalasingan.

"Kasalanan ko nga..."

Napasuntok siya sa hood ng kanyang kotse nang mapagtanto niyang talaga namang may kasalanan pala siya kay Monique. Labis ang pagsisi niya nang malamang nagalit ito nang makitang nakikipaghalikan siya sa ibang babae. Lasing na siya noon kaya hindi na niya alam ang kanyang ginagawa. Pero alam niyang hindi iyon ang matinding dahilan para saktan niya ang babaeng kanyang minamahal. Kung hindi dahil sa ginawa niya, hindi sana maglalasing si Monique. Hindi sana ito mapapahamak...

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now