Kapitulo X - Amnesia

4.2K 127 3
                                    

"Ayoko na..."

Napayuko na lang si Janina sa kanyang kama nang mapanood niya sa telebisyon ang kasalukuyang pag-iimbestiga sa kamatayan ng isang lalaking nagngangalang Henry Osmenia. Agad namang pinatay ni Xeiya ang telebisyon dahil sa naging reaksyon niya.

"Nina, tama na. 'Wag ka ng mag-alala kasi malulutas din ng mga pulis ang misteryo sa serial killings." payo pa ni Xeira habang hinahaplos ang likod niya.

Ayon sa balita, ang mga alagad ng batas ay aligaga na sa paglutas ng mga sunud-sunod na pagpatay. Isang serial killer ang pinagpapalagay nilang may gawa ng mga ito. Pero wala silang masyadong makalap na mga ebidensya dahil napakagaling nitong magtago ng mga iyon. Isa pa hindi pa rin sila makaisip ng kongkretong dahilan ng pagkakaugnay-ugnay ng mga biktima.

Ilang sa mga naisip nilang koneksyon ng mga napatay ay ang pagkawala ng ilang parte ng kanilang katawan. Ang dalawang tainga ni Monique Enriquez. Ang dila ni Enrique Diaz. Ang dalawang hita ni Lawrence Lozano. Ang dalawang mga mata ni Katrina Ibanez. Ang mga braso ni Henry Osmenia. Halos pare-pareho rin sila ng oras ng kamatayan---alas tres ng madaling araw.

Gulong-gulo na si Janina sa mga nangyayari sa kanya. Sa loob ng limang araw ay limang tao na ang namamatay sa kadahilanang hindi niya pa rin niya alam. "Pero hindi ko na kaya..." giit niya habang umiiyak.

Gusto na niyang malaman kung sino ba talaga iyong kaluluwang nagpaparamdam sa kanya. Ito ba ang pumapatay sa kanyang mga kaklase noon o iyong serial killer talaga.

Gusto rin niyang tumulong sa paglutas ng mga krimeng iyon, pero nagdadalawang-isip siyang lumapit sa mga pulis. Alam kasi niyang hindi siya paniniwalaan ng mga ito kapag sinabi niyang nagpapakita sa kanya ang isang kaluluwa, na nagpapahiwatig ng mga mamamatay niyang kaklase.

"What if may sumunod pa sa kanila?"

Nagkatinginan silang dalawa ni Xeira dahil sa biglang naisip ni Xeiya.

"Tama ka." sang-ayon niya sinabi nito. "Hanggang hindi nahuhuli 'yung serial killer, malamang may isusunod pa siya..." paliwanag pa niya na mas lalong ikinatakot ng kambal.

Dinampot din niya ang kanyang Class Picture at ipinakita sa kanilang dalawa.

"Sino naman kaya sa kanila?" aniya habang isa-isang tinititigan ang mga bawat estudyante ng kanilang section. At bigla siyang kinabahan nang matitigan niya ang kanyang sarili. Siya ang katabi ni Katrina Ibanez, sa bandang kaliwa nito. "---baka ako." aniya na puno ng pag-aalala.

Hinila ni Xeiya ang class picture mula sa kanyang kamay."Ha?! 'Wag ka'ng magsalita ng ganyan Nina." giit pa nito.

"Oo nga, magiging okay ang lahat." paliwanag naman ni Xeira. "Trust God. Tutulungan ka Niya..."

Marahan siya tumango para ikalma ang kanyang sarili. Wala naman siyang magagawa sa ngayon kundi ibaling sa ibang bagay ang kanyang panahon.

Biglang tumayo si Xeira para ibalik ang class picture sa drawer ni Nina. Palapit na siya rito nang mapansin niya mula sa bintanaang isang bagay na nakasabit sa gate ng kanilang bahay.

"Nina, may bouquet ng red roses dun oh." aniya habang dahan-dahang binubuksan ang bintana.

Nilapitan na rin siya ni Xeiya para tingnan kung totoo ang sinasabi ng kakambal.

"Hayaan n'yo na 'yun." walang-gana niyang sagot. "Sa stalker ko galling 'yun."

"Ha? Stalker??? Baka naman secret admirer?" natatawang puna ni Xeira.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now