Epilogo

5.1K 150 49
                                    

"AHHHHHH!!!"

Napasigaw si Dmitri nang siya ay magising mula sa isang masamang panaginip na ilang taon na rin gumagambala sa kanya.

Nasa gubat daw siya habang pinagtutulungang bugbugin ng apat na tao. Iniwan siyang walang malay at nang magising siya ay napakadilim na ng paligid, na tanging buwan lang ang nagbibigay liwanag. Gumapang na lang siya upang makaalis doon dahil hindi na niya kayang makatayo pa. Pero dahil sa sobrang dilim sa gubat ay hindi niya namalayan malapit na siya sa isang kumunoy. Nahulog siya rito pero hindi na siya nakaahon pa dahil sa sobrang hina na ng kanyang katawan.

"Ilang taon na ang akong nakakulong dito pero alam kong kulang pa 'yun para mapagbayaran ko ang aking mga ginawa..." aniya habang nakaharap sa kapirasong salaming itinatago niya sa ilalim ng kanyang higaan. "Alam kong hindi ako ang tunay na may kasalanan sa pagkamatay nilang pitopero inaako ko na dahil hinayaan kong gawin mong kasangkapan ang katawan ko sa paghihiganti sa kanila..."

Labingtatlong-taon na ang nakakaraan nang magtagpo ang landas nilang dalawa. Nang gabing iyon ay nakita niya ang pagkamatay ni Vladmir Moral dahil sa pananakit ng kanyang mga kaklaseng bullies. Simula noon ay hindi na rin siya iniwan pa ng hindi matahimik na kaluluwa nito. Hanggang sa malaman nila ang tunay nilang koneksyon sa isa't-isa bilang magkakambal. Nagkahiwalay sila nang nakawin siya ng mga kidnapper noong araw na ipinanganak sila nito.

Sa loob ng pitong taon ay nakasalamuha nila ang isa't-isa. Sa mga panahong iyon ay lihim niyang sinusubaybayan ang mga taong naging dahilan ng pagkamatay ni Vlad. Alam niyang napakalaking kamalian ang paghihiganti pero naaawa siya sa sinapit ng kanyang kakambal, kaya sinusunod niya ang mga sinasabi nito.

Sa bawat taong iyon ay may mga bagay silang kinukuha o sinisingil sa bawat isa sa kanilang pito. Gaya ng pagkasunog ng bahay nila Monique. Ang pagkamatay ng sanggol na nasa sinapupunan ng ina ni Enrique. Ang pagkamatay ng ina ni Lawrence. Ang paghihirap ng pamilya ni Katrina. Ang pagkawatak-watak ng pamilya ni Henry. Ang pagkabulag ng nakakabatang kapatid ni Warren. Higit sa lahat ang pagkamatay ng buong pamilya ni Isabelle...

Pero isang bagay ang naging dahilan para mag-away silang dalawa ni Vlad. Labing-walong taong gulang na siya nang mamatay ang mga kinilala niyang mga magulang dahil sa isang malagim na aksidente, kung saan si Vlad ang dahilan.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga mukha nila...dahil patuloy akong nakokonsensya dahil sa pagkamatay nila..."

July 01, 2007 nang tuluyan ng nagawang sumanib ni Vlad sa kanyang katawan. Sa loob ng isang linggo nitong pananatili sa katawan niya ay ginawa nito ang pagpaslang sa pitong taong naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Agad siyang nakaisip ng paraan para pigilin ang mga binabalak ni Vlad. Nagparamdaman siya kay Janina dahil isa ito sa mga bahagi ng kanilang nakaraan. Alam rin kasi niyang tanging si Janina lang ang maaaring makapagbago sa pagkatao ni Vlad.

Nang malaman ni Vlad ang kanyang ginagawa ay hinayaan lang siya nito. Dahil nagbalik rin ang pag-ibig nito kay Janinakaya lagi niya itong pinapadalhan ng mga bulaklak.

"Pero hanggang kailan mo itatali ang sarili mo sa nakalipas Dmitri..." Napalingon siya nang marinig niya ang malamig na boses ni Vlad.

"Hanggang nabubuhay ako..." agad niyang sagot.

"Pero hindi ako makakapayag sa gusto mo..." giit sa kanya ni Vlad. "Sa loob ng ilang taong pananatili mo rito, hindi man naging sapat 'yun sa mga nagawa kong kasalanan, sa mata ng Diyos alam kong napagbayaran mo na---natin 'yun." paliwanag nito habang nakatitig sa kanyang mga mata, "Pinatawad ko na silang lahat...Pinatawad na rin naman siguro nila ako 'di ba?"

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα