Kapitulo V - Class Picture

4.6K 151 8
                                    

"MAGPAKITA KA SA'KIN DEMONYO KA!!!"

Hindi na nagdalawang-isip pa si Enrique na makipagkita sa lalaking pinaghihinalaan niyang pumatay kay Monique nang matanggap niya ang text message nito kaninang hapon. Alas dyis y medya na ng gabi nang makarating siya sa isang liblib na lugar sa bayan ng Rizal.

"Sasabog ang bungo mo ngayong gabi..." aniya na agad ikinasa ang hawak na kalibre kwarenta'y singkong baril. Ito na ang hinihintay niyang pagkakataon upang maipaghiganti ang kanyang girlfriend.

Naging matalas rin ang kanyang pakiramdam. Bawat kaluskos na kanyang maririnig ay nagpapaputok siya. "Nasa'n ka na?!"

Dalawang magkasunod na putok ang umalingawngaw sa paligid dahil sa sobrang galit niya. Lalo pang nag-init ang kanyang ulo nang makatanggap siya ng tawag mula sa lalaking iyon.

"PAPATAYIN KITA HAYOP KA!" sigaw niya sa kausap. "MAGPAKITA KA!"

"Maaari kang mabuhay kung masasagot mo ang aking katanungan..." makahulugang sagot ng lalaki.

"Ano'ng katarantaduhan 'to?"giit niya.

"Isa lang ang itatanong ko sa'yo... Ano'ng sinabi mo sa mga taong nagtanong sa'yo noong July 07, 2000?"
Bigla siyang natahimik nang marinig ang araw na binanggit nito. July 07, 2000. Alam niyang may isang importanteng bagay ang nangyari nang araw na iyon. Pero hindi na niya maalala pa o sadyang kinalimutan na lang niya iyon.

"WALA!" galit niyang sagot, "Humanda ka. Ililibing kita ng buhay!"

"Wala? Ilang beses na bang nagsinungaling 'yang dila mo Enrique?"

Muli siyang nagpaputok sa sobrang inis dahil sa sinasabi ng lalaking iyon."Magpakita ka na!"

Muling umalingawngaw ang isang putok mula sa baril ni Enrique na hindi niya sinasadyang naiputok dahil sa pagpalo ng lalaki sa kanyang batok.

Kinuha pa ng lalaki ang baril at itinutok sa sentido ni Enrique gamit ang kanyang sariling kamay. "Kung bihasa ka man sa kasinungalingan...sa oras na sabihin mo ang katotohanan ay hindi ka na nila paniniwalaan..."

Isa pang putok ang muling umalingawngaw sa lugar na iyon. Isang balang patungo sa bibig ni Enrique.

KINAUMAGAHAN, Hulyo 02, 2007 nangmaging laman ng balita ang pagkakatagpo sa bangkay ni Enrique Diaz. Ayon sa hinala ng mga pulis, siya nagpakamataydahil sa sobrang pagsisisi sa nagawang pagpatay sa kanyang nobyang si Monique. Ngunit isa na namang malaking palaisipan ang pagkakawala ng dila niya.

Nagulantang ang mga magulang ni Enrique dahil sa masamang balita. Ngunit gaya ng binitiwang salita ni Lawrence, para sa kanya ay tila isang malaking regalo ang balitang iyon. Nagawa pa niyang magpa-party sa kanilang bahay dahil sa sobrang kasiyahan.

"Ano'tong ginagawa mo Rence?!" galit na sigaw ng kanyang ama nang maabutan sila ng kanyang mga kabarkadang masayang nag-iinuman sa pool area ng kanilang mansyon.

"Celebrating Dad..." Nakangiti niyang sagot.

"Itigil mo 'to! 'Di ka na nahiya sa ginagawa mo?!" utos ng kanyang amang si Dr. Marcial Lozano. Hindi niya pinakinggan pa ang sinabi nito kaya itinuloy na lang niya ang pagtungga sa hawak na red horse.

"Inom pa tayo!" sigaw pa niya sa kanyang mga kabarkada. Lalong kumulo ang dugo ng kanyang ama dahil sa kanyang reaksyon kaya nasuntok siya nito.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon