Kapitulo VII - 7th Floor

4.2K 149 4
                                    

Pabalik na sa kanilang klase ang magkakaibigang Xeira, Xeiya at Janina nang bigla na lamang himatayin ang huli. Mabuti na lamang naagapan ng kambal ang pagsalo sa kanilang kaibigan.

"Wala 'kong makita!" sigaw ni Janina nang siya ay magising matapos ang ilang minuto. Wala talaga siyang maaninag na anumang liwanag sa kanyang paligid.

"Ano'ng nangyayari sayo Nina?" nag-aalalang tanong ni Xeira.

"Huminahon ka muna..." payo naman ni Xeiya habang hinahaplos ang mukha niya.

Hindi na malaman ng kambal ang kanilang gagawin sa labis na pag-aalala. Minabuti na lamang nilang pagpahingahin muna si Janina sa clinic.

"Xeiya...Xeira...sandali lang---"

Bago pa sila makarating doon ay nanumbalik muli angpaningin ni Janina. Kaya binalot na naman sila ng malaking pagtataka sa mga nangyayari.

"'Di ko na alam ang gagawin ko?" aniya sa sarili, "'Di ko na alam kung ano ba talaga ang nangyayari sa'kin."

"Mabuti pa magpahinga ka muna sa inyo..." payo sa kanya ni Xeiya.

"Oo nga, mabuti pa 'wag ka munang pumasok ng ilang araw, pati na rin sa hospital." dagdag naman ni Xeira. "Marami na ring kakaibang nangyari sa'yo sa linggong ito..."

"Pero---o sige, tama kayo." Napilitan na rin siyang sundin ang payo ng kanyang mga kaibigan.

"Sige ihahatid ka na namin..."

"Thank you Eira...Eiya."

KINAGABIHAN ay naglakas-loob si Janina na kausapin ang kaluluwa ng lalaking gumagambala sa kanya. Sapagkat alam niyang may kaugnayan ito sa mga kakaibang nangyayari sa kanya.

"Sino ka ba talaga? Bakit ako ang hinihingan mo ng tulong? Bakit ba sila pinapatay?"

Maraming katanungan ang tumatakbo sa kanyang isipan. Hinihiling niyang sana ay masagot na ang mga ito ngayong gabi.

Ilang sandali lamang ay muli na namang namatay-sindi ang ilaw sa kanyang silid. Ibig lamang nitong ipahiwatig na naroon na nga "siya". Sa pagkakataong ito ay hindi na siya natatakot pa dahil desidido siyang lutasin ang misteryong pagpatay sa mga taong iyon.

Nang manumbalik ang liwanag ay muli niyang nakita ang kanilang Class Picture sa ibabaw ng kanyang kama. Isang bagong patak ng dugo na naman ang kanyang nakita roon.

"Apat na? Ibig sabihin may pang-apat na mamamatay..."

"Oo..." Isang mahinang bulong ang tumugon sa kanya.

Hindi na siya natakot pa sa kanyang narinig kaya muli siyang nagtanong. "Ba't ba sila pinapatay? Ilan pa ba ang mamatay???"

"Malalaman mo rin ang lahat sa takdang panahon..."

"Ha? Pero teka lang, sino ka nga pala? Bakit ako ang napili mo?"

Naging sunud-sunod ang mga katanungan niya kaya hindi na siya sinagot nito. Napukaw na lang ang kanyang atensyon nang palutangin na lamang nito ang kanilang Class Picture.

"Masdan mo..." utos sa kanya nito.

Isang talaan ng mga pangalan ang kanyang nakita sa likod ng nasabing larawan, na isa-isa niyang binasa.

"Ngayon ko lang napansin ang listahang 'to..." Sa kanyang pagpapatuloy ay napansin na niya ang mga pangalang pamilyar sa kanya. "Monique Enriquez, Enrique Diaz, Lawrence Lozano...teka 'di ba sila 'yung mga pinatay---"

Nalaman na niya ang kasagutan sa pangalawa niyang katanungan. Siya ang nakakakita ng kanilang kamatayandahil sa bahagi siya ng kanilang mga buhay. Kaklase niya sina Monique, Enrique, Lawrence noong sila ay nasa unang taon sa High School.

"Pero ba't sila pinapatay?" tanong niyang muli.

"Tulungan mo sila Janina..." Taliwas na naman sa hinihingi niya ang isinagot nito. "Tulungan mo sila..."

"Pa'no???"

"Sa pagpikit ng iyong mga mata, maaari mong magawa ang lahat..." makahuluganna naman nitong sagot.

"Ano'ng ibig mo'ng sabihin?"

Hindi na ito muling sumagot pa. Muling namatay ang ilaw na ibig ipahiwatig ang paglalaho "niya".

"Ano kaya ang sinasabi niya? Pa'no ko sila matutulungan?"

Pawang mga katanungan na naman ang naiwan sa kanyang isipan. Pero alam niyang unti-unti ring masasagot ang mga ito sa takdang panahon.

"Pero sana hindi pa huli ang mga kasagutang 'yun..." aniya habang nakatingin sa pangalan ng ikaapat na taong may patak ng dugong nakatakip sa kanyang mukha."Hindi kaya ---"

"Anak kakain na." Nahinto siya sa pag-iisip nang tawagin na siya ng kanyang ina para kumain ng hapunan.

Habang pababa sa hagdan si Janina ay muling lumutang ang kanyang class picturenahawak muli ng kaluluwang nagpapakita sa kanya.

"Ikaw na ang mananagot..." aniya habang nakatitig sa taong may taglay ng ikaapat na patak ng dugo.

TAKOT na takot si Katrina dahil sa pagbabanta ng killer sa kanyang buhay. Hindi na nga niya alam kung saan pupunta upang makaligtas sa kapahamakang nagbabadya sa kanyang buhay. Pero napilitan siyang pumasok dahil kailangan niyang tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

Iniwasan na niyang mapag-isa kaya lagi siyang sumasama sa kanyang mga katrabaho. Lalong-lalo na kay Luisa na siyang tanging nakakaalam ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Magbri-breaktime na silang magkaibigan nang makaramdam siya ng tawag ng kalikasan. Bumalik naman si Luisa sa kanilang opisina dahil nakalimutan nito ang kanyang pitaka. Kaya napagpasyahan niyang hintayin na lang ang kanyang kaibigan pagkatapos niyang magbanyo.

"Katrina..."

Kasalukuyan siyang naghuhugas ng kanyang mga kamay nang makarinig siya ng kaluskos mula sa kanyang likuran. Hindi na niya nagawang mag-usisa o sumigaw pa dahil agad nitong natakpan ang kanyang bibig.

Kitang-kita niya sa harap ng malaking salamin ang nakakatakot na maskarang bungong suot nito. Nagpupumiglas siya kayanakatakbo siya palabas patungo sa pinakamalapit na elevator.

Halos lumuwa ang kanyang puso sa sobrang kaba. Paulit-ulit niyang pinindot ang button ng elevator kahit pa nanginginig ang kanyang mga kamay.

"Diyos ko, tulungan po Ninyo ako..." Paulit-ulit siyang nanalangin para sa kanyang kaligtasan. "Ayoko ko pa pong mamatay, p-pa'no na ang pamilya ko."

Titig na titig siya sa floor indicator kaya parang sinasabayan ng pagbaba ng mga numero ang mabilis na pagpintig ng kanyang puso. Ngunit nanlaki ang kanyang mga mata nang biglang huminto ang elevator sa ika-pitong palapag kung saan siya naroron. Hawak niya ang kanyang dibdib habang unti-unting bumukas ang pinto nito.

"AAAHHH!!!"

Kasabay ng pag-alingawngaw ng bahaw na tinig ni Katrina ang muling pagsasara ng pinto ng elevator. Unti-unti itong bumaba hanggang sa Ground Floor.

"AAAYYY!!!"

Nagulantang ang mga tao ng gusaling iyon dahil sa malakas na pagbagsak ng elevator.

Napasigaw silang muli nang tumambad sa kanila ang taong naroroon. Naliligo na sa kanyang sariling dugo si Katrina Ibanez. Naglaho rin ang kanyang mga mata, na halatang pinwersahang kinuha dahil sa pag-agos ng dugo mula sa mga butas na kinaroroonan ng mga ito. At isang babala ang nakadikit sa kanyang noo.

"Anumang nakikita ng mga mata ay hindi dapat ipagwalang-bahala...Lalo na kung katotohan ang ang iyong nasaksihan..."

Itutuloy...


I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now