Kapitulo III - You heard...

5.6K 181 11
                                    

Ibinuhos ni Monique ang kanyang galit sa pagpapakasaya sa beach party ng kaibigan niyang si Cassandra. Naisip niyang uminom kasama ang kanyang mga kaibigan upang maalis sa isip niya ang taong gumugulo sa kanilang dalawa ni Enrique.

Tahimik siyang umiinom ng isang bote ng tanduay ice nang bigla siyang lapitan ni Ashley. Hindi na siya sinagot pa nito nang siya ay magtanong kung saan sila pupunta bagkus ay pinilit siyang sumama sa kung saan.

Nakarating sila sa isang beach house kung saan ikinagulat niya ang kanyang naabutang eksena. Kitang-kita ng kanyang mga mata ang pakikipaghalikan ni Enrique sa ibang babae. Hindi lang iyon dahil halos malapit na rin nilang mahubad ang suot na damit ng bawat isa.

Galit na galit niyang sinugod ang dalawa at isang malakas na sampal ang iginanti niya sa pagtataksil ng kanyang kasintahan.

"Babe sor---" Hindi niya pinansin pa si Enrique sapagkat hinarap na niya ang babaeng kalandian nito.

PAK. Malakas niyang sinampal ang kaliwang pisngi nito. "That's for kissing my boyfriend!" PAK. Sa kanan naman. "And that's for teasing him..." sarkastiko pa niyang sabi bagoniya tinalikuranang babaeng wala pa ring kaimik-imik dahil siguro sa kalasingan.

"Nique let me ---" Hinawakan ni Enrique ang kanyang kamay upang pigilan siya sa pag-alis pero malakas na sampal na naman ang kanyang iginanti niya rito.

"Go to hell bitches!" sigaw pa niya bago tumakbo paalis.

SA sobrang sama ng loob ay lalo nagpakalunod sa alak si Monique. Maghahating-gabi na nang makatulog silang magkakaibigan sa sobrang kalasingan. Ni hindi na nga nila nagawang makabalik pa sa kanilang mga kwarto. Kaya pare-pareho silang pinapapak ng mga lamok na busog na busog na sa dami ng mga dugong nakahain sa mga ito.

Naalimpungatan si Monique nang marinig niyang may tumatawag sa kanyang cellphone.

"Make this day as happy as if it's your last..." Mahina pero malinaw niyang narinig ang sinabi ngtaong nasa kabilang linya, na nasisiguro niyangang kanyang stalker.

"Who are you to say that?!" galit niyang sigaw sa kausap.

"You'll know who I am, later..." Mas ikinagulat niya ang isinagot nito.

Sisigawan pa sana niyang muli ang lalaking iyon ngunit bigla nitong tinapos ang kanilang pag-uusap.

"Go to hell! Bitch!" sigaw niya sabay tabigsa mga bote ng tanduay ice sa kanyang harapan. "I will kill you..." ani pa niya habang pinipiga ng kanyang mga kamay ang walang kalaban-laban niyang cellphone.

Muli siyang nakatulog dahil sa pananakit ng kanyang ulo. Ngunit muli siyang nagising nang matanggap niya ang text message mula kay Enrique.

Sorry Babe
please 4give me.
Can I see you n0w?
I'm at d beach...

...Riq

Sent: Babe (+6390666131313 )
July 01, 2007 | 01:36 AM

Ito ang naging dahilan upang pumunta siya sa tabing-dagat ng nag-iisa. Sapagkat nananaig pa rin ang labis niyang pagmamahal kay Enrique. Ilang beses man itong makipaghalikan sa iba't-ibang babae, alam niyang siya pa rin ang mahal nito.

Napawi ang sakit ng kanyang puso nang madatnan niya ang maliit na surpresa ni Riq para sa kanya. May isang maliit na kulay pulang kumot anginilatag nito sa buhangin. Sa tabi noon ay may isang lamparang magsisilbi liwanag sa kanilang special date at kaagapay ang liwanag mula sa buwan.

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now