Kapitulo VI - Dmitri Morris

4.8K 152 9
                                    

Simula pagkabata ay si Enrique na ang pinapanigan ng kanilang ama. Kaya naman umusbong ang sobrang galit ni Lawrence para sa kanyang kapatid. Lalo pa iyong tumindi nang malaman niya ang tunay na pagkatao nito. Isinisi rin niya sa mag-inang Enrique at Teresa ang pagpapakamatay ng kanyang ina dahil sa sama ng loob.

"Lahat na lang inagaw mo..." paghihimutok niya habang iniinom ang alak na tanging karamay niya sa kanyang pag-iisa.

Magdamag siyang uminom dahil sa sobrang sama ng loob sa kanyang ama. Kahit lango sa alak ay nagpumilit pa rin siyang magmaneho pauwi kaya naman may nakabanggaan siyang sasakyan.

"Hoy, bumaba ka nga dyan!" sigaw niya sa drayber ng isang itim na SUV.

Ngunit hindi iyon bumaba o nagbukas man lang ng bintana ng kotse nito. Kaya sa galit niya ay binasag niya ang bintana ng sasakyan nito. Akala niya ay magagalit na ng tuluyan ang taong iyon ngunit nagkamali siya. Sa halip na bumaba ito ay bigla nitong pinatakbo ang sasakyan nito dahilan upang mahagip ang kanyang kanang kamay .

"Gago ka!"

"Mamatay ka na..." sagot sa kanya nito, pero hindi siya sigurado kung ito nga ba ang nagsasalita dahil nakasuot ito ng maskarang bungo.

"Ano'ng sinasabi mo ha?!"

"Tumakbo ka na Lawrence Lozano!" sigaw muli nito habang unti-unting inilalapit ang sasakyan nito sa kanya.

Napatakbo na rin siya dahil ayaw siyang tigilan nito. Hindi na niya nakuhang bumalik pa sa sariling kotse dahil sinusundan siya nito saan man siya magpunta.

"GAGO KA!"

Habang tumatakbo ay biglang tumunog ang kanyang cellphone.Kumunot ang kanyang noo nangmabasa niya ang laman ng text message na kanyang natanggap.

Ndadala k mn n2 kh8 saAn...
ngUnit bkt pti
Kt0t0haNan iung TinkbUhan!

Nagsimulang lumukob ang takot sa kanyang katawan nang malaman niyang mula ito sa taong naggugulo sa kanya nitong mga nagdaang araw.

"Sino ka ba talaga?!" Hinarap na niya ang sasakyang humahabol sa kanya.

Muling tumunog ang kanyang cellphone. Kitang-kita niyang may tinatawagan rin ang taong nais pumatay sa kanya.

"Hello???"

"Akala mo ba matatakbuhan mo ang lahat. Nagkakamali ka Lawrence..." Itinuro pa siya ng drayber kaya nalaman niyang iisa lamang ang drayber na iyon at ang taong nanggugulo sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?" giit niya.

"Mamamatay ka na rin..."

"'Yun ang akala mo. GAGO!"

Nakatakbo man siya palayo ngunit madali naman siyang nahabol nito. Nang maabutan siya nito ay walang awa siyang sinagasaandahilan upang magkagutay-gutay ang kanyang katawan.

"AHHHHH!!!"

Isang sigaw ang umalingawngaw sa paligid mula sa isang babaeng nakasaksi sa kahindik-hindik na pangyayaring iyon.

PAKIRAMDAM ni Janina ay nasa tabi na naman niya ang kaluluwang iyon ngunit hindi na siya gaanong natatakot pa rito. Naisip niya na baka may nais lamang talaga itong sabihin sa kanya. Desidido rin siyang makilala ang kaluluwa ng lalakingiyon sapagkat may hinala na siya kung sino ito. Isang taong may kaugnayan sa kanya at sa mga taong nakikita niya sa kanyang mga pangitain.

"Miss..."

Unti-unting siyang napatingala nang marinig niya ang boses ng isang lalaki. Hindi kaya...

I Know Who Killed Me 1 (Published under LIB DARK)Where stories live. Discover now