Chapter 15: Her Impenetrable Father

Magsimula sa umpisa
                                    

My impenetrable father. Nagmukha tuloy siyang kapre dahil sa laki at taas nito and we are the elves. 

Naramdaman kong nagbow si Yuan. Ano bang ginagawa nito? 

Kinalabit ko siya. 

"Hey what are you doing?"

"As a sign of respect." sagot nito sa seryosong wika. Sobrang seryoso niya na halos walang emosyon. Ganon na ba talaga karespetado si Papa?

Hindi ko na lang siya pinansin. Anong tingin niya kay Papa, hari?

Napansin ko ring yumuko si Kuya. Napairap ako. Well, between I and him,  siya lang ang may malaking respeto sa aming ama. 

"I am glad you two came–

Umeecho ang boses nito na sobrang buo sa buong bahay. Sobrang laki ng boses niya na nakakabingi. Nakakakilabot. Nakakatakot.

–late." puna pa nito at tuluyang humarap sa amin. 

He was still the same father base on his physical appearance that I knew, almost a perfect face kahit matanda na siya. Parang kambal lang ni Lee Min Hoo kung ikokompara ko, but he is the older one. But If I would base on his aura and action, he is very far on that thought.

Umabante siya ng kaunti sa amin na halos ramdam ko ang hininga nito kahit mga 1 meter ang layo niya sa amin. Nakatingin siya sa aming dalawa, while he don't even notice Yuan's aura. 

I breathe anxiously again. Hindi ako sanay sa pagkatao niya ngayon. Ibang-iba dati. 

Hinawakan nito ang balikat ng aking kapatid.

"Ki, naging maayos ba ang biyahe niyo ni Charity?" wika nito na hindi inaalis ang tingin sa aking kapatid. 

Humarap si Kuya.  

"Not too much bad, Pa." sagot nito. Bakit hindi na lang niya sabihin ang totoo? Tsk.

Napatigil ako sa pag-iisip nang bumaling ang tingin nito sa akin. No emotion. Mas lumakas ang tibok ng aking puso, parang may naghahabulang mga kabayo sa loob.

"Charity, salamat at sumama ka." wika nito. 

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Kami palagi ang nag-aadjust para sa kanya.

Tinignan ko siya ng mata sa mata kahit puno na ng iba't ibang emosyon ang aking nararamdaman ngayon. 

"I am not supposed to be here kung di lang ako pinilit ni Kuya." nasa tonong pang-iinsulto kong wika.

Napalingon sa akin ang dalawang lalaki na kasama ko. Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Yuan habang nakataas ang isang kilay ni Kuya.

Bigla namang tumawa si Papa. Bumalot sa panandaliang kakaibang ingay ang paligid. 

"You are really a serious one Charity." wika nito at tinapik ang aking balikat. 

"Bakit ka ba umalis at iniwan kami ng mahigit pitong taon pagkatapos mamatay ni Mama?" bigkas ko.

Tumigil ito sa pagtawa at biglang sumeryoso ang mukha. 

"Charity." banta ni Kuya. 

Pinagmasdan ko lang siya at ibinalik ang tingin kay papa na kasalukuyang nakatingin kay Yuan. Mukhang napansin niya na rin sa wakas na may bisita kami. 

"Pia, samahan mo muna ang batang ito sa garden at pakainin mo." wika nito at lumapit ang sinasabing Pia. Yung babae na linapitan ni Kuya kanina. 

Nang nakaalis na sila, nabalot ng katahimikan ang buong bahay. 

Napalunok pa ako ng ilang beses.

"Charity may mga bagay na kailangan kong harapin." pambasag katahimikan ng aking ama. 

I smirked. 

"Talaga po? For almost 6 years or should I say 7 years after a year when Mom died? Wala man lang iniwang dahilan? Wala man lang paramdam? Hindi mo ako masisisi sa nararamdaman ko, at alam mo yan." usad ko na may diin sa bawat salitang binibitawan ko.

Tumalikod si Papa at nagsimulang maglakad. 

"Ano? Tatalikuran mo na na–

"I was the one who texted you."

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang sumingit ito at teka, ano raw? He is the one who texted me? What does he mean?

"A-Anong ibig niyong sabihin?"

"Keep safe."

Bumilog ang aking mata. Kahit yun lang ang sinabi niya ay alam ko na kung saan patutungo ang usapang ito. The heck?!

Ibig sabihin siya yung nagtext sa akin ng hi? Na sobrang kulit sa kakatext na di man lang nagrereply? 

This is really crazy.

"Hindi lang pala kayo mang-iiwan dahil baliw rin kayo."

"Charity!" singhal ng aking kapatid.

"Ama mo pa rin siya." puna nito.

"Hmmm. Siguro nga'y galit ka pa sa akin ngayon pero balang araw maiintindihan mo rin ako." hirit ng aking ama bago tuluyang umakyat sa hagdan. 

"Ano ang dahilan mo?!" sigaw ko pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy lang.

Grrrrr. I cose my eyes for awhile. Bakit ba ang hirap niyang espilingin? He is so impenetrable.

Nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Hindi nila ako maintindihan eh. Gusto ko lang malaman ang dahilan ni papa, ganon lang kasimple eh.

Naramdaman kong may papalapit sa akin kaya napalingon ako rito. Yuan.

"Ah, hinahanap na ako ng kapatid ko. I just want to say thank you sa lahat Ji, pakisabi na rin kay Ki na salamat at maging sa Papa mo." bigkas nito. 

"Hindi ka ba iinom muna ng gamot?" nag-aalala kong tanong. 

Ngumiti ito. Ano na naman ba ang iniisip nito?

"Uy concern siya. Pero sa bahay na lang siguro, salamat na lang." sagot nito at tumalikod na. 

Kahit napakamonggoloid niyang kasama still, malaki ang naitulong niya. 

Bago pa man ito tuluyang nakalabas ay tinawag ko ito. 

"Yuan."

Lumingon ito sa akin habang hinihintay ang susunod kong sasabihin. 

"S-Salamat rin." puna ko. 

He smiled.

"Ikaw talaga ah. Your welcome Vermisse schön [Miss Beautiful]." usad nito at tuluyang lumabas sa malaking pinto habang tumatawa.

Aish. Another alien language na naman. Bakit ba ang hilig niya? Nga naman, half german pala siya.

"Aish. Lumayas ka na nga, nakakabad vibes ka!" hirit ko pa pero tumawa lang ito na dumadagundong sa buong paligid bago nagpaalam sa akin.

***

MOMENTUM (Book I of Momentum Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon