Monday-Morning Quarterback

5.3K 200 14
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

G r e y

Time flies so fast that our two-year relationship has come to an end. Hindi ko na kinaya. May dumating pero may nawala. Dalawang tao pa. Masakit. Sobrang sakit pero wala akong magagawa. Ito na siguro talaga ang ending namin ng ex kong si Quinn Ilustre. Hindi pala lahat parang movie may sweet na ending, may immortal ever after din, walang kamatayang sakit.

"So, have you decided yet?"

"My decision is final, ate. Hindi na ako uuwi ng Pinas." Sumama ako sa kapatid ko nang bumalik siya ng Tate. I came here as a student. Like her, I've had so many offers. I ended up choosing University of Southern California. "And besides, malapit na ang College football. I want to watch. Go out with people. Fight, Trojans! Yay!"

"That's cute but I also know that you barely leave your room, Grey." Tinabihan ako ng ate Red. She asked me to scoot over before giggling, telling me, "Miss ka na daw-"

"Nino?!" Tumayo ako sabay kalampag sa magarang coffee table na binili nito kailan lang. "Nung Quinn na 'yun?! Neknek niya! Wala na 'kong pake sa kanya. Manigas siya. 'Di ko siya kakausapin. Miss-miss niya mukha niya." Tumigil na lang ako nang mapansin kong tinatawanan na pala ako ng kapatid ko. "Why are you laughing? Ate, pagod ako sa pagsusulat, hah, baka gusto mong kurutin ko singit mo dyan."

"Uh-huh."

"Ate, tigilan mo 'ko." I'm currently writing my first book. Actually, prinu-proofread ko na lang. Sa Pilipinas ito ipa-publish kaya naman alam kong uuwi at uuwi rin ako do'n. Kasalukuyan din akong pumapasok sa USC at ang bali-balita daw sa Pinas ay gagawa ako ng pelikula kasama si Quinn. Sus, 'wag na! Ilang taon na akong nagmu-move on, 'no? Baka ma-flush lang sa toilet ang progress ko.

"Hindi ko naman binanggit si Quinn. Hindi mo kasi ako pinapatapos. Ikaw 'tong nakaalala, eh." Umupo na lang ulit ako sa tabi niya. "Sabi ko miss ka na ni Meadow, yung anak niyo ni-"

"Quinn?!" Inulit ko ulit yung drama ko kanina with the biglang pagtayo at kalampag. "Mahal ko yung bata pero yung nanay hindi na. 'Di na ako interesado."

"Well, then, why did you come to my office if you really have moved on?" Lumapit sa akin ang aking kapatid at umiling. "Whatever reason you may have, I'm glad you're here. I'm guessing you've had enough of that tacky food you always order."

"Can you ask ate Erin to cook?"

"Sure." Tinapik niya ang aking braso ng dalawang beses at sumenyas na humiga ako sa kanyang couch. "Hello, Grey. It's been a week since we last spoke. How are you feeling right now?" Someone came in. Oh, it's tita Tori. Aasarin na naman ako ng aasarin ng mga 'to. "Are you angry? Jealous? Having regrets? Do you miss her? Your mem'ries and all."

"Hey, that's not how you do it. May Valmont lang na pumasok, eh."

"Grabe ka naman sa kapatid mo, Red." Umupo sa tabi ng aking kapatid ang kanyang matalik na kaibigan. "Dapat ganito," Tumikhim siya sabay tawa ng mahina. "O, Grey, kamusta na? Gusto mo na ba siyang makita? Uuwi kami ng Pinas sa susunod na araw. May ticket ka na. Sayang naman. Sasama ka ba?"

"That's a little too straightforward."

"'Wag niyo 'kong i-provoke." Subalit bago pa sila makasagot ay agad akong nagsalita, "Is she gonna be there? If it all comes down to it, I just wanna see Meadow and not that whore."

Stockholm Syndrome (Mature Content)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon