Chainsmoking Bitch

7.1K 251 12
                                    

CHAPTER NINETEEN

G r e y

Unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat para kay Quinn. Ilang patalastas na sa telebisyon ang kanyang nakuha, ikinakabit na rin sa ngayon ang kanyang mga naglalakihang billboard ads at noong nakaraang buwan pa nagsimula ang taping niya sa kanyang bagong pelikula.

Nakakalungkot dahil lagi siyang wala sa bahay. Hatid-sundo lang din ang pinagkakaabalahan ko at ang paglilinis ng kanyang condo. Minsan kapag wala akong magawa, nanonood na lang ako ng mga movies na pinagbidahan niya. Workaholic ako, kaya naman minsan naiisip kong bumalik na sa trabaho dahil wala naman akong masyadong ginagawa, hindi sanay na walang ginagawa, kaso lang ayaw ni Quinn. Dito lang daw ako sa kanya kasama si Meadow. Ayon sa kanya, nakakawala daw ng pagod ang makita kaming dalawa sa tuwing dumarating siya ng bahay. Kahit work from home setup, ayaw pumayag, eh.

Ang huli kong pinanood ay ang Run, Baby, Run. Ipinakansela ang paglabas ng pelikulang ito dahil sa pagka-clubbing niya noon na siyang nagdulot ng pansamantalang pagkawala ng kanyang ningning. Malaki ang kinita nito kaya naman bumalik ang tiwala ng mga endorsers, directors, at producers sa kanyang kakayahan. Mahal talaga siya ng madla, kaya naman mahirap siyang pakawalan.

Masaya ako para sa kanya. Masaya din ako dahil nakikita kong natutuwa si Meadow sa kadahilanang nakabalik na sa spotlight ang kanyang idolong si Quinn Ilustre. The only downside is that we barely see each other. She's too high profile; we can't even go out without people noticing her. They love her, people admire her beauty, but what I really like about her is the way she smiles. Lagi ko siyang tinitignan ng patago. Hindi niya ako mahuhuli dahil 'di naman 'yun tumitingin sa akin. Asa pa akong tama ang mga iniisip ko dahil lang sa aminang naganap ng gabing 'yun. May higit isang linggo din yata siyang namalagi sa Scarlett Manor.

Nakakatuwa kasi super close na sila ni Meadow. Minsan nga, sinasabi pa niyang anak niya ito. Speaking of which, here's Meadow. "Ate Grey! Ate Grey!" Nagtatatalon si Meadow sa kama. Muntik ko nang matapon ang kape ko dahil dito. "Wala na po akong pasok! Puntahan natin si ate Quinn sa set nila. Malapit lang 'yun dito! Sige na po, please!"

Pumayag na ako kaya naman tumakbo na palabas ng kwarto si Meadow upang magbihis. I looked over to Maxene, a good friend and also Meadow's teacher. "Hinatid ko na, sobrang excited, eh. Gusto daw makita si Quinn dahil ilang araw nang 'di umuuwi." I nodded, mouthing a thank you to her. "So, how are you holding up? Are you two a real couple now or you're still being banged for money?"

🎶 Chris Brown feat. Drake, No Guidance

"You made it sound like she's my sugarmommy, Max." We both laughed, of course. "I don't know. 'Di ko naman siya kayang tanungin directly dahil natatakot akong masampal ng katotohanan na baka nga mabait lang siya sa'kin para 'di ko siya iwan. Mawawalan kasi siya ng limited edition na laruan," Paliwanag ko, malungkot ang tono ng boses. "I love her na, obviously, pero I also feel like I'm just her toy, a favorite thing that she plays with."

"Napakaganda naman ng toy ni ateng kung gano'n."

"Thanks."

"Ang tanong, naka-move on ka na ba talaga sa nakaraan mo?" Maxene sat beside me. "At yung kay Meadow, kailan mo ipapaalam sa bata?" Unlike Auburn na ka-team ko sa trabaho no'n, Max and I are friends since junior high. I'm always saving her from those bully whores sa pinapasukan naming eskwelahan. She and Auburn are my best friends. They know everything about me.

Stockholm Syndrome (Mature Content)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon