Deep Slumber

5.4K 189 11
                                    

CHAPTER THIRTY-ONE

Q u i n n

🎶 Bring Me the Horizon, And the Snakes Starts to Sing

Nang masalo ko si Gremory, agad ko itong ipinahiga at hinalikan sa noo. Kinuha ko ang baril ni tita Tori, hinablot ko ito mula sa kanyang holster. Babarilin ko pa sana si Liandro ngunit hindi ako marunong magkasa ng totoong baril. "Gago ka!" Sigaw ko. Muntik na akong maipit nang pilit ko pa ring hinihila ang slide ng baril. "Demonyo kang hayup ka!"

"Quinn, Quinn, hey, it's fine," Tita Iris tells me, trying to calm me down. "Tori, a little help here."

Imbis na tulungan ako ng mafia goddess at ang kanyang consigliere, pareho nilang ibinulsa ang kanilang mga kamay at umiling. "Let her, my love. Reese's clean up crew is the best. Kahit magkandapira-piraso itong si Saldivar, ayos lang. I mean, he took baby Marasigan's sobriety."

"Ugh, you two!"

Dadalhin na sa ospital si Grey kasama ang kanyang kapatid. Naiwan ako sa lugar kung saan nasaksak ang aking pinakamamahal at kung saan namatay ang ama ng aking anak. Bali-baliktarin ko man ang mundo, siya pa rin ang ama ng bata. Pasalamat na lang ako at 'di na siya nakilala ni Meadow. Alam kong isang araw, maipapaliwanag ko rin ng maayos sa anak ko kung bakit babae ang kasama ko, kasama namin habang buhay. "'Pag namatay si Grey, huhukayin ulit kita at ilalambitin bago kita pagbabarilin!"

Naikasa ko rin sa wakas ang baril kung kaya naman lalong naalarma si tita Iris. "Quinn, tama na 'yan."

"Hindi ko mapapatawad ang taong 'to."

"Quinn, isipin mo muna si Grey."

"Si Grey..." I snapped back to reality when I heard her name. Kasalukuyan na siya ngayong binibigyan ng first aid ng kanyang ate. "Grey!" Red Marasigan covered her sister's body with her own shirt.

It was obvious, but I still asked, "Did he torture you?!" My girlfriend nods her head slowly. It's amazing how she manages to smile at me while she is in pain. "Sorry, I'm so sorry." Hinaplos lang niya ang pisngi ko. Napapikit ako sa tamis ng kanyang haplos. Nakayakap lang ako sa kanya. Hawak ko ang kamay niya. "I love you."

"It's just a scratch," Pinilit niyang tumayo para ipakita sa akin ang kanyang sugat. "...see?" Nakabaon pa rin ang matulis na bagay sa kanyang tagiliran. "Sis, for the love of God, take this thing off," Bulong niya sa kanyang kapatid. "Oh, yeah, you can't." Natawa lang ang doktor, agreeing to what her younger sibling said.

"Sorry, sis. Can't do that. You'll bleed to death. This is not like the movies." Tita Red motioned for me to kiss her and so I did. Nang dumampi ang halik ko sa malambot na labi ni Grey, lalo akong naiyak. Nahihirapan siyang gumalaw. "Stop moving. Quinn, ingat at baka masagi mo."

"Opo."

"Sige, thanks."

"Grey, I'm so sorry. Sorry."

"Darling, even if you are worried, I know you're mad. I can explain everything," Sabi niya sa akin, parang walang nangyari. Hahalik pa 'yan, o. Isa pa.

"I need you to stay alive because only you can answer all of my questions."

"Okay," Bigkas nito bago pumikit. I kissed her forehead and walked out of the room. I can't stand seeing her in that state.

Stockholm Syndrome (Mature Content)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon