Nagtinginan yung tatlo. Halatang ayaw mag-sorry sakin. Eh kung pag-umpugin ko kaya kayong tatlo dyan!

                “S-sorry po, ate Hayley.” Shaks! Ate daw oh!

                Woohoooo! Parang ang sarap sa tenga marinig ng word na yun! Atleast alam kong Ate na ko! Haha!

                “Okay lang.” sagot ko naman. Psh, okay lang daw. Hindi kaya.

                Pagkatapos nun ay umalis na yung tatlo. Wew! Buti nalang talaga at dumating si Ken. Kasi kung hindi eh, baka ako pa yung ma-kick out sa school dahil sa pagpapasalvage sa tatlong yun!

                Naiwan kami ni Ken dito sa labas habang nakatayo lang, tahimik.

                “Okay ka lang? Hindi ka ba nila sinaktan?” tanong niya sakin.

                “Ah, oo. Okay lang ako. Wag ka na mag-alala.” Woohooo Hayley ang feeler mo. Kala mo naman nag-aalala siya sayo? Utut mu pakamatay ka na!

                “Good to know. Lagi ka ba nilang nilalapitan? Or ngayon lang?”

                “Ngayon lang naman. Thank you pala sa pagdating ha. Di ko alam kung anong gagwin ko kung hindi ka dumating. Salamat talaga ha.”

                “Sus, wala yun. Ikaw pa, lakas mo kaya sakin.”

                Sheeemay grabe kinikilig ako. Sana si Ken nalang ang naging crush ko at hindi si Dylan. Kasi 101% sure ako na kahit anong mangyari eh hindi niya ako ililgtas sa mga ganitong klaseng bagay. Baka nga tulungan niya pa yung tatlong babae kanina sa pambubully sakin eh!

                Pero seryoso, thankful talaga ako dahil dumating si Ken.

                “Halika na, hatid na kita.” Kinuha niya na yung bag na hawak ko para dalhin ito. Tatanggi pa sana ako kaso, wala na eh, buhat niya na talaga kaya naman hinayaan ko nalang.

                “Basta, sabihin mo lang sakin kapag ginalaw ka ulit nung tatlong yun. Akon a bahala sa kanila.” Nakangiting sabi sakin ni Ken.

                “Galing mo talaga! Kaya idol na idol kita eh! Tinamo, like a boss yung ginawa mo kanina!” masaya kong sabi.

                At ayun, natapos ang isang buong araw na hindi ko nakaka-usap si Dylan. Sa totoo lang, hindi ko nga alam na kaya ko pala yung gawin eh. Buti nalang at nagparamdam sakin si Ken.

**

Next Day

— Ken’s Point of View — 

                Nagulat ako nang pagkapasok na pagkapasok ko sa dorm naming ni Dylan. Paano ba naman kasi, hinalungkat niya lahat ng gamit niya at kinalat lang sa sahig. Kumusta naman yun para sa dormmate niya?

                “Oh, anong nangyare? Bakit mo nilalabas yung mga gamit mo?”

                Tinignan niya ako saglit at binalik ulit ang tingin sa ginagawa niya. “Ah eto? Hindi ko gamit yan. Mga bigay sakin yan.” Then, gamit mo pa rin yun?

When She Courted HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon